"Go na girl, kausapin mo na kasi. It'll just take your five minutes." Sabay tulak sa akin ng magaling kong kaibigan. Ano ba 'to. Napasubo na ako.
Nilapitan ko sila, grabe kabog ng dibdib ko. Sasabog na ata. Huminto sila sa pagtawa nung nakita nila akong nasa harapan nila.
"Ha-hi!" Matipid kong sabi habang pinipilit ngumit at unti-unti ko pang tinataas ang kanang kamay ko. Lumingon siya sa akin, muntik na akong mapaluhod sa kaba na nararamdaman ko. Hoo! Kaya ko 'to.
Nawala ang ngiti niya sa mga labi. Tinignan niya lang ako at tinaasan ng kilay. "Oh, Lea, napadpad ka dito?" Sabi ni Jerome. Nagtawanan naman ang ibang mga kasama nito.
Binaling ko ang tingin ko sa lalaking kakausapin ko. "Jor-Jord-Jordan? Puwede ka bang makausap?" Nauutal kong wika.
"Go ahead!" Sabi niya at mukha naman siyang interesado sa sasabihin ko. Nailagay ko ang dalawang kamay ko sa aking pisngi saka ako ngumti, yung ngiting nagpapacute. Ha ha!
"Okay lang ba na TAYO lang dalawa?" Inemphasized ko talaga yung salitang "tayo" at sumenyas na medyo lumayo kami.
Hindi ko alam kung ano ang nakain niya ngayon dahil pinagbigyan niya ako. Tindi nito, kinikilig ako, swear! Kasi naman, oo, normal guy lang siya dito sa school, pero siya ang ultimate crush ko. Ang pogi kaya niya, siya ang pinakapoging nilalang na nakilala ko. Sige, oa na kung oa pero iba ang impact ng isang 'to sa akin eh.
Tumayo siya sa bleacher at naglakad papuntang gitna ng gym. "Dali" sabi niya. Umurong naman ata ang dila ko. Hala, pano ba 'to?
"Huy!" Tinapik niya ako sa braso at nagising naman ang diwa ko. Nakakahiya tuloy.
Napakamot ako sa ulo ko. "Ah yeah. Ganito kasi 'yun, Ano kasi, Uhm." Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagdilat ng mata ko, buti naman at andito pa siya sa harap ko.
"Can I be your partner?" Mabilis kong sabi, Say yes, please say yes.
"Partner? Saan? Bakit? Kailan?" Nagtataka niyang tanong.
Hinawi ko ang buhok ko at umaktong pumapalakpak, habang nagiisip ng sasabihin. "Doon sa project natin kay Ms. Casis. Yung Duet for a cost."
"Aaah!" narinig kong reaksyon niya.
"Project daw natin 'yun sa, saan na nga ba 'yun? Basta doon. he he!" Nako talaga, manlilibre ako pag pumayag siya.
"Kasi ang dami ata nagrerequest na maging partner ka, wala ka pa ata ino-oohan diba? Sama mo naman ako sa list mo. Maybe you can consider me." Pahabol ko sa kanya. At last, nagiging komportable ako na kausap siya.
"Bakit ako?"
"Kailangan ko kasi ng mataas na grades. Eh alam ko naman na bukod sa akin, isa ka sa magaling kumanta. Kaya please naman oh!" Nagpapacute na ako sa kanya. Grades ko nakataya dito, pag hindi ako nag-effort at puchu puchu lang ang kinuha kong partner, baka hindi na ako sikatan ng araw pag sakaling mababa ang nakuha namin.
Confident ako sa boses ko, pero sa magiging kapareha ko, Na-uh! Pero kung si Jordan, ayos na ayos. Aba! Pogi na, lakas pa ng dating nung boses niya.
"Pag-isipan ko." Sabay talikod sa akin, Wow ha! Libre naman magpaalam diba? Hindi ko naman siya sisingilin. Ay sus!
Bumalik na ako sa mga kaibigan ko. Nilingon ko muna siya at ayun na naman, nagtatawanan sila. Hindi niya ba talaga ako gusto? Hindi naman sa pagmamayabang, pero okay naman ang itsura ko. Maganda naman ako at napapansin din ng ibang boys. Pero bakit siya?
"Hey girl, kwento na! Anyare?" Salubong sa akin ni Sam. Umakbay siya at inaya ako papalabas sa gym. Sumunod naman ang mga alipores ko, este mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Someday (Short Story)
Krótkie OpowiadaniaDon't cry because it's over. Smile because it happened.