4

0 0 0
                                    

Expect the unexpected nga naman, akalain mo yun! May anak na pala si boss. Meaning may asawa na rin, like duh mag kakaanak ba pag walang asawa?

Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang sumikip dibdib ko kahit wala naman akong dibdib. Chos. Pero promise bigla talagang kumirot ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan.

Nakaupo lang ako ngayon sa aking swivel chair habang ini-endcode ang summary ng profit at cost ng kompanya ni boss. Angeles Hotel. Main company pero marami pa silang branch here in the Philippines.

"Tita Roma!"

Napatingala tuloy ako nang wala sa oras ng tawagin ako ni Israfel. Nakangisi siya habang nakakandong sa kanyang daddy.

"Yes?" sabi ko. Uunahan ko na sa englishan to.

"Its already lunch, do you what to come to our house?" sabi na eh mapapalaban talaga ako ng englishan sa batang ito. Pero teka, niyaya ba n'ya akong pumunta sa bahay nila? So mami-meet ko yung mommy n'ya for sure. Ansaket. Sana all.

"Can I say no?" I asked. Ayaw ko namang maging saling pusa sa lunch ng mag anak no.

Nakita ko kung paano nawala ang nakangising labi ni Israfel at napalitan ng lungkot.

"Oh. Ok." tanging nasabi n'ya na lang, so na guilty naman ako. Hays ang hirap maging marupok.

"Just kidding. Lets go." sabi ko at dali daling iniligpit ang mga gamit sa aking table bago siya puntahan at hawakan sa kamay na agad naman n'yang ikinangiti. So cute. Hirap tanggihan.

Habang nasa kotse ay panay ang pag kukwento ni Israfel tungkol sa kanyang crush.

"She is super pretty po, tita Roma. Thats why I kissed her." Nice mabilis--- ay teka kiss?

Napalingon ako sa kanya.

"What?" " Huwag kang basta basta manghahalik, hindi tama yun, ok?"

"But tita, daddy said kiss pretty girl that you want." Pag depensa naman n'ya. Pretty girl my ass.

Napalingon ako sa boss kong pinipigilan ang pag ngisi.

"Hanep nang turo natin boss ah. "kiss every girl that you want" sa dinami daming pwedeng ipayo sa anak yun pa?" sarkastiko kong sabi.

Tuluyan na siyang ngumisi at talaga namang uminit ang aking batok sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"I can apply that advice to you too, My girl." shet. Ang sexy ng pag kakasabi.

Hindi na lamang ako sumagot dahil baka namali lang ako ng dinig.

Pero shet. My girl.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl That I Want To MarryWhere stories live. Discover now