Chapter 16

25 21 0
                                    


Humagulgol na ako dahil patuloy lang din sa pag-pasok ang mga nangyari sa akin kamakailan lang.

At talagang nakaka-sikip ito ng damdamin.

“Andito na pala ang suwail at barumbado kong anak.”

“Hindi lang pala barumbado't suwail. Isa rin palang bingi ang isang 'to.”

Naka-yuko lang ako habang iniisip ang mga karanasan ko. Ngayon ko lang na-ibuhos lahat ng mga hinanakit ko kaya lulubosin ko na.

“Kung hindi ka lang naging bastos hindi matatakot ng ganyan ang kapatid mo.”

Nagsalita ako sa ala-alang iyon. “Kung hindi ka lang din naging ganyang klaseng Ama hindi ako magiging bastos Pa.” nasambit ko na lamang.

“Ikaw, Bakit ka pa bumalik dito ha? Napaka-kapal din ng mukha mo noh? Pagkatapos mong sagot-sagotin ako nakuha mo pang umakto na parang wala lang nangyari?”

“Pinilit kong magpaka-kapal para sa pamilya natin Pa. Pero hindi mo iyon inintindi kung para saan iyon.” hirap na akong mag-salita dahil sa pag-iyak.

“Walang aalis ng bahay. Kyrie, dito ka lang.”

“Sorry Ma, pero parang mas kailangan kong umalis para sa ikabubuti ng lahat.” hagulgol kong sabi.

“Kung talagang iniisip mo ang kaligayahan ng pamilya natin. Bakit mo pa gagawin ang lahat ng ito?”

“Dahil iniisip ko ang pamilya natin Keirb.” basag ang boses ko nang sabihin ko iyon.

“Akala ko ibang sagot ang maririnig ko mula sa'yo Ky. Pero sa mga narinig ko ngayon mula sa iyo. Mukhang hindi mo na nga kami kailangan.”

“Iba man ang ine-expect mo na sagot ko Keirb. Hindi pa rin magababago ang katotohanang higit ko kayong kailangan.”

Buo na ang loob kong tahakin ang napag-desisyonan ko ngayon. Malaking kasalanan ang gagawin ko ngayon subalit wala na akong magagawa kun'di ang tahakin ito.

“Dahil sinaktan mo ako kanina isasama na kitang Molly ka.” pinulot ko ang batong naihulog ko kanina.

“Wala ka namang buhay hindi ba? Kaya okay lang na isasama kita dahil non-living things ka naman.” kina-usap ko siyang parang tao lang.

“Alam mo? Kahit ngayon pa tayo nagka-tagpo pero masaya pa rin akong makilala kita Molly.” Ngumiti akong naka-tingin sa bato na hawak ko.

“Oo Molly kasi sinlaki ka lang ng nunal kumpara sa mga meteor na ine-expect ko.”

“Nagsalita ang dambuhala.” sarkastikong boses na sabi nito.

“Anak ng engkanto! Nagsasalita kang bato ka?” pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa narinig.

“Slight lang and to tell you frankly. I'm not engkanto I'm the cutest meteor of all.” Ngumiwi ako sa sinabi niya.

“Dami mong alam. Pero sabihin mo sinusubukan mo bang pigilan ako sa pina-plano ko ha?” kunot-noong tanong ko.

Nabalik na lamang ako sa realidad nang mapag-tanto kong hindi ko pa pala hawak ang bato. Nasa lupa pa ito't guni-guni ko lang pala ang lahat.

“Sabi ko na nga ba at gumagawa lang ako ng paraan para utuin itong sarili ko. Wala naman talagang pipigil sa pagpa-pakamatay ko dito eh.” nanginginig pa ang boses ko nang banggitin ito.

“Hindi totoong nagsasalita ka na bato. Lalong hindi totoong pipigilan mo ako.” pinulot ko na ang bato at isinilid ito sa bulsa ko.

“At dahil wala naman talagang makaka-pigil ngayon sa akin. Itutuloy ko na itong binabalak ko.” tumawa ako ng mahina.

Side by SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon