Chapter 5

17 2 1
                                    

Nauna na akong pumasok sa sasakyan ni Marlon. Tumahimik na lang ako at hindi siya kinibo. Bakit? Bakit kailangan makita ko ulit siya? Hindi pa pala sapat ang isang taon na pag-iyak ko. Hindi pa rin pala ubos ang sakit at luha ko. Ayokong isipin na mahal ko pa si Jordan dahil sabi ng isip ko ay hindi na. Masyado na akong nasaktan at ayoko ng mangyari pa ulit 'yun. Bagong buhay na ako, pero bakit ganito?

"Ley" Pagsisimula niya nang makapasok siya. Hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan. Huminga ako ng malalim.

"I'm sorry, okay? Hindi ko sinabi sa'yo dahil akala ko magiging ayos lang ang lahat. It doesn't matter now, right?"

Kukuhanin niya sana ang kamay ko pero humalukipkip agad ako.

"Let's go home! I wanna go home" Pilit ko sa kanya. Wala na akong gustong marinig. Feeling ko kakaiwas ko, lalong lumalapit sa akin ang nakaraan ko.

Wala siyang nagawa kaya sumunod na lang siya sa akin.

Nang makarating sa tapat ng bahay namin, bumaba agad ako at nagpasalamat. "See you tomorrw Lea."

Hindi ko na siya nilingon at nagmadali akong naglakad papunta sa bahay.

Ilang linggo na din ang lumipas na hindi ako nagpapakita kay Marlon. Hindi pa kaya ng sistema ko na makita siya. Pakiramdam ko kasi, naglihim siya sa akin. Pero tama naman siya diba? It doesn't matter now. Bakit ba big deal sa akin ito. Hindi na dapat.

Maybe because I and Jordan don't have any closure. Hindi ko kasi siya pinakinggan sa explanations niya dahil masyadong sarado ang puso ko para intindihin pa ang ginawa niya sa akin. Ano pa ba kasi ang paliwanag sa lahat ng nakita ko? Pero panahon na siguro para matahimik na ang matagal na sugat sa puso ko. 'Yun lang ang nakikita kong paraan para mawala na ang sakit na nararamdaman ko. Dahil gusto ko magmahal muli.

Bubuksan ko ang puso ko dahil 'yun ang kailangan ko at 'yun naman talaga ang dapat. Ayokong paasahin si Marlon at gusto ko, kapag nasigurado ko na ang nararamdaman ko ay buong buo ko ibibigay ang pagmamahal ko.

Kinuha ko ang telepono ko at pinindot ang numero niya. Ilang ring pa ang pinakinggan ko ngunit talagang walang sumasagot. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

Hindi ako mapakali dahil ilang linggo na din naman na wala akong balita sa kanya. Kahit gabi na ay minabuti kong puntahan siya sa kanyang condo. Aayusin ko 'to.

Rinig ko ang kabog ng dibdib ko habang palapit sa pintuan niya. Dahan dahan akong kumatok at naghintay na pagbuksan niya ako. Imposible naman na wala siya dahil sabi sa front desk ay halos kapapanik lang din niya. Naligo kaya agad siya? Pinihit ko ang door knob at hindi ito naka-lock.

Sumilip ako at tinignan kung may tao ba. Nagpunta ako sa kitchen, sa sala at sa kwarto niya pero wala siya. Hindi ko rin narinig ang ingay ng tubig mula sa banyo kaya alam kong hindi siya naliligo. Inilibot pa ng mga mata ko ang kabuuan ng condo niya hanggang sa naaninag ko ang dalawang taong nag-uusap sa terrace.

Naglakad ako patungo sa kanila at namataan ko na ang kausap niya ay si Jordan. Wait. Nag-uusap sila? Huminga ako ng malalim at padabog kong binuksan ang glass door. Nagulat silang dalawa at nabitawan ni Marlon ang hawak niyang baso. Nag-iwas ng tingin at tumalikod sa akin si Jordan habang nagtungo naman sa akin si Marlon.

"Lea? What are you doing here?" Mabilis na tanong sa akin ni Moks habang hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Napako ang mga mata ko sa lalaking tumalikod.

Ilang kurap pa ang ginawa ko bago ako nakapagsalita. "Him?" Turo ko. "What is he doing here?"

Hinawakan niya ako sa siko at iginigiya niya ako palabas sa terrace. "Mag-usap tayo sa sala."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someday (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon