# 6

28 1 0
                                    


Pagkatapos naming kumain nagkwentuhan pa kami ng konti ni Mister Dino about life, politics at kung ano ano pa. Honestly, I am enjoying talking to him. Ang deep nya, at ang open nya sa kahit anong topic hindi man halata pero nakakasabay sya sa mga topic ko.

Nang may ayusin ako at iniwan muna sya don, pagbalik ko nakasandal sya sa bintana at natutulog.

Napangiti ako.

Napagod toh kakadaldal hahaha.

Mukha syang mahirap pakisamahan kasi nga masungit tapos ang cold pa ng outside personality nya pero yun nga pag nag open up naman sya magiging comfortable kang kausap sya.

He's so genuine and soft.

Kung tutuusin nga pwedeng pwede nya akong iwan dito pero hindi nya ginawa.

Nagtext ako sa auto shop na daanan yung sasakyan dito bukas ng umaga. Feeling ko hindi pa nakakatawag ng nag-aayos ng sasakyan tong si Dino e.

Pinicturan ko sya sa ganong pwesto hehe ang cute kasi nyang tingnan pati remembrance nadin.

"Nice meeting you mister Dino" sabi ko at kinumutan sya.

Nag-open ako ng twitter at grabe trending kami.

Pati sa facebook ganon din.

Ang daming nagrerequest na mag collab daw kami, or kaya vlog, at kung ano ano pa.

Tama ba tong ginawa ko? Hayst sabagay tapos na hindi ko na mababawi.

Naalala ko yung pag-uusap namin kanina. Tinanong ko sya randomly lang.

"What is the most stupidity you've done?" tanong ko

Nag-isip muna sya tapos nagsalita din.

"Maybe the time that I adviced my friend, Cj to chase his first love which is my first love too. And sumama pa ako para makita kung paano nila naging sila. But I didn't regret it and never will." sabi nya

"Wow. Ang martyr grabe paano yun?" tanong ko

"At first syempre masakit, but I saw how happy they were and I made the right choice. Pati mas lumamang na din sakin yung turing ko sakanya bilang kaibigan" sabi nya

Tumingin sya sakin.

"How about you? What is the most stupidity you've done?"

"Ahmm madami e pero siguro yun yung tinutuloy ko padin kahit natatakot ako. Ang tanga lang" sabi ko

"Really? I think it's bravery" sabi nya

"Hmm maybe but maybe not. Kasi kahit alam kong nakakasira na sa sarili ko tinutuloy ko padin e" sabi ko at napangiti ng mapait.

"Oh. Stupidity nga" sabi nya na ikinatawa ko.

Ang honest nya ha! Hahaha cute.

"Eto may tanong pa ako" sabi ko

"What?" he asked

"Dumating kaba sa point na may pinagsisihan ka ng sobra?"

Tumahimik ang paligid ng saglit.

"It is the time when Sen saved my life but I couldn't saved hers. As a friend I should have done something to help her. Pero desisyon na yon ni Sen, at wala na dapat sisihin" sabi nya and looked at me.

Ngumiti sya ng tipid.

It was always Sen... Hindi ko alam pero pakiramdam ko mahal nya parin si Sen kahit sinabi nyang matagal na syang naka move-on kahit nung andito pa si Sen.

The Number You Have DialedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon