Chapter34

2.5K 32 8
                                    

Ren's POV

Yun oh! Hi guys may POV din pala ako dito.Hehehe.Thanks author. Hehehe.

Ako pala si Ren Cruz. Kami lang ni lola ang namumuhay dito. Wala na pala yung parents ko. Na aksidente few months ago lang. Sad no? Wala din akong kapatid. So kami lang talaga ni lola ang magkasama. Masaya naman kasama si lola kasama. Ang cool eh. Ako nga pala ang nagmamamanage ng coffee shop ni lola.

Di ko alam bat andito pa ako nakatayo sa malayo. May boyfriend na pala si Ara. Ang saya nila tingnan. Ang cute. May pinipingot,tinatawanan, yinayakap at marami pa.

Di ko talaga alam pero ang cute ni Ara. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang astig niyang tingnan. Ewan ko lang parang may connection kami o feeler talaga ako. Hahaha. Iba talaga siya. Parang bumibilis tibok ng puso ko sa kanya. Yung para bang gusto ko mapalapit parati sa kanya. Yung gusto ko siyang mayakap parati. Gusto ko siyang amuyin. Hahaha. Weird ko ba? First time ko maka feel ng ganito eh. Pero dapat back off na ako kasi may boyfriend na siya. Mas mabuti na siguro ng ganito lang. Haggang crush lang muna. Wait! crush? Di pwede, parehas kaming babae. Siguro lilipas din to.

Umalis na ako sa mall. Ang totoo kasi di naman ako pinapauwi ni lola. Parang di kasya yung space nang dumating yung si Thomas. Parang na insecure ako kahit na mas matangkad ako dun. Hahaha.

Nagdesisyun na akong umuwi. Andito ako sa kama paikot-ikot. Magnenet na lang ako. Teka hanapin ko kaya si Ara. Hmmm. Ano pala complete name niya? Tinanong ko si lola. Damn! ops sorry naman. Sikat pala siya sa volleyball. Di ko alam yun ah. Endorser din siya. Daming article about sa kanya. Then, meron dun yung biglang nawala siya. May iba pang link dun about sa Reyes-Teng wedding kaso di ko ma open eh nag down bigla yung net.

-_-

Ha.ay naiisip ko naman si Ara. Ano ba yan curious kasi ako sa kanya. Simpleng paghanga lang ito. Waah. Itutulog ko na lang ito.

Few days later

Ara's POV

Hanggang ngayon affected pa rin ako sa sinabi ni Kim. Grabe. Huli na ang lahat. Everynight din ako inom ng inom. Kahit makalimot man lang ako kahit saglit. Pero tuwing  pag-gising ko bumabalik naman. Lahat ng what if's ko. Lahat ng mga nasayang kong pagkakataon. Ako yung bumitaw. Parang nawalan na ako ng ganang magpatuloy mabuhay. Ok lang naman siguro total mamamatay naman ako sa sakit.

Tanungin ko nga pala si Dok sa update.

Dial number ni dok..

...Hello dok si Ara po to, sorry hindi na ako nakabalik. May inasikaso po eh. May taning na po ba ako? Gaano po ka lala?

Dr: Oh miss Galang, yun nga sana. Di kita ma contact. Good news kasi wala kang sakit. Hihingi na ako ng sorry ha. Nagkapalit kayo ng records ng isang pasyente eh. Di yun sayo. Nagkapalit kayo ng results.

Ara: Talaga dok?

Dr: Yes kaya take care of your health ha. Im sorry, got to go may emergency dito.

Ara: Sige dok, salamat talaga. Bye

Di na napigilan ni Ara na umiyak. All this time akala niya malubha na yung sakit niya kaya pinaubaya niya ang taong pinakamamahal niya.

Napagdesisyunan niyang lumabas para makapag isip-isip.

Naglakadlakad siya hanggang sa makarating siya sa isang court. May mga batang naglalaro. May nagbabasketball tapos sa kabila naman may naglalaro ng volleyball. Namiss niya tuloy maglaro. Nilapitan niya ang mga naglalaro.

Simple lang yung game nila bali parang pinapasa pasa lang yung bola sa net. Basta di lang malalaglag ok na. Walang nagboblock at spike. Minsan nagkakabunggu.an pa sila.

In-sensitive (KARA Shippers)Where stories live. Discover now