CHAPTER 2

41.8K 1.1K 94
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 2

Sa pamagat pa lamang ng libro, nagkaroon na ng interes si Calli na basahin ito. Kaya naman agad niyang binuklat nang binuklat ang libro.

"Ano ba naman 'to. Puro na lang larawan wala man lamang nakasulat. Paano ko malalaman kung ano ito?"

Ilang pahina pa ang tiningnan ni Calli at puro larawan pa rin ang kanyang nakita. Mga lugar iyon na hindi pamilyar sa kanya. Nakakita rin siya ng matataas na mistulang bahay at mga bagay na hindi niya mawari.

Tiningnan pa niya ang ibang pahina at larawan pa rin ang kanyang nakita. Ngunit mayroon nang kaunting detalye tungkol dito. "Ang tawag sa bagay na ito ay telebisyon. Huh? Ano 'to? Parang may sungay."

Inilipat ni Calli ang libro sa susunod na pahina. Nakakita siya ng pamilyar na larawan. "Ang nilalang na ito ay isang babae na kung tawagin ay tao." Pinagmasdan niyang mabuti ang larawan hanggang sa mapahawak sa kanyang tenga. "Mahaba ang sa akin."

Nakaramdam si Calli ng pagnanais na madagdagan pa ang nalalaman niya tungkol sa mga tao. Kaya naman nagpatuloy pa siya sa pagbabasa. Marami siyang nakitang kakaibang larawan hanggang sa marating niya ang huling pahina.

"Ang prosesong ito ang magtuturo sa iyo kung paanong magbukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Kung saan makikita mo ang lahat ng nasa larawan."

Namangha si Calli sa kanyang nabasa, hindi niya inakalang bukod sa mundo ng Fhalia ay mayroon pa lang iba. Ang maganda nito, maaari pa niya itong puntahan. Nagkaroon siya ng hindi maipaliwanag na interes sa mga nakita niyang larawan at nais niya iyong makita ng personal.

Binasa niya ang proseso kung paanong magbukas ng lagusan papunta sa mundo ng mga tao.

Nang matapos niya itong basahin, agad niya itong sinubukan. Kinagat niya ang balat ng kanyang hinlalaki hanggang sa magdugo ito. "Una, kailangan kong pumili ng isang matatag na puno. Hmm. Puno. Ano kaya?"

Napatingin siya sa puno ng kauri na nasa kanyang likuran.

"Aha! Ito nalang. Pangalawa, kailangan kong iguhit ang simbolo ng portal gamit ang aking sariling dugo."

Iginuhit ni Calli ang simbolo ng portal sa puno ng kauri. Dalawang bilog ito na magkapatong hanggang sa kalahating bahagi. At parte ng bilog na hindi nagtagpo ay mayroong guhit na ang bilang ay walo. Sa gitna ng nagtagpong linya ng bilog makikita ang kalahating buwan na pahiga.

Sinimulan niya ang pag-usal ng orasyon habang nakalapat ang kanyang kanang palad sa iginuhit na simbolo.

"El ve run de miro ka riev, yu ra kie se ra fien!"

Nagliwanag ang palad ni Calli kasabay ang pag-ihip ng malakas na hangin. Halos humalo na ang mga piraso ng dahon ng kauri sa malakas na pag-ikot nito. Nang humina ito, isang liwanag mula sa sikat ng araw ang nakita niya na nagmumula sa isang bumukas na lagusan.

FHALIA - ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon