Chapter 3

41 3 1
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas nang umuwi ako dito sa Pinas. I can't imagine na ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay hinahabol ko si Jordan. Isang taon na din ang nagdaan na bitbit ko ang bigat ng damdamin. Hindi ko lubos maisip na kapag pala nagmahal ka, dapat handa ka din na masaktan. Pero ang pagmamahal, 'yan ang bumubuhay sa atin.

Katulad ko, nabubuhay pa ako dahil hindi kailangan magpatuloy ng buhay. Ayokong mawala sa mundo na nagpatalo ako sa sakit at hinagpis na dinanas ko. E ano ngayon kung niloko ako? E ano ngayon kung pinaglaruan at pinagkatuwaan ako? At least naramdaman ko sumaya at magmahal.

Nakatulala ako sa kisame namin at malalim ang iniisip.

Iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni Maggie. May posibilidad nga kaya na manligaw siya sa akin? Well. Hindi naman ako ganon kamanhid para hindi malaman na may nararamdaman siya sa akin. Pero kasi diba, ang awkward. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko dahil kay Jordan.

Sa totoo lang kasi, natatakot akong magmahal ulit. Kasi alam kong may parte sa akin na mahal ko pa rin si Jordan. NO! Hindi ko na siya mahal. Kaya lang, may naghohold pa sa akin na connection sa kanya. Wala din naman kaming closure. I don't know his reasons. Hindi ko pinakinggan.

Wala pa akong lakas ng loob na pakinggan siya nung mga araw na gusto niya akong kausapin at paliwanagan. Siguro, dahil naging kaibigan ko siya. Naging mabuti siyang kaibigan nang panahon na 'yun at hindi ko pa kayang tanggapin na nauwi lang ang pagkakaibigan namin sa isang mapait na alaala.

"Lea, may naghahanap sa'yo sa baba." Tawag sa akin ni Mommy.

"Opo wait lang." Tinignan ko ang sarili bago ko tinungo ang labas.

Tamad akong bumaba. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin ng ganitong oras?

Nang nasa huling palapag na ako ng hagdan ay namataan ko ang isang lalaki na nakatalikod. May kulay pulang long sleeve. Nakamaong at medyo magulo ang buhok.

Tumayo siya at humarap sa akin. Shit! Nakakahiya yung suot ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Aakyat sana ulit ako at magpapalit ng mas disente sa suot ko kaya lang huli na ang lahat.

"Hi. Magandang gabi. Matutulog ka na ba?" Nakaramdam talaga ako ng hiya. Nilapitan ko siya at ngumiti.

Umiling ako sa kanya at ilang segundo pa ang hinintay ko bago ako nakapagsalita. "What brings you here? Gabi na Marlon."

Natawa siya. "Sorry if I disturbed you. I just want to invite you to a dinner?" Nagkamot ako ng batok.

"Puwede ka ba? If hindi. Ayos lang naman. Pasensya na sa abala." Hindi ko alam ang isasagot ko. Tinatamad kasi ako magbihis at gumala.

"Nagtext ka sana, para nakapagready ako."

"I know. Gusto ko lang masurprise ka." Namula ako.

"Yes. I'm surprised. "

"Ako pa." Sabay kindat niya sa akin. Okay. This is weird. I hate this feeling.

"Sige na, hintayin mo na lang ako. Magbibihis lang ako.." I smiled and turn my back on him.

Pagpanik ko ay hindi ko alam ang isusuot ko. Should I wear casual, semi-formal?

Nauwi din ako sa isang black dress. I also wear black and white heels. Pagbaba ko ay nakita kong nag-uusap si Daddy at Marlon.

Kilala nila si Marlon dahil madalas na magpunta si Marlon dito bago ako tumungo sa Korea. Kahit paano ay alam nilang kaibigan ko siya.

"That's my girl." Mahinang sabi ni Daddy.

Unti-unti naman lumingon si Marlon at kitang kita ko ang pag-awang ng kanyang bibig. Gusto kong humagalak ng tawa pero hindi ikagaganda ng eksena namin.

Someday (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon