Matalik na Kaibigan

104 4 0
                                    

Mula bata'y kaibigan ko siyang tunay

At gusto naming magkasama habang buhay.

Minsa'y inakala ng iba na kami na,

Bagay daw kasi kami lalo na't pagmagkasama,

Minsan ay naisip ko,"Bakit hindi?"

Ngunit para sa kanya isa itong pagkakamali.

Habang tumatagal,

Siya'y aking minamahal,

Gusto ko sanang aminin,

Ngunit baka masaktan ang aking damdamin.

Kay hirap itago ng aking nararamdaman

Ano pa kaya'y kung ang reaksyon niya'y aking malaman.

Ngayon ay may nakilala siyang isang babae,

Na naging dahilan sa pag-iwan niya sakin sa ere

Pero paano kung malaman niya na siya'y ginagamit lamang

Dahil siya'y sikat sa kanyang talento at kagwapuhan.

Sasabihin ko na sa kanya ang aking nalalaman

Para pagdating ng panahon ay hindi siya mahirapan,

Ngunit hindi ko inakala na ako ay masasaktan

Dahil sa kanyang pagsigaw sa aking harapan.

Humingi siya ng patawad sa kanyang ginawa,

At kaagad ko itong tinanggap dahil ayoko siyang mawala.

Pagkalipas ng ilang buwan,

Hindi ko na kinaya ang sakit na aking nararamdaman,

Dahil ako'y ipinagtabuyan ng aking matalik na kaibigan

Sa kadahilanang inaway at sinaktan ko raw ang kanyang kasintahan.

Hindi ko kayang magsalita sa mga panahon na yon,

Dahil hindi ko maisip na pinaniwalaan niya yon.

Kaya ngayon balak ko ng umalis,

Dahil pagod na akong masaktan at magtiis.

Ilang buwan na ang lumipas,

Pero ang pagmamahal ko ay hindi pa kumukupas,

Dahil nandito siya sa aking tabi,

Minamahal at inaalagaan ako ng mabuti.

Nagtataka ba kayo kung bakit siya'y nandito sa tabi ko?

Napagtanto niya daw ang tunay niyang nararamdamn kaya't ako'y sinundan dito.

Nalaman niya rin na siya ay pinaglalaruan lamang,

Ng kanyang minamahal na kasintahan,

Humingi din siya ng patawad dahil hindi niya ako pinaniwalaan,

Tinanggap ko agad ito dahil siya ay aking mahal na mahal.

Kaya ang matalik kong kaibigan,

Ay ang aking ka-ibigan.

Papel at BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon