CHAPTER 3
Bumalik si Calli sa lugar kung saan siya nag-iwan ng laso bilang palatandaan. Hindi siya nahirapan na hanapin iyon dahil hindi naman siya gaanong nakalayo. Kahit hindi nakita ni Calli ang mga bagay na nasa librong nabasa niya, hindi siya nadismaya. Dahil nakilala niya ang batang si Elizabeth.
Ilang minuto pa ang lumipas, lumitaw nang muli ang lagusang binuksan ni Calli. Pumasok siya roon upang bumalik sa Fhalia. Pagbalik niya sa Fhalia, nagsara na ng tuluyan ang binuksan niyang lagusan at naglaho ng kusa ang iginuhit niyang simbolo sa puno ng kauri gamit ang kanyang dugo.
Napatingin si Calli sa mga librong naiwan niya sa damuhan. "Lagot na, may gagawin pa pala ako."
Tumingin si Calli sa mga bituin sa langit. Ang gabi rito sa Fhalia ay umaga sa mundo ng mga tao. Kinusot niya ang kanyang mga mata nang bigla niyang makita mula sa kalangitan ang mukha ni Elizabeth. Nang muli siyang tumingin, naglaho na iyon.
"Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bata lang naman 'yon."
Tiningnan ni Calli ang librong binasa niya kanina. "Sino kaya ang sumulat nito?" Binuksan niyang muli ang libro at hinanap niya ang pangalan ng sumulat. "Caleb Kono Ihara. Hmm? Huh? Ihara?"
Iniwan ni Calli sa tabi ng puno ng Kauri ang mga librong kailangan niyang basahin, saka siya sumipol ng malakas upang tawagin ang alagang si Frin. Pagdating nito, inutusan niya itong dalin siya sa lupain ng Detori.
Pinuntahan ni Calli si Hibana, ang pinuno sa lupain ng Detori at nakababatang kapatid ng kanyang ama. Pumasok siya sa silid nito pagkatapos kumatok ng tatlong ulit. "Prinsesa Hibana, magandang gabi po. Nais ko sanang malaman kung sino si Caleb Kono Ihara?"
Huminto si Hibana sa pananahi ng damit. "Ama ni Rui Ihara Karazu, si Caleb Kono Ihara. Bakit mo biglang naitanong?"
"Ama ni ate Rui? Hindi ba't si ate Rui ang pinakamalakas na Arcan noon? Ang natatandaan ko pinatay siya ng asawa niya sa Heridon. Pero nasaan na nga pala si Caleb Ihara? Napansin ko na siya ang nagsulat ng librong nabasa ko kanina." Sabi ni Calli.
"Huwag na natin pag-usapan ang nangyari kay Rui." Sabi ni Hibana. "Si Caleb Ihara ang nagsusulat ng lahat ng libro noon sa Fhalia. Nang bigla siyang mawala at hindi na bumalik, si Rui ang pumalit sa kanya. Walang nakakaalam kung nasaan na ngayon si Caleb. Kung buhay pa ba siya o hindi na. Nagustuhan mo ba ang libro niya? Mayroon akong ipinadalang mga libro kay Avi kanina, iyon na ang mga huling libro na naiwan ni Rui dito." Dagdag pa ni Hibana.
Ngumiti si Calli. "Gustong-gusto ko ang mga libro niya. Gusto ko sana siyang makausap, pero mukhang malabo na. Maraming salamat sa mga librong ipinadala mo kay Ama, prinsesa Hibana. Aalis na po ako."
Tumayo si Hibana at sinundan nito si Calli palabas ng silid. "Calli, naniniwala ka ba sa sinabi ng iyong Ama tungkol sa kasalanang ginawa ni Kauri?"
BINABASA MO ANG
FHALIA - I
FantasyFHALIA : THE BIRTH OF A NEW KING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Ang mundo ng Fhalia ay nahati sa dalawang panig. Isang nakatakdang hari na umibig at binago ng galit- at isang prinsipe na handang humarap sa hirap para lamang sa nakararami. Isang mundo kung...