Chapter 5: Counterpart

1.6K 89 6
                                    

Jamila's POV

[Dorm]

Argh! Kung alam ko lang pumatay gamit ang power ko kanina ko pa ginawa. Pa'no kasi! 'Yung lalaking 'yun! Sarap gilitan sa leeg! Ang corny masyado!

~Flashback~

Buti nahanap ko na 'yung pa-VIP'ng power user. Kundi dahil sa kanya hindi ko makakasalamuha 'yung damuhong 'yun. Hindi man direct reason, pero kung hindi ko siya hinanap, hindi ako badtrip.

"Thank you, Ms. Lammy. P'wede ka nang pumunta sa next class mo." That's it? Pinahanap lang sa'kin? Pesteng storm power! Argh! Buti na lang wala na akong klase. Tatambay na lang sa kung saan. Nakakatamad sa dorm nuh! Baka mamaya may power user du'n, ma-intriga pa ako.

"Yo! Jamila!" Isang boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Oh, 'yung pesteng lalaki. Oo, peste na pangalan niya para sa'kin!

"Stop calling me Jamila! Janelle. Feeling close ka ha!" Sigaw ko pabalik sa damuho.

"Pero sabi mo Jamila na lang itawag sa'yo?"

Eh kung sipain ko lungs niya? Mukha niya! Compare niya sa mukha ng kapre!

"Excluding YOU!" Todo emphasize sa word na 'you'. At halos nawalan ako ng kaluluwa ng lumapit si peste sa akin.

"So I'll call you Jamila, okay?"

I faked a sneeze. "*achuuu!* Sorry! I'm allergic to freaks!"

Siya din, humatching kunwari. "*achuuu!* Sorry! I'm allergic to liars!"

Ah, ganu'n pala ha!

"So, you must be allergic to yourself."

"Did I ever say that I'm emphasizing myself?"

Argh! Pasalamat talaga si damuhong pesteng freak na dork na 'yun hindi ko pa kayang kontrolin power ko. Kundi, kanina pa 'yan dedo.

~flashback ends~

"WHAT THE WHAT?!" Sigaw ko ng makita ang mukha ni damuho sa facebook ko. Luke Jung? Srsly? At anong alternative name? Damuho ni Jamila? That's so kadi to the ri!

Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya sinara ko na lang laptop ko. Argh! Bukod sa nakakapang-init ng dugo, nakaka-magnet ng sapatos!

*****

Kinabukasan, simula na ng training ko. Palibhasa, ako 'yung rainbow powered, natatakot silang i-train power ko. Seriously? Afraid of their own student? And finally, may nag-lakas loob din na i-train ako.

"Are you ready for this, Ms. Lammy?" Sabi niya sa akin at tumango naman ako.

Huminga ako ng malalim at kusa nang parang nasa-cycle ang katawan ko, I can feel my spectre DNA heaten up. Pumikit ako at nagconcentrate sa pagpapalakas ng nerves ko, and finally, nararamdaman kong bumagsak ang mga levitated objects. Nararamdaman kong nagpa-pulpitate 'yung nerve kong 'yun. And finally, na-reach  na 'yung 100km, paano ko nalaman? I can feel it.

*****

Pagtapos ng training ko, nagpunta na ako sa cafeteria. Maga-Ice cream na lang ako. I'm full naman eh.

"Siya 'yung rainbow powered eh."

"Siya oh! 'Yung rainbow power user!"

"Buti nahanap na nila, noh?"

"Counterpart ng evil? Oo siya 'yun."

"Ayun oh! 'Yung binanatan ni Luke. Alam mo, bagay sila."

Narinig ko na naman pangalan ni Damuho. -_- Seriously, people? Hindi pa rin kayo maka-move on d'un?

Speaking of damuho, humanda ka. Papatayin talaga kita mamaya! Argh!

*****

Someone's POV

"Dude, sad to say, pero mukhang may kaagaw ka na du'n sa Rainbow power user. Akalain mo 'yun?"

Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko. Oo, TAO!

"Sinasabi mo bang hindi ko kayang agawin 'yung RPU mula d'un sa lalaking 'yun?"

"Sinasabi ko lang. Isa pa, counterpart mo pa siya. Tigilan mo na 'yan. Baka madamay pa yun lalo." Tinignan ko siya with intense eyes.

"Bawiin mo 'yang sinasabi mo!"

"Sorry, that's the truth and you know it."

Nilabas ko baril ko at itinutok sa kanya.

"Do it. Or else you'll die!"

"Kill me if you desire. Pero isa lang masasabi ko sa'yo. Wala pa ring magbabago, kahit patayin mo pa LAHAT!"

Hindi ko na napigilan sarili ko at nakalabit ko na ang trigger at saktong tumama ang bala sa dibdib. "Serves you right." Bulong ko at umalis na.

*****

Jamila's POV

"Tumigil ka na kaka-tusok d'yan sa ice cream mo with a spoon. Para ka lang baliw." Sabi sa akin ni Marble.

"Paki ko? Argh! Narinig ko na naman kasi ang pangalang nakakapag-init sa ulo ko!"

"Sino? Si Luke?" Nabitawan ko ang spoon and glanced at her so evilish.

"P'wede ba, Marble? 'Wag ka nang magmura!"

Marble rolled her eyes at nagpatuloy nalang sa pagkain. Marble is my first ever best friend dito sa school. Magkaklase pala sila ni Damuho during science. Sucks, right? Kaya ayan, todo support sa 'amin.' Can't I just live in peace here in this school?!

Rainbow AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon