NAPAKUNOT ang noo ni Rusty nang mapansing nakaangat nang bahagya ang barrel ng gate. Sa pagkakaalala niya, nakalapat iyon nang husto bago siya umalis. Sinasadya niya iyon.
Lumabas lang siya sandali para bumili ng sabon at shampoo sa mini-grocery sa labas ng village. For Pete's sake. Hindi niya gustong maligo na dishwashing liquid ang gamit.
Saglit siyang nagpalinga-linga sa paligid. Nahagip pa ng mata niya ang isang taong naglalakad palabas sa street nila. Nakasuot ito ng hoodie jacket. Nakatalikod kaya hindi niya na nakita pa ang hitsura. Hindi niya na iyon binigyang pansin pa. The hell he care about other people.
Binuksan niya na ang gate. Pagkatapos maisara ay dumiretso na siya hanggang sa pinto. Napamura siya sa gulat nang may makita siyang bulto sa tabi ng pinto. Madilim pero mabilis niyang naaninag ang mukha ng nakatagong bulto.
"Lavey? Anong ginagawa mo riyan?" takang tanong niya.
Nag-iskwat si Rusty para suriin ito. Nakapikit ito. He squeezed her left breast and he heard her moan. Shit.
Bigla siyang natigilan. Napansin niyang iba ang suot nito. At... may nakasukbit na shoulder bag sa balikat. Kumunot nang husto ang noo niya. Sinuri niya nang husto ang hitsura nito.
The woman suddenly opened her eyes. Lalo siyang nagulat. What the fuck?!
Tila nagulat din ang babae nang makita siya.
"Sino ka?!" halos magkasabay lang nilang tanong sa isa't isa.
Napaatras pa ito na tila natatakot. Ito pa ang natakot samantalang ito ang nag-trespass sa bakuran niya? Oh, he would surely call the police!
Nabitawan niya ang hawak na paperbag. "Answer me, Miss. Anong ginagawa mo sa bahay ko?"
And why the fuck do you look like Lavey? Gusto niyang idugtong ang tanong na iyon.
She was in the state of shock for a moment. Pero maya-maya ay nakahuma na rin ito. Inayos pa nito ang nagkalat na buhok sa paligid ng mukha nito.
"I... I'm sorry. Nagtago ako rito because someone is... stalking me," alangan at tila worried na tugon nito. The woman seemed distracted, or terrified.
"Mukhang wala namang naghahanap sa 'yo sa labas. Makakaalis ka na." Malamig niyang tugon. Hindi niya naman ito obligasyon. Hindi taguan ng mga babaeng umiiwas sa suitor nila ang bahay niya.
Ah, women.
The woman reluctantly stood up. Noon niya napansin na matangkad ito. Kahit nasisilawan lang ng ilaw mula sa lamp post sa labas ay nakikita niyang maganda ang figure nito. Napalunok siya at napailing.
"Thank you," she said as if she was still hesitating to walk out of his property.
Hindi alam ni Rusty ngunit biglang pumasok sa utak niya ang lalaking naka-hoodie na naglalakad kanina paalis sa street nila. Ito kaya ang sinasabi ng babaeng stalker?
"Miss, sandali," tawag niya sa babaeng nakakailang hakbang pa lang mula sa kanya.
Alangan itong napalingon habang hinihilot-hilot pa ang batok.
"Would you like to come in first? Baka nandiyan pa 'yong stalker na sinasabi mo," wala sa sariling nai-offer niya.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalangan kaya mabilis niyang inunahan ang mga pumapasok sa isip nito.
"Wala akong gagawin sa 'yong masama. Hindi lang kaya ng konsensya ko kapag may nangyari pang hindi maganda sa 'yo."
--------------
Author's Note: So, sa palagay ninyo? Sino ang stalker? Lol. Sorry na talaga. Alam kong ang tagal bago ako nakapag-update. Pero I will try my best na mas marami nang update ngayong buwan. Ingat kayo lagi. Magpabakuna! xoxo
![](https://img.wattpad.com/cover/240490555-288-k721286.jpg)
BINABASA MO ANG
Wicked Series I: Marionette (On-Hold)
RomanceLavender had a stalker. Hindi niya alam kung kailan at kung saan nanggaling ang taong iyon. Pero malinaw sa kanya na hindi na normal na araw-araw niya itong nakikita sa subdivision nila magmula nang umuwi siya mula sa isang linggong business trip ng...