-"Paki-usap Arturo kailangan kita. Huwag mo akong iwan. Kung kailangang maging isang ganap akong tao ay gagawin ko, huwag mo lang akong talikuran." nagmamaka-awa niyang sabi sa lalaking nakata-likod.
"Hindi mo naman kailangang magbago sa kung sino o ano ka pa. Kapag mahal ka ng isang tao ay tatanggapin ka niya't iintindihin. Alam mo namang hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo, sana naman maintindihan mo ako Ariana. Wala akong nakikitang dahilan kung bakit nagustuhan mo ang isang tulad ko. At wala rin akong nakikitang dahilan upang ipag-palit ang aking mahal sa isang tulad mong para ko na ring kapatid. Isa pa noon pa man alam mo nang may mahal na ako at hindi ikaw 'yon. Mag-tampo ka man o magalit sa akin, parusahan o sumpain mo man ako. Hindi pa rin mababago ang katotohanang hindi kita mahal."
Bumuhos ang ulan kasabay ng pagbuhos ng luha ni Ariana. Nanlumo siya sa kaniyang narinig mula sa taong pinakamamahal niya. Hindi niya akalaing may magsabi no'n sa harapan niya mismo, at ang magsasabi pa no'n ay ang taong ayaw niyang 'yon ang magsabi sa kaniya.
Ang dating puno ng lungkot na mga mata ay napalitan ng nanlilisik. Na tila kahit anong oras ay may gawin na masama sa kahit na sino. Galit, iyon ang naramdaman ni Ariana sa mga oras na iyon. Nang dahil sa pagmamahal magpapakasama siya't sisirain ang buhay ng taong mahal niya.
"Pagsisisihan mong mas pinili mo ang nararamdaman mo kaysa sa nararamdaman ko." Pumatak ang huli't nag-iisang butil ni Ariana sa lupa. Biglang dumilim ang kalagitan at umihip ang malakas na hangin.
-"Arcturus anak...halika muna rito may sasabihin ako. A-anak, malapit ng pumanaw ang iyong ina. Alam kong alam mo na mayroong isang tao na minahal ko na noon. At ang taong iyon ay ang binabantayan ko, anak oo napag-isipan kong gawan siya ng masama. Isinumpa ko siya, kinasusuklaman at pinag-kaitan ng kung anong kailangan niya sa mundo nila."
"Pero alam mo namang kahit isang beses, hindi ko siya ginawan ng malalang kaparusahan. Sapat na iyong pinag-kaitan ko siya ng kailangan niya...nila ng pamilya niya. (sobs) Pero ni minsan hindi ko ginawa ang mga sinabi kong pag-sumpa sa kaniya. Hindi, hindi ko ginawa kasi hindi ko kayang gawin (sniffs). Dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin ang taong mahal ko." mahina niyang banggit kay Arcturus. Nanginginig siyang humawak sa pisngi ng kaniyang anak. Tiningnan niya ito sa mga mata at muling nagsalita.
"Arcturus, may isa lamang akong hiling sa iyo. Gusto ko mang bawiin ang isa sa mga sumpang sinabi ko sa kalawakan nang mga oras na iyon. Subalit hindi na iyon mangyayari pa. Sapagkat ang nasabi ay nasabi ko na, sa harap at batas ng ating namumuno ang lahat ng pangako't sumpa na isinasatinig sa kalawakan ay mangyayari."
"Sa pamamagitan ng pagbibigay katuparan ng ating Panginoon. (Cries deeply) H-hindi ko nga g-ginawa ang mga sumpang iyon sa kanila, subalit ginawan ko naman ng paraan upang mangyari 'yon sa kanila. Ako pa rin ang may kasalanan kung mangyaring darating na ang sumpang iyon. Hindi pa man sa ngayon, subalit darating at darating iyon sa panahong isasakatuparan na iyon ng Panginoon."
"A-Arcturus wa-wala na akong o...ra-sss, paki-usap. Tulungan mong malampasan ng anak ni Arturo ang sumpang iginawad ko sa kaniya. S-siya...sssiya ang may hawak ng sumpa. Bantayan at tulungan mo siya...At anak! Huwag mong kalimutan 'yong ibinilin ko sa 'yo. May mangyari mang kakaiba sa mga kilos niya't ugali. Paki-usap ang paraan lamang nito upang mabalik siya sa dati ay--."
-"Bakit mo pa ako iniligtas Alexa? Sana hinayaan mo na lang akong magpa-lutang lutang diyan sa dagat, hanggang sa makita ni papa kung paano siya nagwagi sa pagitan namin. Sana hinayaan mo na lang akong hindi mabuhay ngayon, para lahat ng mga taong gusto na akong mawala ay makapagdiwang na."
"Bakit mo pa pinigil ang pagkakataong ikatatahimik ng pagod at sawa kong puso?"
"Kyrie, wala na akong ibang masabi pa kundi, patawad."
BINABASA MO ANG
Side by Side
خيال (فانتازيا)Fantasy/Adventure Nang gabing iyon ay nakakita siya ng isang meteor na bumagsak. Ang hindi niya alam ay mayroon itong dalang kakaiba na hiwaga patungo sa kung ano ang kaniyang nais mangyari. Pitong hiling para sa isang kundisyon, tanggapin ang misyo...