Chapter 4

29 2 0
                                    

Ipinikit ko ang aking mga mata ng dalawa o tatlong segundo upang magising sa isang hindi magandang panaginip. Hindi ito puwede. Alam kong hindi pa sapat ang isang taon para masabi kong hindi ko na nga siya mahal o wala na akong nararamdaman para sa kanya.

Pero iba pala talaga pag nakaharap mo na ulit ang isang lalaking minahal mo ng totoo ngunit sinaktan ka lang. Naramdaman ko ang kamay ni Marlon na bumaba sa mga kamay ko. Piniga niya ito at awtomatikong napalingon ako sa kanya.

Bumungad sa akin ang isang mukha na puno ng pag-aalala para sa akin. All this time, andiyan siya lagi sa tabi ko.

May kung ano ang bumara sa lalamunan ko at nahirapan ako bigla lumunok. Wala akong marinig kung hindi ang tibok ng puso ko na nagsasabing kaharap ko si Jordan ngayon.

"Ate. Are you okay?" Bumalik ang tingin ko kay Maggie at Jordan. Minsan pa ay piniga ni Marlon ang kamay ko.

"Ha? Yes. I'm fine." Pag-tango ko. Binitawan ko si Marlon at dahan-dahan kong inabot ang kamay ni Jordan at walang alinlangan na nakipag-kamay .

"Nice to meet you..."

"Jordan..." wika niya habang tinanggal ang pagkaka-akbay kay Maggie.

"Buenaventura." Putol ko sa pagpapakilala niya, sabay ngiti ko sa kanya. Ayokong magpakita na apektado ako sa presensya niya. Ayoko din naman na isipin niyang bitter ako kung magpapanggap akong hindi kami magkakilala.

Kaya ipapakita ko sa kanya na okey ako at nakamoved-on na ako sa mga ginawa niya para sa akin. Hindi naman niya ako pinahiya dahil tinanggap niya ang kamay ko.

"Wow. You still remember me?" Nakahawak pa rin siya sa kamay ko at hindi pa niya pinapakawalan.

"You know each other babe?" Singit ni Maggie habang inaangkla niya ang kanyang kamay sa braso ni Jordan. Ngayon ay maliwanag na sa akin ang lahat. Hindi lang sila basta magkakilala. May relasyon sila. Sandaling nadurog ang puso ko pero naibalik din ito ng hapitin ako ni Marlon.

Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ay lumundag ang puso ko sa aksyon na ginawa niya. Laking pasalamat ko na din dahil ang atensyon ng iba ay wala sa amin. Nag-uusap ang mga tita at tito nila, habang ang mga pinsan naman nila ay may sarili din na pinag-uusapan.

Halos huli na din kasi nang ipakilala ni Maggie si Jordan sa akin.

"Yup. She's my classmate. For almost..."

"3 years." Sabi ko agad. Nanatili ang mga tingin ni Jordan sa akin. Ngunit hindi ko ito sinuklian bagkus ay naupo na ako at tinabihan naman ni Marlon.

Narinig ko ang tawa ni Jordan pero hindi ko na siya muling tinignan. Humarap ako kay Marlon at ngumiti.

Halata sa mukha ni Maggie na naguguluhan siya sa mga pinapakita namin. Hindi ko naman siya masisisi dahil talagang nakakagulat kung makatingin ang kasama niya sa akin. Mapanuri at hindi mahiwalay ang mga mata nito.

Naputol ang tingin niya nang magsalita ang kapatid ni Maggie. Nagpakilala siya dito at nakipagkamay din. "Matthew pare. Kuya ni Maggie."

Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanilang dalawa. Matalim ang tingin ni Matthew sa lalaking kaharap. Ewan ko ba pero naging awkward ang paligid namin. Nawala sa mood si Matthew, at naramdaman ko 'yun ng lahat ng pinsan niya ay napatahimik.

"Be nice Kuya." Banta ni Maggie.

"I'm nice." At saka tumalikod sa kanila at bumalik sa kinauupuan.

Hindi na niya ako ulit tinignan. Ayos na din 'yun dahil hindi na kaya ng puso ko. Gusto ko na sana magpaalam pero sa tuwing naaalala ko ang kabaitan sa akin ni Marlon ay hindi ko maiwasan na maguilty.

Someday (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon