Chapter 20

20 21 0
                                    

Pinutol niya ang walang katapusang ngitian naming dalawa.

“Sa'ng banda na nga ulit tayo kanina? Kung saan-saan na lamang kasi tayo napadpad sa pag-uusap natin eh.” Agad kong winaksi ang pagkaka-ngiti kong ito.

Nakaramdam ako ng init sa aking pisngi. Kanina pa pala ako nakangiti. “Sa bandang sinabi mo na kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ilaw ang mga bituin.” tumango siya pagkatapos.

“Buti naman at atintibo ka rin pala. Akala ko talaga nakalimutan mo na ang huling sinabi ko kanina.” humarap siya sa akin at tinitigan na naman.

Hindi ko naman mapigilan ang pag-kagat ng aking labi. Bakit ba hindi ko na mapigil ang pag-ngiti?

Kailangan maging seryoso at normal lang ang makikita niya sa mukha ko. Lalo't nababasa niya ang isipan ko't ayaw kong malalaman niya na lamang sa huli, na katagalan ay gusto ko na pala ang isang tulad niya.

Pero hindi ko siya gusto. Itong labi ko lang talaga ang kusang ngumingiti dahil sa mga titig at presensya niya.

“Magsisimula na ba ako?” pag-istorbo niya sa malikot kong isipan. Tumango naman ako nang marahan pagkatapos ay peke siyang nginitian.

Nakakahiya siguradong alam niya na naman ang patungkol dito.

“Gusto pala ha hahaha.” pag-tukso niya sa akin. Nanliit pa ang mata niya nang sabihin ito sa akin.

Kailangan kong malusutan ang isang 'to. Hindi pwedeng ganito, ang awkward kaya.

Kinamot ko ang aking batok. “ I'm just testing if you can also know my inner thoughts. But it's just thoughts, ano ka ba naman.” Tiningnan niya muna ako ng nanunuksong tingin. Bago tumingala sa langit.

“Oo na, sige na. Alam ko namang hindi mo talaga ako magugustuhan.” Nakangiti siya nang sabihin ito sa akin. Subalit hindi niya naitago ang tono ng pagka-lungkot.

Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Bakit niya naman nasabi ang mga katagang iyon? At Bakit ba kami napunta sa ganitong topic?

Nagpa-iling-iling na siya habang tumatawa. “Oo nga noh? Bakit nga ba tayo napunta sa topic na 'to?” tumatawa pa rin siya ngunit mahina na lamang.

Sa tingin ko'y nagpapanggap lang siya. Hindi naman siya masaya talaga. Alam ko dahil ramdam ko. Pero hindi, hindi mo masasabing hindi kita magugustuhan ginoo. Dahil mayroon kang uniqueness sa lahat ng lalaking nakilala ko.

Kaya mong maging understanding, fighter, caring, serious, formal o abnormal sa harap ng iba. Na siyang dahilan upang humanga ang makakasalamuha mong dalaga. Kahit pa hindi ka tao pero may itsura ka pa rin na tulad sa aming mga mortal. Kaya hindi mo masasabing walang magka-ka-gusto na isang tulad ko, sa isang tulad mo.

Hindi ko alam kung alam niya pa rin ba iyong mga sinabi kong iyon sa aking utak. Pero mas gusto kong malaman niya ang mga iyon. Para aware siyang nakaka-inlove ang taglay niyang personality.

Tiningnan ko ang reaksyon ng kaniyang mukha ngunit wala namang pinagbago. Tila ba wala siyang nasagap na impormasyon mula sa isipan ko.

Maaari kayang hindi niya nalaman ang mga sinabi kong iyon? Kung gano'n hindi niya pala malalaman kapag gusto mong malaman niya ang sasabihin mo sa iyong isipan. Pero kung wala ka sa kamalayan o di kaya'y ayaw mong malaman niya ang mga ito'y malalaman niya.

Kung gano'n ay kabaliktaran ang nangyayaring mind reading niya.

“Aba'y ewan ko rin sa 'yo. Oh siya sige na't baka sa'n pa mapadpad itong usapan natin.” napa-pout naman siya nang marinig ang sinabi ko.

“Sige na nga dahil tila atat na atat ka na talagang malaman ang background ko.” napa-ngiwi ako sa narinig. Hindi naman halatang may hangin din pala siyang dala. Parang bagyo lang.

Side by SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon