Kierbei's POV!
Nakikita ko kung paano magpa-iba iba ang expresyon at ugali niya. Hindi siya ganito noon. Naaawa ako sa kaniya pero hanggang sa awa na lang. Dahil wala akong nakikitang paraan kung ano ang maitutulong ko sa kaniya. Hindi kaya nangyari na ang dapat kong katatakutan? Na baka nga magkakatotoo 'yong naiisip ko na baka umabot sa puntong magkaroon siya ng sakit na bipolar. Dulot ng depression at stress na bitbit niya ngayon.
Hindi maaari! Kahit sa ganitong paraan matulungan ko man lang siya. Kailangan kong ipapaalala sa kaniya kung ano ang nararapat. Paki-usap intindihin mo ang bawat letrang naka-paloob na sasabihin ko ngayon sa 'yo Kyrie. Ikaw lang ang maka-kaalam nito't sa pamamagitan nito'y maaari kang matauhan at gumaling.
"Pwede ka namang magsabi ng totoo Kyrie, hindi 'yong pinapaasa mo ang mga taong nasa harapan mo. Pwede ka namang hindi magmukhang tanga na magsisinungaling sa harap namin. Para lang pagaanin ang mga loob namin, na sa tingin mo'y okay lang kahit na hindi naman. Bakit mo ba 'to ginagawa ha? Sa tingin mo ikaka-cool mo iyan? Hindi at kahit kailan walang naging cool sa pagpapa-hirap sa sarili niya. Kaya huwag kang umasta na nagawa mo iyon." gulat siyang napa-tingin sa akin.
Nangungusap ang kanyang mga mata na parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. Ano ba talagang nangyayari sa 'yo Kyrie?
"Tumahimik ka Kierbei! May mga bata sa harap natin. Hindi mo man lang inisip na baka matanim sa isipan nilang okay lang pala ang mag sigawan sa harap ng maraming tao. At sigawan ang kanyang nakaka-tandang kapatid. Jusmiyo Kierbing!" Humawak siya sa noo niya't tumingin sa may pinto kung saan nandoon malapit sina Klyd at Kyrie. Bumalik naman sa pagkaka-upo si Klyd sa kina-uupuan namin kanina pero patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Hindi tayo aalis ngayon. Dito tayo magpa-palipas ng gabi at bukas na natin pag-usapan ng maayos ang lahat maliwanag?" Napa-upo nalang ulit ako sa kina-uupuan ko kanina't pinatatahan si Klyd na umiiyak pa rin. Tumayo na si Kyrie at lalabas na sana ng pinto pero nagsalita ako na ikinatigil niya.
"Kung may problema ka at may gustong sabihin. Huwag kang mag-alinlangan na sabihin sa akin ang mga 'yon. Handa akong makinig." Walang ekspresyon na sabi ko sa kaniya ngunit naka-pukol ang tingin kay Klyd na kinakain ang bagong binuksan na lollipop.
"Oo kuya hehehe pero wala pa akong problema sa ngayon ih. Pwede bang mamaya na lang o di kaya'y kung gusto mo talagang makinig sa problema ko ay okay sige sasabihin ko sa 'yo ang problema ko ngayon. Ang problema ko talaga ay kailan na naman kaya ulit ako maka-kakain ng ganitong lollipop?" Humalukipkip si Klyd pagkatapos ay pumunta kay Mariana at doon naman nakipag-laro.
Tumingin na lang si mama sa akin ng may namumuong luha sa mata. Pinaka-ayoko ko talaga sa lahat ay ang makitang lumuluha ang mga mahal ko sa buhay. Kaya naman inunahan ko na sa pag-labas si Kyrie at napag-pasyahang maglakad lakad na muna sa labas.
Kyrie's POV!
Sinundan ko si Keirbie hanggang sa makarating na siya sa bandang labas ng compound nitong hospital. Umupo ako sa pinaka-malapit na shade kung saan naroon din siya.
"Totoo 'yong sinabi ko. Ayaw ko talagang umuwi ng bahay dahil ayoko. Alam ko namang kung ikaw rin ang nasa kalagayan ko ay pipiliin mo rin ang ganong desisyon." Naka-tingin lang ako sa malayo. Payapa ang kapaligiran at mas lalong nag kulay berde tingnan ang mga damo na nasisikatan ng araw. Presko rin ang hangin na hinihingahan namin dito kaya para sa akin ay sobrang peaceful ng mga oras na ito. Napa-ngiti ako sa ganda ng pakiramdam ko ngayon. Walang bagabag, walang inaalalang masamang mangyayari, sobrang banayad lang.
"Alam mo namang kapag hindi na kita iginagalang ay galit ako niyan. Bakit mo pa rin piniling sumunod at kausapin ako? Ang hirap sa 'yo ang dali mong mag maang-maangan! Na para bang ikaw na lang parati yung malakas. Ikaw parati yung matatag! Bakit matatag ka ba ha?" sumbat niya sa akin. Ngumiti ako't pinigilan lang 'yong luha kong kahit anong oras ay papatak na. Nilingon ko siya pagkatapos ay pinagpagan ang suot kong pants sa may pwetan.
BINABASA MO ANG
Side by Side
FantasyFantasy/Adventure Nang gabing iyon ay nakakita siya ng isang meteor na bumagsak. Ang hindi niya alam ay mayroon itong dalang kakaiba na hiwaga patungo sa kung ano ang kaniyang nais mangyari. Pitong hiling para sa isang kundisyon, tanggapin ang misyo...