Laging nakatulala sa isang dako
Ang puso't isip ko'y bumabalik sayo
Kay tamis na pagsinta hinahanap ko
Kaya ako'y tuliro ni di kumikiboMinsa'y iniisip ko na naririto ka sa aking tabi
Na palagi akong yinayakap araw-gabi
Kahit minsan inisip kung kasi
Bakit mo ako minahal datiKung ngayon iniwan mo sa isang tabi
Umiiyak at puno ng pagsisisi,
Bakit ba iniwan mo akong sugatan,
Di mo man lang naisip na ako'y masasaktan?Ayos lang na iyong iniwan
Di naman sakin ang kawalan
Nakita kitang may kasamang iba
Nakangiti na at masayang masayaKahit ako'y nasaktan
Kaya kong tiisin at labanan
Basta alam ko sa sarili kong mahal kita
Narito lang ako, hindi ka iiwang mag-isaHanda akong masaktan
Kahit ako'y iyong iniwan
Titiisin at lalabanan ang sakit
Kahit ang puso ko ay napunitKahit hindi mo na ako kayang mahalin
Basta't tanggapin mo lang ang damdamin
Handang ialay ang puso't buhay
Makapiling ka lamang habang buhay.