Chapter18

3.2K 31 4
                                    

Lumipas ang mga araw at parang lumala yung tampuhan nila Ara at Mika. Madalas nagtitinginan lang at binabawi agad ang tingin.

Consistent din si Misty sa pagbisita kay Ara hanggang sa tuluyang gumaling na yung sugat nito.

Isang araw, nakatanggap ng invitation sila Mika about sa isang seminar na makakatulong sa pag improve ng bakeshop nila. Kelangan ng dalawang representative at no choice kelangan dalawa sila ni Ara yung pumunta at ang place ay boracay.

Sa Airport...

Jeron: Babe, Mag-ingat ka dun ha. Sorry di ko na masasamahan babe ko. Di pwede umabsent eh. Text and call kita palagi.

Mika: Nu ka ba babe ok lang. Seminar lang naman yun noh. Ive been there before so chill lang ok?

Jeron: Basta ha. Tawag kita lagi.(hug and kiss sa cheeks)

Mika: Opo babe, sweet mo naman.(sweet smile)

Nagkulitan lang ang dalawa ng dumating si Ara na may kasama.

Mika's POV

Nako! Nako! Nako! hanggang ba naman dito kasama yan. Uggh!! Mika, yung bp mo. Haay sino ba ang di maiinis eh makaligkis kay Vic tong isa parang mamamatay pag mahihiwalay.

Eh ang gwapo niya pa naman. Naka white t-shirt na may polo na coat. Then naka black shorts few inches below the knee at syempre ang walang kamatayang vans. Wohoi! Naka shades pa. Wahh ang bango tingnan. Ewan parang humahangin at tinatangay ang maikli niyang buhok. Woah Vic, akin ka na lang.Ai!Hihihi.

Jeron: Babe? tulaley?hahaha. Gutom ka na ba?

Mika: Ay! bango tingnan!

Jeron: Ok ka lang?Sino ang bango tingnan?

Mika: Ah.. Umm..

Nakita kong nag smirk si Ara at pagkatapos nag smile na pamatay. Shet!

Ara: Sino nga ba?(taas baba ng kilay)

Nako Ara Wag ganyan. Hotseat lang?

Mika: Edi ikaw babe(baling kay Jeron)

Hahaha. Nakita ko nag iba ang aura ni Ara.

Jeron:Nako babe halatang patay na patay ah. Hahaha

Mika: Syempre joke lang yun babe. Kaw naman di mabiro. Hehehe.

Jeron: Langya!hahaha. Kala ko totoo na. Basta ang love ko pwera biro babe.Kunin ko lang gamit mo.

Misty: Boom! ang sweet naman Jeron.

Andito pala to?Hahaha. Harsh mo Mika. Eh paki niya ba?hahaha.

Umalis na si Jeron ng biglang parang tinulak ni Misty ng mahina si Ara at napasandal ito sa wall. Bigla siyang lumapit kay Ara. Napahawak naman si Ara sa hips niya kaya mas lalo itong napalapit.

Shet!!forehead to forehead na sila. Di ako makaalis o makatalikod sa kanila. May pumipigil. Dinig na dinig ko yung usapan nila.

Misty: Sure ka, di na ako sasama?(sweet voice)

Bleeh! di ka kasama girl.Hahaha.

Ara: Ok na ako dun at ok na din yung braso ko kaya no worries(pamatay na smile at nakatingin sakin)

Langya Ara wag ganyan please!huhuhu. Parang anytime iiyak na ako.

Misty: Baka ma miss mo ako dun ha!(naughty voice)

Ara: We'll call and text each other pa rin naman. Heto naman oh(sweet voice at nakatingin pa rin kay Mika)ma mimiss kita(kiss sa ear)

Ugghh!!di ko na kaya to. Bushet!!Mabuti na lang nagkalakas ako na umalis. Tumalikod na ako at tuluyang tumulo ang mga luha na kanina pa nagpupumiglas lumabas. Ang sakit isipin na ang bagay na gustong gusto ko'ng gawin sa kanya ginagawa na ng iba.

Ara's POV

Hala umalis si Mika. Tinutukso ko lang naman siya eh. Ang sensitive naman nun. Meron ata.Hehehe. Nagpaalam na ako kay Misty at nasalubong ko si Jeron dala gamit ni Mika.

Andito na kami sa plane. Siya yung nasa bintana mas gusto niya eh. Di pa rin niya ako pinapansin. Grabe naman galit nito sakin. Biglang may paper na binato sakin. Di naman masakit.Hehehe.

Hi,

Can I have your#?


Tiningnan ko yung paligid at may nakita akong girl na kumindat sakin. Hmm. Pwede na. Hehehe.


Mag rereply na sana ako ng biglang kinuha ni Mika yung paper at binato sa girl. Sapul sa face. Galing talaga mag ace neto. Hahaha. Magrereklamo sana ako ng bigla niyang kinuha yung right hand ko at pinalupot sa kanya tapos naka hug siya sideways at yung other hand niya ini-intertwine sa left hand ko. Ang right pointing finger niya nilagay niya sa lips ko para di na ako makaangal.


Mika: Just shut up and hug me.


Oh!woah! Im not expecting this. Shet! grab the chance.Nasan na yung I move on peg ko.Hahaha.Bango niya. Savor the moment. Yakap yakap ko uli ang pangarap ko.



Boracay...



Ara's POV


Nakarating na kami sa hotel dito. Mag aalas dos na ng hapon.Hahaha. Guess what? Isa na lang room na natira kasi request daw ng organizer. Hahaha. Mapasalamatan nga. Opss!


Nagligpit na kami ng gamit at nagdesisyong umidlip. Nagising kami para kumain ng dinner. May nakaprepare na dinner para samin. Maya maya lumabas si Mika.

Mika's POV

Lumabas ako para makahanap ng magandang signal parang nawawala eh. Kelangan ko makausap si Jeron eh. Ang daming text di pa ako nakakapagreply. Grabe naman kasi mag-alala. Di ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya. Kung stability lang man, eh sa kanya na. Pero may kulang pa rin eh. Di ko maintindihan kung ano.

Di ko namalayan na napapalayo na pala ako sa hotel. At parang nasa madilim na ako na kanto. Ang natatandaan ko ay may nadaanan ako na parang nagtitinda ng mga souvenirs. Hala! asan na ako.?

Guy: Miss wag kang kikilos. Dun ka pumunta sa may kanto.

May kutsilyo si kuya men! Huhuhu.. Sinunud ko naman siya. Malaki katawan niya. Magkasing taas lang kami. Ang pula ng mga mata niya. Shet naka tutuk siya sa legs ko ngayon.

Guy: Hmmm. Parang chamba ako ngayon ah..Hahaha. Bigay mo sakin pera at cellphone mo miss.

Shet! kunin mo na lahat kuya!Binigay ko na sa kanya. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko at aakmang bubuksan niya na yung zipper niya ng may narinig ako.

Anon: Bastos mo ah! Panget mo pa. Pakamatay ka na lang!


Guy: Halika dito! gusto mo mamatay?Hahaha.

Anon: Try me!


Tumakbo na si manyak holdaper papunta sa taong naka hood at aakmang sasasakin siya buti nakailag. Tapos sinuntok niya yung holdaper sa tiyan,sa mukha then sinipa yung zipper niya. Natumba si holdaper at namimilipit sa sakit. Sa akin na papalapit yung naka hoodie hala baka holdaper din. Wala na ako mabibigay.

Nang biglang nakabangon na yung holdaper at sinuntok yung nakahoodie sa likod at pinulot ang kutsilyo. Sasaksakin na dapat yung naka hoodie pero nakaatras eto. May napulot yung naka hoodie na malaking bato at tinira yung holdaper sa dibdib. Natumba ito at kumaripas ng takbo.


Hala! buti na lang. Huhuhu. Pero wala na yung cp ko.

Anon: Ok ka lang?

Mika: Thank you. Galing mo kanina ah. Nagmamartial arts ka siguro?Teka dumudugo yung tiyan mo!

Anon: Ai shet! Daplis lang to. Hehehe(nawalan ng malay)

Mika: Teka! Oi gumising ka! Teka! Ara!?

================================

Eto lang muna for now. Hehehe. Marami pang magaganap. Superhero ang peg ni Ara baby..Yeah!hahaha..Next UD more on #KARAmoments

In-sensitive (KARA Shippers)Where stories live. Discover now