Chapter 15: Sisters

625 42 5
                                    

countdown before epilogue: 5 chapter

CL's POV

Ano na namang emote nitong ni Polly? A, oo nga pala. Red and orange na ang cloud. Sunod na si Celestia tapos sunod na... ako. Let me admit it, I hate Polly because of her attitude. But it doesn't necessarily mean I'll stop being a friend to her.

Kaya ikaw, Luke, umamin ka na kay Jam. Bago mahuli ang lahat.

——

Kinabukasan, kinabahan ako. Baka kasi... mawala na si Celestia. Wait, 'wag kang OA, Candize, energy lang 'yun.

"C-Candize...." Rinig kong bulong ni Polly. Andito kasi kami sa emergency room. And, yeah. Halatang nahihirapan si Polly. And, bakit ngayon ko lang narealize mga kalokohan ko... ng matatapos naman na lahat?

Curse this. Naalala ko pa noong kakasimula ko palang dito sa Rainbow Acad. I thought it was cutesy and girly. Pangalan pa lang ng school e. Pero andami palang nakatagong secrets. Dun ko din nalaman na...

"Yo yo, Jamila is in the house~" Pambabasag ng drama, the Janella Michelle Lammy way.

"Shungak! Emergency room 'to! Hindi bahay! Maka-house naman 'to." Sabi pa ni Celestia sa kabilang dulo ng room.

Gusto ko sana silang prangkahin, pero wala ako sa mood makisakay sa kalokohan.

"Jamila..." Tanong ko ng seryoso. Naalala ko pa nu'ng sinabi ni Dad na... na...

"Bakit?"

Ito na...

"Anong bang gagawin mo kung ang bestfriend mo ay... anak sa labas?" Tapos, a tear fell...

——

Jamila's POV

"Excuse me, Miss," Sabi ko ng masinsinan sa keeper.

"Yes?"

"Nasaan po ba dinala si Ms. Polly K. Kim? Nandun po kasi kaibigan ko, e. Ehehe." Tanong ko du'n sa babae.

"D'yan po." Tinuro niya 'yung bintana at nakita ko naman si CL.

"Okay, thanks." Sabi ko at tinapik balikat nung keeper.

"Yo, yo! Jamila is in the house~" Pagrarap ko. Ahaha!

"Shungak! Emergency room 'to! Hindi bahay. Maka-house naman 'to!" Sabi ni Celestia sabay tawa. Sige, magsaya ka lang. Mamaya, ikaw naman madededbol loka ka.

Biglang yumakap sa akin si CL. Okay, ang seryoso niya ngayon.

"Jamila..." Nanghihina niyang sabi.

"Bakit?" Tanong ko ng casual lang.

"Ano bang gagawin mo kung ang bestfriend mo ay... anak sa labas?"

"Well, actually, about that..." Inabot ko naman ang sobre na nakuha ko sa kanya. Tinanggap niya 'yun at binasa.

Anak, sa ngayong oras na binabasa mo itong sulat ko, baka malamang, napatay na ako. 'Wag mong sisisihin 'yung mga may powers na necromancy kasi kasalanan ko rin naman 'yun. I commited adultery. Siguro, oras nang malaman mo ang totoo. Oras nang malaman niyo ang totoo. Ayoko namang umalis ako sa mundo ng hindi niyo nalalaman ang pagkatao ng isa't isa. Dahil anak, ikaw at si Polly, ay magkapatid.

Tinignan ko naman siya. Grabe. Grabe ang hagulgol ng isang 'to. Pero, hindi na ako magtataka. Magtataka ako kung tumatawa siya. Common sense lang.

"Polly, may kailangan ka ring malaman tungkol sa'yo. Tungkol sa atin." Sabi ni CL at iniabot ang letter kay Polly.

Same reaction. I expected it.

——

Pagtapos ng ilang iyakan, nagtimpla si Celestia ng gatas at binigay sa dalawang magkapatid. Well, half sisters. Para mahimasmasan sila. Si Polly, alam kong mahinang mahina na siya. Kita sa mata niya.

"Thank you," sabi ni CL. Ngumiti na lang si Celestia... And in that instance, bumagsak mata ni Polly kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Celestia at CL.

Oh. My. Gosh. What do i do?!

Pumasok na si Jupiter at bago ko maitanong, sinabi niya na ang kasunod na kulay.

"Yellow and Green." Sabi naman niya at nagpanic na ako sa loob looban ko. "Ingat ka. 'Yung mahal mo na ang next."

Napaisip ako kung sinong next. It can be... Luke...

Rainbow AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon