3

0 0 0
                                    

Ilang araw na simula nang matanggap si Roma sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubos na makapaniwala, na ang magiging boss n'ya ay ang lalaking inakala n'yang pulubi.

Pero sino nga ba siya para tumanggi pa? Trabaho na ang inilapit sa kanya kaya wala nang atrasan to. Sekretarya n'ya na ako, starting this day.

Mabuti na lang at naka-graduate siya ng high school kaya tiyak na papasok naman siya as secretary.

Nang makarating sa top floor kung saan ang office ng kanyang boss at ang magiging office n'ya na rin daw. Pagkalabas n'ya ng elivator ay nakita n'ya ang isang batang lalaki na nakaupo sa labas ng office na para bang may hinihintay.

Nilapitan n'ya ito at hindi pa man siya nakakapantay sa bata ay agad na itong tumingala. Shete, ang gwapo. Handa akong maging sugar mommy basta sa kanya lang!

"Hi po." ay pati boses ang cute.

Pumantay ako sa kanya at bumati rin.

"Hello" sabi ko nang makapantay ko na siya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko

"I'm just waiting for my dad." ay wow, english spokening dollar.

Napatawa ako nang biglang kumulo ang kanyang tyan. Kaya napa nguso na lang siya habang nakatingin sa akin at alam ko na kaagad ang ibig sabihin non.

Niyaya ko siya sa loob ng opisina ni boss na may mini kitchen, na mukhang hindi mini. Hindi ko na ipapaliwanag kung anong itsura ng office ni boss ah, hindi ko kasi alam ang mga tawag eh basta black and white ang color pati gamit, basta ganon.

Nilingon ko yung bata para tanungin kung anong pangalan n'ya.

"What's your name?"

"Israfel Lian, what about you? Whats your name?" goodluck sa aking hindi katangusang ilong, huwag sanang duguin.

"Romana is my name. But you can call me Roma for short." akala mo 'di ako marunong mag english ah.

Matapos yun ay iniwan ko na siyang nakaupo sa mataas na silya na nakaharap sa island counter at nag simula nang magluto. Mabuti na lang at may laman yung ref.

Ilang minuto lang ay natapos ko na ring lutuin ang adobong manok na talaga namang bet ko rin. Dinamihan ko na para sa lunch.

Hinainan ko si Israfel at hinayaan siyang tikman ang aking niluto. Tinitigan ko siyang mabuti para makita kung anong magiging reaksyon n'ya.

"Its delicious tita Roma." Sabi n'ya bago sumubo ng sumubo at hindi na ako pinansin. At tinawag n'ya akong tita.

Nang matapos siya ay tinulungan n'ya akong mag ligpit ng kanyang pinagkainan. Ang cute na ang sipag pa.

Habang hinuhugasan ko ang kawaling nagamit ko ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ay iniluwa non ang aking boss.

Agad namang tumakbo si Israfel na ipinagtaka ko.

"DADDYYYY!!" sigaw ni Israfel habang tumatakbo.

Shet!? Daddy?

MAY ANAK NA SI BOSS!!!?

The Girl That I Want To MarryWhere stories live. Discover now