Kumalas na ako sa pag-yakap sa kaniya at maayos na umupo na muli. Malamig na ang simoy ng hangin parang gabing-gabi na ata talaga sa oras na 'to.
Sayang at hindi ko na alam ang oras. Siguro kung alam ko lang 'to ngayon malamang mas lalo ko pang ti-titigan ang kamay ng orasan. Para naman mas lalong tatagal ang magiging usapan at pag-sasama namin ngayon.
Sinadya kong isipin na sana malaman niya ang mga ito. Para hindi niya mabasa ang isipan ko. Nakaka-hiya kayang malaman ng isang 'to na gusto ko pa siyang maka-sama ng matagal. Pero paglilinaw lang, hindi ko siya gusto.
“Ah ginoo kung maaari sana ay ituloy mo na ang kuwento mo tungkol sa inyong mga Polarians?” natigilan rin siya sa pagka-tulala at ngumiti ng pilit. Na tu-tulala rin pala ang mga Polarians?
“Ah oo nga pala noh. Pasensya na nadala lang ako sa word of wisdom mo hahaha.” natawa na rin ako dahil alam ko namang dinaan niya lang sa tawa ang pagka-hiya niya. So nahihiya rin pala sila. Ang dami ko naman masyadong na-discover sa mga Polarians. Cute parang tao lang din pala. Pero mas angat parin sila kumpara sa mga tao. Bahagya siyang humarap sa akin kaya naman humarap narin ako.
Ngumiti ako ng bahagya nang tinitigan niya ako. “Bago ang lahat alam kong gutom kana. Pagod ka sa paglalakbay doon sa magubat na parte na iyon. At marami ka pa ding ka-ka-harapin na mga pagsubok. Kaya heto tanggapin mo ang munting regalo ko sa 'yo. Marahil ay makaka-tuling ito sa lakbayin mo bilang tao.” tiningnan ko ang inalok niyang bagay na regalo sa akin.
Ito ay walang iba kung 'di ang maliit na tila nunal na meteorite. Na siyang nakasama ko no'ng nawala siya. At ang nag-iisang meteorite na pinatawa ko't nagpa-iyak naman sa akin.
“Molly, nagbalik ka na.” malapad ang ngiti ko nang makita ang bagay na 'to.
Maluha-luha ko rin itong kinuyom at sa pangalawang pagkaka-taon ay muli ko itong niyakap. Kahit ilang days lang kami nag-kasama but still we made a strong bond to build the thread into chain.
Ibig sabihin nito ay siya nga talaga ito. Si Arcturus ang nag-ma-may-ari ng meteorite na ito na 'sing laki ng nunal.
Pero wala pang kasiguraduhan na siya nga ito. Dahil ang sabi sa akin ni Molly noon na kapag dumating si Arcturus ay hindi siya ma-wa-wala. Kaya posibleng hindi nga talaga siya ito dahil nasagap naman agad sana ako ni Arcturus no'n. Kaya lang tuluyan pa rin siyang naglaho't hindi na bumalik. So possibly hindi rin ito si Arcturus at baka napulot niya lang ito sa kung saan.
“Sa ngayon hindi pa siya nag-sasalita kasi ayaw kong may-epal sa kwentuhan natin. Alam mo naman siguro na madaldal ang isang 'to.” tumango ako ng may ngiting aso. Hindi ko rin alam kung bakit naging parang tanga tuloy ako. Siguro'y sa sobrang saya lang talaga na makita ang meteorite na ito.
At saka naka-ka-tawa rin kasi the way na binanggit niya iyon. Para kasing habang tumatagal ay unti-unti siyang naging kengkoy sa harap ko.
“Ahh-hahaha o-oo iyon ba. Talagang madaldal nga ang isang iyan. Daig pa pa newscaster niyan. Halos e-tounge twister na lang 'yong mga words na sa-sabihin niyan eh.” pabiro kong sabi sa kaniya.
Hindi ko naman expect na humagalpak siya sa tawa dahilan upang na-left behind ako sa sarili kong joke. Hindi ako maka-tawa eh.
“Hay naku ikaw talaga Kyrie, napaka-gifted mo sa ganiyang bagay. Bukod sa writer ka na nga, joker pa. Ang astig 'di ba?” peke na lang akong nag-smile saka nag-approved sign. Nakakatawa pala ako para sa kaniya? So pareho kaming nakakatawa ang impression ng bawat isa.
Nakaka-tuwa lang isipin na ang gustong-gusto kong mag-balik sa piling ko ay mahahawakan ko ng muli. Nang dahil sa immortal na nilalang na estranghero lang naman sa akin. Isang immortal na tila makaka-sama ko ng pang-matagalan at isang meteorite na nag-sasalita sa iisang scene ang cool niyon.
BINABASA MO ANG
Side by Side
FantasyFantasy/Adventure Nang gabing iyon ay nakakita siya ng isang meteor na bumagsak. Ang hindi niya alam ay mayroon itong dalang kakaiba na hiwaga patungo sa kung ano ang kaniyang nais mangyari. Pitong hiling para sa isang kundisyon, tanggapin ang misyo...