Andito na ako sa Pilipinas nung nakaraang linggo pa at hindi na takas eto kasi kasama ko na si ate Les.I've been searching for Dino halos ilang araw kasi hindi kona macontact yung number na binigay ni Olly. Wala din naman syang kahit anong social media na makakapagturo kung saan sya dito sa Cavite.
Nahihiya naman akong tanungin si Olly.
Kaya I've no choice to ask ate Lesley for help. And she has no choice to do it kahit nakwento nya sakin na medyo nagkaron ng off sa kanilang dalawang magkapatid.
Andito ako ngayon sa Manila para sa shoot and meeting. I'm wearing my mask and shades ng lumabas ako ng van ko. Pinabago ko na din ang color kasi ayoko talaga na pinagkakaguluhan ako. Although di naman ako ganon kasikat dito sa Pilipinas mabuti na din yung sure.
And then I saw him, napangisi ako.
What a small world.
At saktong message sakin ni ate Lesley yung number ni Dino.
I hesitated at first pero sinundan kona din sya and he headed to a resto.
Hindi muna ako lumapit at tiningnan sya habang natingin ng magazine. Nakapwesto sya sa may glass wall kaya nakikita ko sya dito sa labas.
He doesn't change ang cute padin nya kahit laging seryoso.
I called him.
"Hello---"
"Who's this?"
Same old Dino, it's been a year and he never changes pfft.
"Tsk. Never nagbago. Shopee delivery po sir paki-pick up dito---"
Naglalakad na ako papuntang resto kung nasan sya.
"What?"
"Shopee delivery kako--"
"What is shopee?"
Hayop! HAHAHAHA
"Ay hopia! Taong tabon ka talaga noh?"
"Who the hell are you? Tigilan nyo na yang budol budol nyo. I'm gonna hang-up---"
" TEKAAAAA!! " sigaw ko habang andito na ako sa pinto kaya nagulat din sakin si manong guard. Napa-peace sign nalang ako.
"What the heck?"
Natawa ako dahil galit nyang inilayo sa tenga nya ang phone nya. Ayaw nya sa maingay noh?
Lumapit na ako ng makita kong nabosesan nya na rin ako.
"Khia Psalma?"
Umupo ako sa upuan na nasa tapat nya. Tumingin sya sakin.
"The one and only mister Dino" sabi ko at tinanggal ang mask at shades ko.
I smiled and winked at him.
His eyes widened.
Luh? Marunong pala sya magulat. Pfft.
"Ganda ko noh?" sabi ko na ikinakunot naman ng noo nya.
I laughed, King of expression talaga toh eh ang cute HAHAHA.
"How did you get my number?" he asked.
"Bakit ka nagpalit ng number?" I asked back.
"Phone got broke---tsk answer my question Khia Psalma" he said.
Ngumit ako at nag peace.
Napapikit sya at napahilot sa noo nya.
"Damn Olly" he whispered.
![](https://img.wattpad.com/cover/151217185-288-k735652.jpg)
BINABASA MO ANG
The Number You Have Dialed
Short Story| | O N - G O I N G | | [VBOYS SIDE STORY #1] Silly and corny but because of the number you have dialed.....I met you -------------------- ❄️ 1/10/22