PROLOGUE

79.4K 1.9K 101
                                    

PROLOGUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PROLOGUE

Kadiliman, iyan ang bumabalot sa buong paligid kung saan ako nabuhay ng maraming taon. Isang silid kung saan wala akong mapaglilibangan. Dahil nagkalat na ang mga sirang gamit at wala ni isa sa mga iyon ang maaari ko pang magamit. Maliban sa pagkainip, kalaban ko rin ang matinding lamig dahil sira na ang suot kong damit.

Hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling naligo. Hanggang sa nasanay na lamang ako sa amoy ng aking sarili. Hindi ko na nga rin matandaan kung kailan ko huling nasilayan ang sikat ng araw. Ikinulong ako sa isang silid dahil sa aking mapanganib na kapangyarihan.

Nasisira at namamatay ang kahit na anong aking mahawakan. Nakakaramdam ng panghihina ang kahit na sinong tumingin sa aking mga mata. At ang aking mga salita ay maihahalintulad sa isang sumpa.

Kinatakutan ako ng karamihan. Ngunit mayroong isang arcan na naniniwala na wala akong intensyon na manakit ng kapwa. Ang pangalan niya ay Hibana. Dinadalan niya ako ng pagkain at ibinibigay ang iba ko pang kailangan. Ngunit isang araw, aksidente kong nahawakan ang kanyang braso. Unti-unti itong nangitim hanggang sa hindi na niya ito maigalaw. Pero sadya siyang mabait dahil ako ay agad niyang pinatawad.

Ngunit hindi naging lihim sa iba ang nagawa ko kay Hibana. Sapagkat hindi niya naitago ang pangingitim ng kanyang braso.

Inutos ng Hari na ako'y palabasin ng silid upang patayin. Pilit na nagmakaawa si Hibana na huwag na akong patayin dahil hindi ko naman daw sinasadya ang nangyari sa kanya. Ngunit hindi nakinig ang Hari sa sinabi ni Hibana.

Tinanggap ko ang aking kapalaran. Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.

Ang anak ng Hari na si Avi Hiralia ay humiling sa kanyang Ama na huwag akong patayin. Sinabi pa nito na—

"Ama, gusto kong maging kasintahan si Kauri."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Walang nakapagsabi sa akin na ang susunod na Hari ng Fhalia ay nasisiraan na pala ng bait. Gusto niyang pakasalan ang isang tulad ko na maghahatid lamang ng kamatayan.

Sa tindi ng pagmamahal ng Hari sa anak nitong si Avi, pinagbigyan nito ang kanyang hiling.

Ngunit ang mas hindi ko inakala ay ang malaman kong seryoso si Avi sa kanyang sinabi. Naging kasintahan niya ako at itinuro niya sa akin kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan.

Limang taon mula noon ay hinirang na hari si Avi at ako ang kanyang naging reyna. Tutol ang lahat sa akin ngunit hindi iyon naging hadlang sa kagustuhan ni Avi na ako ay makasama.

Isang taon pa ang lumipas at isinilang ko ang aming panganay na si Calli Subaru Hiralia.

At makalipas ang dalawang taon, isinilang ko naman ang aming bunso na si Arkile Subaru Hiralia.

Sa mahabang taon ng aming pagsasama ay minahal ko ng lubusan si Avi. Ngunit isang kasinungalingan ang bumali sa aming pagmamahalan. Inakusahan ako ni Ifra Nemori na pinatay ko ang Ama ni Avi. Ngunit ang pinakamasakit ay naniwala si Avi na ginawa ko ang ganoong bagay.

Tatlong taon pa lamang ang aking panganay at isang taon ang aking bunso nang hatulan akong muli ng kamatayan.

Ngunit sa pagkakataong iyon, umalis ako at nagtago. Iyon ang unang araw na tinanggalan ako ng pagkakataon na maging isang Ina.

FHALIA - ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon