1

0 0 0
                                    


Kabanata 1

"Dalagang bukid~ palipadlipad sa ilalim ng dagat may pulis na pakitong kitong~"

Hindi ko naman mapigilan ang tawa ko habang masaya kaming naglalakad, Nakasuot ng puting bistida dahil katatapos lang ng Graduation namin.

Sa wakas Highschool na kami. Hindi ko maipaliwanag ang kaba o excitment ba tong nararamdaman ko. Ibat ibang ideya rin ang nasa isip ko kung ano nga bang pinagkaiba ng highschool sa elementary maliban sa subject, Teacher at mga kaklase.

Nauna nang umuwi sila Mama kanina may konting salo salo't handaan kasi at kailangan nilang ayusin yon dahil umulan kanina at medyo maputik ang daan at ingat na ingat kami ni Roela sa paglalakad.

"Anong klaseng kanta yan Roela!" natatawang sumbat ko habang patuloy siya sa pagkanta.

"Remix song to, Marta tsaka dapat matuwa ka pa kasi libreng kanta ko na to no! Maganda ba?" natatawang tingin niya sakin at inirapan ko naman siya ng pabiro.

"HighSchool na tayo sa pasukan! Sabi ni Nanay, sa bayan na tayo magaral! ang ibig nong sabihin magbyabyahe na tayo, Marta!"

Halos mapapikit pikit naman ako sa pagtaas taas ng boses niya na tila hindi na siya makapaghintay pa.

"Jusko yun lang naman pala!"

"Aba anong yun lang naman pala, maganda sa bayan no. Palibhasa taong este unggoy bahay ka kasi."

natatawang sumbat niya.

"abat--"

Sasagutin ko pa sana siya ng, Sabay naman kaming napapikit, ng biglang nakaramdam kami ng isang mabilis na hangin at pagtalsik ng putik sa daan, dahil sa isang sasakyang napadaan.

Pagmulat naming dalawa ng Mata ni Roela ay halos manlumo ako ng nakita ko Graduation Gift sakin ni Mama na puno na ng putik. Agad naman namang kumulo ang dugo ko bago pa man magsalita si Roela.

"Bumalik ka rito!" Galit na sigaw ko. Dahil matapos kaming madaanan nang kotseng yon ay hinay hinay na ang takbo na parang pagong.

"Mga walang modo! bastos!" inis na sambit ni Roela habang pinapagpag ang damit.

Nagulat naman kami ng biglang umandar yung kotse pabalik sa kinatatayuan namin.

"Anong gagawin natin, Roela!" bulong kong tanong sa kanya habang kinakalabit kalabit ko pa siya.

"Tatakbo na ba tayo? Isa dalawa--"

Huli na dahil nasa mismong gilid na namin ang kotse. Nanlaki naman ang mga mata naming nagkatinginang dalawa. Jusko patay ako kay Mama. Pero sila naman ang may kasalanan ! Hindi ba nila alam na may taong naglalakad at maputik ang daan.

Agad namang bumukas ang bintana sa harap ar nagpakita samin ang isang matandang lalaki. Driver siguro ito. Pero bakit wala siya sa Driver seat.

"Magandang Tanghali mga iha. Pasensya na kayo. Hindi lang siguro napansin ng Alaga ko na may naglalakad at napabilis niya ang pagtakbo. Pasensya na."

Agad namang nangunot ang nuo naming dalawa ni Roela.

"Aba Manong sa susunod magingat naman kayo! Tignan nio ang suot namin puro putik na! mahiya naman po kayo With honor patong kaibigan ko tapos uuwi kaming ganito." nakabusangot na sagot ni Roela.

"They seems White Ladies Walking in the street."

Aba. agad namang nanlaki ang mata naming dalawa ni Roela ng narinig namin ang matigas at medyo magpaglarong boses na nang gagaling rin sa loob ng kotse. Agad namang napasilip sa loob si Roela.

BETWEEN THE LINES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon