Ikaw pa rin pala ang nasa isip ko
Ikaw pa rin pala ang tinitibok ng puso ko
Ikaw na paborito kong pangyayari sa buong buhay ko
Ikaw na minahal at mamahalin koUmaasa akong babalik ang dating "tayo"
Pero may umeksenang iba na dapat ay "ikaw at ako"
Naging "ikaw at siya" at tila nawala ang "ikaw at ako"Siya na ang dahilan ng pagngiti mo
Siya na ang nagsisilbing buhay mo
Siya na, siya na ang mahal mo
Siya na at hindi ako
Bakit kaya hanggang ngayon ay mahal pa rin kita?
Mahal pa rin kita kahit sobrang sakit na
Mahal pa rin kita kahit ayoko na
Mahal pa rin pala kitaAt kung dumating ang panahon na tayo'y muling magkita,
Na pagtagpuin ang ating mga landas at mga mata,
Ikaw at ikaw pa rin ang paulit ulit kong hihilingin sa mga bituin at gugustuhin sa huling pagkakataon
Dahil mahal na mahal pa rin kita.