Chapter59

993 31 25
                                    

Ara's POV

I dont know why we came up to this point. After ng proposal ko sa kanya everything went smooth naman. Lahat sila tumutulong. Lahat masaya para sa amin.

But.

This past few days, Mika seems off. Parating tulala. Bukas na yung kasal namin. Parati ko siyang nakikitang tulala. Ang cold niya din. Wala na yung I LOVE YOU niya na before di matatapos yung sasabihin namin ng walang I LOVE YOU sa dulo.

Parati ring mainit yung ulo niya. Konting pagkakamali lang sisigaw na siya. Nakikita kong nagwowonder yung mga friends namin kung bakit nagkakaganun siya. Sabi ko baka natataranta lang kasi nga excited sa kasal namin.

Yun nga ba?

Makikita ko siya minsan palihim siyang pumupunta sa park malapit sa village namin. Ilang oras na nakatanaw sa mga batang naglalaro.

Ilang beses niya noon sinabi na gusto niya ng isang happy family. Yung siya mag-aalaga ng kanyang mga anak. Yung may tatawaging ama yung mga anak niya. Yung sabay2x sila pupunta sa church. Yung ang tatay ng mga anak niya yung nagfifix ng whatever na sira sa bahay.

Yun ang mawawala sa kanya. Kasi di ko kaya lahat yun.

Ilang araw ko ding pinag-isipan to.  Siguro masyadong mabilis ang lahat at ngayon lang namin pareho narealize ano yung kapalit ng magiging desisyon namin.

Andito naman siya sa park.

I hug her from behind.

Ara: Babe..

Sa pinakamalambing ko na tawag sa kanya. Grabe yung kaba sa dibdib ko.

Mika: Vic....

Wala na yung "babe". Heto na yung kinakatakot ko. Yung dahilan ng kulang ko sa tulog this past few days.

Heto na yun.

Ara: Alam mo naman na ang ayoko sa lahat e yung nakikita kang nahihirapan. Bahala na ako wag lang ikaw...babe...

Di ko na napigilang tumulo yung luha ko.

Heto na e. Isang tulog na lang e. Kaya ko naman na ipagpaliban to pagkatapos ng kasal. Baka paranoid lang ako.

But no.

Di na kaya ng puso ko.

Mika: Vic...ang daming tao oh. Nakatingin satin.

Before di niya naman iniintindi kung may makakakita samin ng ganun. Na sweetan nga siya, but now ramdam kong naiilang siya. Naalibadbaran.

Ara: Sandali lang babe. Kahit 5 mins lang please.

Mika: Ano ba?! Bitaw sabi eh!

Ara: 5 mins lang please

Mika: Vic....bitaw sabi e! Ano ba? Sa bahay na lang. Nakikita ka ng mga bata oh. Ano na lang iisipin nila ha?

Nakikita ko yung galit sa mga mata niya? Yung galit at inis na pinagsama. Ngayon lang ako humingi ng 5 min na yakap sa buong buhay ko at sa tao pa na pinakamamahal ko. Sa tao na noon ay minu-minuto akong niyayakap kasi ayaw niya na sa iba ako hahanap.

Parang sinampal ako nag isang libong beses. Di ako makapagsalita. Parang puno yung lalamunan ko. Para akong binuhusan ng isang drum ng nagyeyelong tubig.

Masakit. Malamig. Nakakamatay.

On top of that, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Yung takot na takot ako at unti-unting nawawala yung lakas ko. Yung tuhod unti unting nanlalambot.

Ara: Babe...

Mika: Vic...tama na.. uwi na tayo. Wag ka mag iskandalo dito.

Ara: Di naman ako nag e eskandalo a. Kinahihiya mo ba ako? Parang hirap na hirap ka na e. Nagbago na ba isip mo?

Mika: Wala akong sinasabing ganyan. Bukas na yung kasal natin ano ka ba? Bat ka nagsasalita ng ganyan?

Ara: Pero yan yung pinaparamdam mo.. at ang sakit2x na. Gabi gabi ko na lang iniisip ano ba ang nangyari. Ano ba nagawa ko at nagkakaganyan ka? Di ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko may mali e.

Mika: Ano ba yang iniisip mo ha! Di ba yan makakapag antay pagkatapos ng kasal ha!?

Ara: Hirap na hirap na ako Miks kakaisip kung worth pa ba ako. Kung enough lang ba na mahal kita at bahala na bukas. Pero hindi e. Lalo na kapag nakikita ko na unti-unti kang lumalayo. Nawawala. Ng paunti-unti. It's killing me inside.

Nakaluhod na ako ngayon sa harap niya.

Mika: Akala ko kaya ko Vic. Akala ko kaya ko na kumbinsihin ang sarili ko na okay lang. Bahala na bukas. Unti-unti akong natatakot na darating yung araw na sisisihin kita at ang sarili ko na ito yung pinili ko. Na sa huli pagsisihan ko na nagpakasal ako sayo kasi di ko na makukuha ang pamilyang pangarap ko.

Ara: Sana sinabi mo

Mika: I tried na alisin siya sa isip ko, sa sistema ko. Ayokong masaktan ka Vic.

Ara: Ngayon pa lang ang sakit sakit na.

Mika: Let's forget about this, dala lang siguro ito ng kaba at excitement dahil sa kasal. It will pass away naman siguro. Bukas na yung kasal natin ano ka ba. Ang dami na nating hirap dun.

Ara: No Miks, di ito lilipas. Alam ko yun. At ayaw ko na itali ka sa bagay na di ka sigurado. Ayoko sa huli ay mas magkakasakitan lang tayo.

Yumakap na siya sakin...

Mika: No Vic. Im so sorry. Di ko intention na masaktan ka. Ako lang talaga to. I know myself Vic, lilipas din itong iniisip ko.

Kumawala na ako sa yakap niya. Pagpinatagal ko pa baka di ko naman siyang kayang bitawan.

Nalulunod na ako sa luha at sakit na nararamdaman ko ngayon. Yung panghihinayang sa lahat.

Yung feeling na pinapakawalan mo yung kaligayahan mo kasi di na siya masaya sayo.

Di na ikaw ang nagpapasaya sa kanya.

Di na katulad ng dati.

Ang mas masakit kasi you lost it along the way ng di mo namamalayan. Ng wala ka nagawa.

Na huli na ang lahat.

Na kahit anong pilit mo na isipin na ok lang di pala. 

The thought that will haunt you everynight.

You lost the spark. You lost her love. Na awa na lang ang nagbubuklod sa inyo.

You lost the love na binuo niyo pareho.

Na ikaw na lang ang nagmamahal.

Na ikaw na lang pala ang lumalaban matagal na.

Ara: Im letting you go Miks.



Mika: No! Im sorry Vic. Promise di na mauulit.



Ara: For the better. For the last time, ILOVEYOU.




Mika: Mas masasaktan ako Vic. Please.




Ara: Your free now. Go find your happiness.

=== === === === End === === === ===

Saksak puso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In-sensitive (KARA Shippers)Where stories live. Discover now