# 9

32 1 0
                                    


Andito ako ngayon sa office ng General Manager namin.

"Sit down Mr. Fernandez" he said.

I sat down.

"Is there something wrong Mr. Marquez?" I asked.

Never naman syang nagpatawag ng solohan. At kung magpapatawag man sya ay dahil urgent ang meeting at lahat kaming heads ay kailangan present.

" The General Manager in Manila Tech Company wants you to be part of their team Dino. Alam kong tumatanggi ka sa ganito, naisip ko lang na kung ayaw mo sa ibang bansa, why don't you consider being part of the main branch? What do you think?"

I paused for a second.

"Am I doing a lousy job here?"

His eyes widened.

Pfft.

"No, of course not! Alam mo naman isa ka sa pinaka magaling na---"

"Pfft I'm just kidding Sir Marquez" sabi ko at tumawa sya.

"So sa tingin mo?"

Napaisip ako. I've been working here for years at kung tutuusin pwedeng mas mataas pa ang posisyon ko sa kanya kung hindi ko lang tinatanggihan. But Im not aiming for high positions. Meron akong gustong mahanap sa sarili ko na hindi ko maintindihan kung ano.

Maybe I should try something new.

"Okay Sir I'll accept your offer. I'm going to transfer in the main branch" sabi ko

Ngumiti naman sya at ganon din ako.

"Great! You can transfer today if it's fine with you" he said and I nodded.

Nagshake hands lang kami at nagpaalam na ako.

Pumunta ako sa desk ko at kinuha lahat ng gamit ko.

Hindi ko naman kailangang malungkot na umalis dito kasi sa totoo lang kahit gaano ako katagal dito wala akong naging kaclose. Dahil ayoko ng masyadong madaming tao ang nakapaligid sakin.

Maya maya lang nailagay kona lahat ng gamit ko sa kahon and for the last time I looked at my office and just smiled.

Okay na siguro ang ilang taon, I should try going out to my comfort zone.

Dapat masanay na ako sa mga pagbabago.

Kaya siguro hindi ako umaalis dito is I just don't want to change, may mga bagay na ayokong mabago pero hindi yon mapipigilan.

Kaya siguro ganito ang buhay ko pinipilit kong wag magbago, pinipilit kong manatili kahit pwede naman akong umusad.

I closed my door at lumakad na paalis.

Nakakarinig ako ng mga bulungan.

Silly.

Bulungan pero rinig na rinig ko.

"Hala teh aalis na agad si Sir Dino e hindi manlang tayo nakapag team dinner kasama sya anubayan!"

"Oo nga! Ang cold nya tingnan mo hindi manlang nagpapaalam satin hayst!"

"Ni Hindi manlang natin sya nakausap ng matino jusko laging ang iigsi ng sagot"

"Never nya pati tayong tiningnan sa mata pag nakikipag usap mga pare pero masasabi kong magaling sya sayang naman si Sir"

"Ang sabihin nyo gusto nyo lang landiin si Sir nako--pero bakit naman biglaan huhu"

Humarap ako sa kanilang lahat.

The Number You Have DialedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon