1

1 0 0
                                    

Ilang araw na rin mula nang mapalayas si Roma sa kanila pero hanggang ngayon e, wala pa rin siyang matitirahan. Nakitulog lang siya sa kanyang katrabaho pero umalis din siya kaagad dahil nahihiya.

Habang naglalakad ay napansin nang dalaga ang isang poster na nakapaskil sa poste. Isang karatulang nagsasabing may bakanteng bed pa... sa wakas, salamat lord!

Dumere-deretso ako sa isang kanto at nakita ko rin ang isang bahay na may dalawang palapag, may nakasabit na "wanted: girl bed spacer" salamat at naging babae ako!

"Tao po! Tao po!" Pag tawag ko. At salamat at hindi pa malabo ang pandinig ng land lady nila. Chos.

"Kayo po ba yung may ari ng bahay?"

"Ako nga. Anong maitutulong ko sa iyo, hija?" nakangiting sabi n'ya. Sana mabait.

Pinagbuksan n'ya ako ng gate at pinatuloy.

"Gusto ko lang po sanang itanong kung available pa po ba yung bed? Kung wala pa po kayong nahahanap pwede po ba ako na lang?" Magalang na sabi ko. Mahirap na baka mawala pa to at baka sa lansangan pa ako matulog kung sakali.

"Available na available at sayo na ang pwesto, gusto kita" " Basta 2 months deposite, depende sayo kung gusto mong mag advance, walang kaso sakin yun. At ang isa sa aking pinaka rules dito ay bawal ang late mag bayad ng renta, maliwanag ba?"

Agad naman akong tumango at agad n'ya rin akong inihatid sa kwarto ko.

Ang bahay ay may dalawang palapag ang sa baba ay ang sa land lady na mukhang mabait na ewan. Sa second floor naman ay may dalawang kwarto na pina uupahan n'ya at for girls only.

Ang share ng kwarto sa right ay sina Ana at Lea na mukhang ka vibe ko naman kaya mukhang makakasundo ko sila.

At ang ka-share ko naman ay si Margie na kanina pa may hawak na libro at parang may sariling mundo.

Iniwan na kami ng land lady na nagngangalang Anita Dela Cruz.

"Girl, welcome sa iyong new world." sabi ni Ana

"Kung saan may land lady na akala mo tatakbuhan pag hindi nakabayad ng renta" kwelang sabi ni Lea

Na ikina iling ko. Mga kalog.

"At kung saan may kasama kang wattpad addict sa kwarto." pagdagdag ni Margie

Nice mukhang mababait naman sila.

Dapat masanay na ako sa bago kung buhay...

Mag isa.

The Girl That I Want To MarryWhere stories live. Discover now