Chapter 2

81 4 5
                                    

Lea's Point of View

I heard that everything happens for a reason. Sabi pa nila dati, "Don't cry because it's over. Smile because it happened". Ano? Ngingiti na lang ako? Hindi ko alam anong rason bakit ako niloko at pinaglaruan ni Jordan. Pero sana sa pagdaan ng panahon ay mahanap ko ang kasagutan. Naiinip na din kasi ako malaman kung ano ba ang dahilan niya.

Nagpunta ako ng Korea at doon nag-aral ng Korean Languange. Binigyan din nila ako ng chance na makapagturo ng English doon. Ang sarap kasama ng mga Koreano na mga bata. 'Yun nga lang, hindi ko maitatanggi na mas maganda ang kultura nating mga Pinoy. 

Isang taon lang ang kontrata ko sa Korea at hindi ko naipaextend ng isa pang taon. Gusto ko pa sana magtagal dito dahil... gusto ko lang. Gusto ko makalimot. Alam ko naman kasi na pag bumalik pa ako sa Pilipinas ay wala na akong babalikan.

"Lea. phone!" Carren shouted at me. Who the hell is that? Naaabala ang pagiimpake ko. 

"Coming!"

Dali-dali kong sinagot ang nasa kabilang linya "Yes? Lea speaking. Who's this?"

"Hi ley! It's me. Marlon. Kailan uwi mo?" Tumalon ang puso ko sa tuwa. Last week pa niya ako hindi tinatawagan kaya nagpost ako sa FB na malapit na ako umuwi. Kaya ayan, naalala niya ako. 

"Oh hi Marlon! Sa next day ako babalik diyan. Why? You'll fetch me?" Pabiro kong tanong sa kanya. Kahit bakas sa boses ko ang tampo.

"Of course! Ikaw pa, eh nagpromise ako sa'yo! Sorry for not calling you this past week. Busy lang sa mga exams." That promise was one year ago, pero heto siya, at tutuparin daw ang pangako niya.

Flashback 

After the last line sa chorus, binaba ko ang gitara at tumakbo palabas ng auditorium. Hindi ko pinansin si Jordan, pashow-off lang siguro siya.

Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak. Pawis na pawis na ako, sumasakit na buong katawan ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mag-isa. Nagmadali ako at pumunta sa isang building nang may nakabangga ako.

"Ouch!" Sabi nung lalaki.

"Sorry." paghingi ko ng paumanhin.

"Hey, you okay? Miss Are you crying?" Nag-aalala niyang tanong.

"I'm okay. Pasensya ka na." Matipid kong sabi.

Ngumiti lang siya at binigay sa akin ang panyo. May itsura siya. Kinuha ko yung panyo. Siyempre, makapal ang mukha ko.

He extend his hands to me. Ang bait naman nito. "Marlon, and you are?"

Hindi ko nasabi yung pangalan ko nang bigla akong naduwal sa harap niya.

"Miss, I think you're not okay. Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Hinawakan niya ako sa balikat pero lumayo ako sa kanya.

"No thanks. I can manage" Akmang tatalikod na sana ako pero hinila niya ako papunta sa clinic.

"Is she okay? Naduwal kasi siya kanina, baka ano" Tanong nung Marlon sa nurse habang ako ay nakahiga sa bed.

"Yes. She's doing fine. Don't worry, hindi ka pa magiging tatay" What is she saying? Nakakahiya!

"Aww! I'm not her boyfriend or what!" Sagot naman niya. Bed, kainin mo na ko dito!

"Ay ganon ba? Sorry, akala ko kasi. Anyway, Masyado lang siyang stress at mukhang wala pang kinakain. Bilhan mo muna siguro siya ng merienda. Kaano-ano mo ba siya?" Pagpapaliwanag ni Ms. nurse.

Someday (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon