Chapter 13

3 3 0
                                    

(This will be the last chapter before the epilogue. Thank you in advance sa inyong lahat na nagbabasa nitong story na ito❤)

Naiiyak na nilapitan ko ito at hinawakan ang mga kamay niya

  "Success yung plano ko. Nakakalakad kana" nakangiting usal niya

  "P-pero ikaw..." naiyak na ako

Nagkapalit kami ng sitwasyon. Siya na ang hindi nakakalakad

  "Love hindi mo naman kailangang makipagpalit ng sitwasyon sakin" umiiyak na sambit ko

Umiling lang siya atsaka hinaplos ang mukha ko

  "Vince hindi ako nag decide na bumalik sa past para lang bumalik sa present na parehas lang ang kalagayan mo" sabi niya "ok lang na ako na lang. Basta magawa mo lang yung mga bagay na matagal na nawala sayo"

Hindi na ako nakasagot at umiyak na lang ng umiyak. Lumapit samin ang mga kaibigan namin at niyakap kami. Wala ng nagsalita sa amin

  "Nakabalik na pala kayo" napatingin ako kay professor mac

Agad akong tumayo at nilapitan siya

  "Professor b-bakit ganon? Sabi mo 4 years kaming mananatili sa past bago makabalik dito sa present pero iilang buwan pa lang nakabalik na kami?" nalilitong tanong ko dito

Imbes na sagutin niya ako ay tumingin siya kay shawn

  "So you choosed the second one" -professor mac

Shawn POV

Tiningnan ako ni vince

  "Anong sinasabi ni professor mac na pinili mo?" tanong sakin ni vince

Flashback

Bago ako tuluyang ibinalik ni professor sa nakaraan ay may sinabi ito
 
  "Shawn may paraan para hindi ka makalimutan ni vince" -professor mac

  "Ano pong paraan?" tanong ko

  "Aakuin mo yung nangyari kay vince" sagot niya

  "Hindi ko kayo maintindihan" nalilitong anas ko

  "Like what i've said shawn you can't hold two things at once so it's either he will forget you or you will put yourself in his position"

End Of Flashback

  "Yon talaga ang plano ko. Aakuin ko yung nangyari sayo" sabi ko "pero professor paanong agad kaming nakabalik?" takang tanong ko

  "You already accomplished your mission kaya agad kayong nakabalik" sagot niya

Umuwi na kami sa bahay namin ni vince. Tinulungan naman niya ako hanggang makaakyat kami sa kwarto namin at pagdating don ay niyakap niya ako ng mahigpit atsaka siya umiyak ng umiyak

Sa totoo lang naiiyak ako pero pinipigilan kona lang dahil ayokong mas lalo siyang masaktan sa sitwasyon ko

  "S-sorry" hagulhol niya

Naglabas muna ako ng isang napakalalim na buntong hininga bago nagsalita

  "Love hindi mo kailangang mag sorry. Choice ko ito at wala kang kasalanan don" sabi ko

  "P-pero sa akin pa din nag-umpisa. Kung hindi ko inentertain si trixie hindi na sana kailangang mangyari ang mga ito" sabi niya

  "Wag mo nang balikan yung mga nangyari noon ok? Atsaka sa office naman ang trabaho ko kaya ok lang kahit ganito ako pero ikaw, pangarap mong maging professional dancer kaya hindi pwedeng hindi ka nakakalakad" -shawn

  "Mahihirapan ka" -vince

Umiling ako atsaka pinunasan ang mga luha niya

  "Andyan ka naman kaya walang magiging mahirap"

2 Years Later

Vince POV

Alam kong nahihirapan si shawn lalo na nung mga unang buwan na hindi na siya nakakalakad. Alam kong ayaw lang niyang aminin sakin dahil ayaw niyang masaktan ako

Sa loob ng 2 years ay ginaawa ko ang hiling sakin ni shawn. Sinunod ko din ang advice ng mga kaibigan namin na dapat ay ipakita ko kay shawn na hindi napunta sa wala yung sakripisyo niya kaya after 2 years i am proud to say that i am now a professional dancer. Ang pangarap ko na naging pangarap na din ni shawn para sakin ay natupad na

Ngayong aras na ito ay ang first solo competetion ko at kapag naipanalo ko ito ay pwede na akong ilaban sa ibang bansa

Bago ako mag-umpisa ay tiningnan ko muna si shawn na nakaupo sa 2nd row ng mga nanonood. Napangiti ako ng makitang meron itong hawak na banner na 'FIGHTING VINCE ALLEGRE' ang nakalagay

Mix contemporary hip hop ang ginawa ko. Tumulong si carlo at paul sa paggawa ng choreo at siyempre panalo ako

Nakangiti kong nilapitan si shawn at iniabot sakanya ang first trophy ko

  "Ano ayos ba?" nakangiting tanong ko

  "Hindi" seryosong usal niya

  "Hindi?" takang usal ko

Tiningnan niya ako ng mabuti atsaka ngumiti ng malaki

  "Understatement kasi yung ayos. Mas accurate kasi yung salitang soooobrang galing" sabi niya "congrats"

Tiningnan ko ang mga kaibigan namin at tumango ang mga ito

  "Let's go" sabi ko atsaka itinulak ang wheelchair niya

  "Teka saan tayo pupunta?" tanong niya, hindi ako sumagot

Itinulak ko siya hanggang sa makarating kami sa isang private indoor basketball court

Shawn POV

Itinulak niya ako hanggang sa makarating kami sa isang private court at pagtapat sa pinto ng court ay bigla itong tumigil. Taka akong napatingin sa likod ko pero mas lalo akong nagtaka ng makitang wala na si vince doon

  "Iniwan ako ng loko" usal ko pero ilang sandali lang ay dumating si paul "anong meron? Bakit iniwan ako ni vince dito?" tanong ko

Imbes na sagutin niya ako ay inabutan niya ako ng panyo

  "Anong gagawin ko diyan?" takang tanong ko

  "Kunin mona lang at baka maiyak ka sa pautot ng jowa mo" sagot niya

Kahit na nagtataka ako ay kinuha kona lang yung panyong iniaabot niya

Ilang minuto pa kaming nanatili doon. Magsasalita na sana ako ng may tumugtog na music at bumukas ang pinto ng court

Napanganga na lang ako sa nakita

_________________________________________
Please don't forget to vote, comment, and follow

Please follow my social media accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/se.kim.9081
Instagram: https://www.instagram.com/sekim_02/
Twitter: https://mobile.twitter.com/02Sekim
YouTube: https://youtube.com/channel/UCTdvNjcVNNJl44eQLbV3JUg

Thank you so much for reading😊❤

Time Travel (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon