Jamila's POV
Nataranta ang mga tao sa power cut ng school. Hinila ako ni CL at naririnig na tumatakbo din sina Marble, Celestia at Xylynn. Hanggang sa tumakbo na rin ako at biglang dumilim ang langit kahit na 12:00 pa lang ng tanghali. Anong nangyayari?
May nakita akong maliit na bahay sa school grounds. As in maliit lang siya at parang bahay ng aso. Lahat ng estudyante pumapasok doon kaya nagtaka ako. Paano naman sila nagkasya? 'Di ba maliit lang 'yun? Naramdaman ko rin na may nawalang energy sa paligid. Naka-close na pala ang power glands namin kaya walang masyadong gumagamit ng powers. Nahalata ko rin kasi dapat ngayon sinasagot na ni Xylynn ang mga tanong sa isip ko.
Hanggang sa umulan. Umulan ng malakas at may kulog at kidlat pa. As in magkasabay ang kidlat at kulog kaya mas lalo kaming natakot. Paano naman 'yun? Kasi 'di ba sabi "light travels faster than sound"? Anong nangyayari?
Basa na kaming lahat na nasa labas. Hindi lang kaming lima kundi lahat na ang kalahati na ng radius ng school grounds. Take note na malaki ang school ground namin at masuswerte kami dahil kami na ang next na lulusot sa dog house. Paano kung hindi kami kasya? Pagkapasok ay madilim sa dog house at pakiramdam ko nahuhulog ako. Pero may humahawak sa akin magkabilaan sa kamay. Alam ko 'yung isa si CL at 'yung isa si Celestia. Kasama rin nila si Marble at Xylynn. At tama nga ako, nahuhulog kami. Pagtingin ko sa baba ay saktong naglanding kami sa malambot na upuan. Nakapalibot kaming mga power users.
Maganda ang loob at mukha talagang palasyo! Gosh, where am I?
Biglang may nagsalita sa speaker ng bahay. "Welcome to the basement." Sabi nito at may bumukas na scanner. Bumukas na ang scanlights na ikina-silaw namin.
"No threat detected." Sabi nu'ng machine.
Biglang may lumabas na stage at isang pandak na matabang lalake na kulay puti ang buhok. He coughed to get everyone's attention. "Attention? Please?" Sabi niya at lahat ng mata tutok na sa kanya.
"Mag-ready na kayo. Malapit na 'yung araw na 'yun." Dugtong nito at lalo kaming nagtaka. Anong araw?
"Isang dimension ay mawawala gawa ng pwersa ng kasamaan. Kailangan niyo na maging ready. We will use our power para matalo ang tauhan ng dimensyon na 'yun. Kapag nangyari 'yun, mawawasak ang lahat. Kaya ngayon pa lang, maghanda na tayo sa mangyayari. Hindi natin alam kung anong kahihinatnan nito." Sabi nu'ng koyang MC kaya mas lalo akong nagulat. They mean, magkakaroon ng gera? WHAT?!
——
Luke's POV
Magkakaroon na ng tinatawag nilang dystopian war. Ang magsisimula sa apocalypse ng spectre dimension. Yet, my secret is still a secret. I can't help it. I... I just can't. Pero, kaysa naman lumayo ang chance sa akin 'di ba? Sayang 'yun.
Ngayon palang, gagawin ko na ang dapat kong gawin.
Pumasok ako sa panic room ko. Sa basement, may kanya kanya kaming mga kwarto na tinatawag na 'panic room'. Nag-ayos ako, nagpabango at kinuha ang flower bouquet na nasa table.
This is it, I'm really going to confess to the girl i like.
Hinanap ko si Jamila. Tinanong ko pa siya sa mga kaibigan niya at sabi may pinuntahan lang daw. Sabi rin pala ni CL nasa garden siya.
/inhales and exhales/
Nakangiti kong binuksan ang pinto. Pero nawala 'yung ngiti ko ng... ng... makita si Jamila... na kasama si Jupiter.
"Jamila, I like you..." Sabi nito at parang gusto ko nang manapak.
"...so, can i court you?"
——
So, ang book two ng Rainbow Academy ay fading out. Book one ito, which is pinalitan ko 'yung title ng story at buong series na ang Rainbow academy. Apply fiction ang pangalawang book.
book 1: Necromantic Dystopian
book 2: Fading out
book 3; /secret pa/
thank you all! :D
BINABASA MO ANG
Rainbow Academy
FantasíaCOMPLETED. UNEDITED. REMASTERED VERSION IN PROCESS. Paano kung malaman mong isa ka pala sa supernaturals na hindi agad pinaniniwalaan ng mga tao? Out of this world din ang mga foods, drinks, stuffs and everything? Paano kung ibang klase rin ang fun...