2

0 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan mula nang mapadpad ako dito sa isang paupahan na ngayon ay itinuturing ko na ring tahanan.

Ngayon ay napag desisyonan ko na maghanap ng bagong trabaho dahil hindi na sasapat ang sahod ko bilang janitress dahil nag rerent na nga ako ngayon kasi diba, napalayas nga.

So ngayon nakasuot ako ng isang high wasted ripped jeans at isang gray tshirt na naka tuck in sa harap at white sneakers. Para naman mag mukhang tao sa pag aapplayan baka hindi ako tanggapin kung sakali.
Nakalugay lang ang hanggang bewang kung buhok at naglagay na rin ako ng kunting make up. Dukha nga siguro ako pero marunong naman akong pumorma base sa sitwasyon.

Nang makarating na ako sa isang kompanya na ang sabi ni Ana ay marami daw bakante.

"Kuya available pa po ba yung mga hirings?"tanong ko kay manong guard na patulog na.

"Opo. Punta lang po kayo dyan sa front desk, sila na po mag tuturo sa inyo nang mga gagawin" paliwanag n'ya.

Tinungo ko ang front desk.

"Miss, ano pa pong available na trabaho?" Tanong ko kay ate na super puti. Sana all.

"Ay opo, meron pang bakante sa janitress at secretary ng mala demonyo naming boss." Bulong lang yung huli pero dinig ko.

Bago pa ako makasagot ay may lumapit sa aking tabi na isang matangkad, maputi, matangos ang ilong at parang isang model! Shet. Kailan pa nagkaroon ng ganito ka-gwapong nilalang sa mundo?
At parang may kamukha siya na hindi ko maalala kung saan ko nakita.

Napansin kong natigilan din ang babae na kinakausap ko kanila.
"S-sir" nautal?

Agad na humarap sa akin yung gwapong nilalang at hindi inintindi yung pagtawag nong babae.

"What are you applying for?" shet english.

"Kahit ano basta ok sa sahod."sagot ko naman

"Your hired, as my secretary." Sabi n'ya sabay alis.

Nilingon ko yung nasa front desk.
"Hired daw ako?" takang tanong ko.

"Oo sis tanggap ka na daw, goodluck." sabi n'ya sabay kindat.

Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala at bigla na lang pumasok sa aking isipan kung saan ko nakita yung gwapong lalaki kanina at bakit ito pamilyar.

"Yung lalaking naka frappe at naka sports car, pero pulubi!"

The Girl That I Want To MarryWhere stories live. Discover now