Jamila's POV
Ng magising ako sa tent hinanap ko agad ang spectre book...
...sunog parin ang ilalim. Kinuha ko ito at inis-scan.
'Yung panaginip ko kasi e! It's like it's showing a sign. Puro tidal waves, forest fires, earthquakes and blinding darkness. Hindi kaya... umiling iling ako. Hindi itong nasa isip ko 'yun. Unlimited lang talaga ang imagination ko kaya 'yun napakita sa isip ko. No. Hindi ito 'yun.
I inhaled and exhaled like I'm controlling something. Pero bago 'yun, sumilip ako sa tent ni Xylynn. Tulog pa ito kaya safe ako sa gagawin ko.
Mula sa tent ko, inipon ko ang energy source niya na makakapagbigay sa akin ng power to read minds. Naramdaman kong nag-kulay red ang mata ko at tsaka ako nag-focus sa isip ni Xylynn. She isn't conscious pero wala akong makita, instead, may naririnig akong sigaw... pero mula sa malayo ito kaya medyo mahina.
"Anak! Anak! Samahan mo na ako dito!" umiiyak na sabi ng matanda mula sa malayo.
"Ayoko, ma! Please.... Tigilan mo na ako." Rinig kong sabi ni Xylynn
"Anak! Anak! Samahan mo na ako dito!" Bakit ang dilim? Boses lang nilang mag-ina, ganu'n?
"Ayoko nga sabi, ma! Tigilan mo na ako! Please... Gusto ko nang mabuhay ng normal!"
"Anak! Anak! Samahan mo ako dito!"
"Ano ba, ma?! Itigil mo na 'yan! Ayoko sabi! Bakit mo ako pinipilit?" Umiiyak na si Xylynn na parang gusto nang gumising. Tinigil ko na nga ang pag-gamit ng power niya kaya pinakawalan ko na ang red energy at pumunta na ito sa katawan ni Xylynn. Nakita ko mula sa tent ko na nagising na siya at nagluluha luha ang mata niya. Magkatapat lang naman kasi kami ng tent.
Tumayo na ako ng parang walang nangyari pero curious pa rin ako sa sinabi ng mama ni Xylynn sa panaginip.
Lumabas ako ng tent at pumunta sa tent ni CL ng... nakita kong nanood ng movie sa laptop si Celestia at Marble habang nagbabasa si CL!
"Oy. Kain na!" Sabi ko at tinuro 'yung buffet ng pagkain. Bilis bilisan silang nag-unahan sa pagkain. Tumawa nalang ako at nilapitan ang table. Ako at si Xylynn ang tumulong sa paghain at ng nakaset na, nagsimula na kaming kumain. Nakita kong nawalan naman ng gana si Xylynn sa kalagitnaan ng pagkain dahil siguro sa panaginip niya. Tumingin ito sa akin at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hinatak ako nito at dinala sa gubat.
"Jamila, pinasok mo ba panaginip ko?" Sabi niya at tumango naman ako. Sabi ko na. May nagleleak na ideas na nababasa niya.
"Don't worry. I'm not mad. Tutal narinig mo naman na lahat, pwede na kitang pagsabihan ng sama ng loob." Sabi niya at nagsimula na akong makinig.
"It's just that... It's my mom. She appears in every dream of mine. Sabi niya kesyo sundan ko daw yapak niya, kesyo samahan ko daw siya, kesyo may hinahatid siya.... Nakakairita. I wanted to live as a normal spectre user pero parang may pumipigil sa akin. That's why most of the night, hindi na ako natutulog."
"WHAT? E anong ginagawa mo?!" Sabi ko... Imposible naman yung minsan lang siya natutulog sa gabi?
"I watch movies, listen to loud music or drink coffee." Sabi pa niya. Buti nakakatagal siya?
"E... Sino ba mom mo?"
"Well, you see, she died. Alam mo na siguro kung anong ibig sabihin nun."
Actually, I was dreaming the same sign!
"And what coincidence." Sabi pa nito. "my mom's a rainbow power user. Just like you!"
----
WAAAH! REACTIONS! XD
BINABASA MO ANG
Rainbow Academy
FantasyCOMPLETED. UNEDITED. REMASTERED VERSION IN PROCESS. Paano kung malaman mong isa ka pala sa supernaturals na hindi agad pinaniniwalaan ng mga tao? Out of this world din ang mga foods, drinks, stuffs and everything? Paano kung ibang klase rin ang fun...