Chapter55

1.1K 38 9
                                    

Tito Dan's POV

Ang tagal naman nila Mika. Isang oras na lang ang natitira. Kailangan pa kasi pinuhin yung halaman at pakuluan. Di naman dapat madaliin kasi dapat kailangan tama yung consistency kasi kung hindi mababaliwala lahat ng pinaghirapan nila.

Boom!!

Napatayo ako mula sa pagkakaupo. Shit! Parang tunog ng baril yun ah. Nakita kong nagsiliparan yung mga ibon mula sa isang parte ng gubat. At kung di ako nagkakamali, yun ang parte kung saan yung falls.

Nakita kong papalapit si Kim na tumatakbo.

Kim: Tito! Parang tunog ng baril yun a. May mga mangangaso po ba dito?

Tito Dan: Sa pagkakaalam ko wala dapat. Masama ito.

Dumating na din yung iba nilang kasama. Nasa balkonahe kami ngayon.

Kiefer: Ano po yun?

Tito Dan: Di ko rin alam.

Kim's POV

Masama kutob ko dun. Shit! Dapat sumama na ako e ayaw naman ni Mika. Tigas talaga ng ulo.

Andito na ako ngayon sa kwarto ni Ara.

Wala pa rin siyang malay. Habang tumatagal lalo siyang pumuputla. Bumabagal din yung tibok ng puso niya base sa cardiac monitor.

Ang sabi ni Tito Dan eh paakyat daw yung paralysis epekto ng venom. Mas mabuti at sa paa siya nakagat mas matagal pa umakyat ang lason. Yung last stage e yung sa brain niya. Pagnapunta na dun e irreversable na.

Nako naman! Isang oras na lang. Naapektuhan na yung puso niya.

Haay! Kailan kaya sila sasaya ni Mika. Daming hadlang e.

Teeeet! Teeet! Teeet!


Tunog ng cardiac monitor. Makikita mong iba na yung pattern ng heart rate niya. Shit!

Kim: Nurse! Tito Dan!

Bigla silang dumating sa kwarto.

Tito Dan: Nurse! Paddles! Guys tabi kayo!

Andito na ang lahat sa kwarto. Umatras ako. Nakita kong umiiyak na yung ibang bullies.

Kim: Tito Dan, ano po ang nangyayari?

Tito Dan: Ventricular Tachycardia. Dapat macorrect yung pace ng heartbeat niya.

Tito Dan: 1...2....3 Clear!

Boog!

Nakita kong napataas yung katawan ni Ara. Reaction sa kuryenteng binigay sa kanya.

Teeet! Teeet! Teeet!

1...2....3 Clear!

Wala pa rin.

Mga pang walong ulit na.

1...2....3 Clear!

Kim: Oi Vic! Umayos ka! Dadagukan kita jan! Di ako nagbibiro! Sa may bunbunan talaga!

Aray! T_T

Dinagukan ako ni Cienne

Cienne: Ano ka ba? Dagok lang? Gupitan mo rin siya ng bangs yung kalahati lang

Partida umiiyak  yan.

Kim: Oo nga Vic sabayan ko rin ng bangs.

Ayaw niya kasing pinagtritripan yung bangs niya.

In-sensitive (KARA Shippers)Where stories live. Discover now