SIMULA

3 1 0
                                    


Nagpakawala ako ng isang buntong hininga habang magisang sinusuyod ang daan pauwi ng bahay.

May iilan ring magagarang sasakyan ang napapadaan.
Hindi na ako nagabala pang sumakay pauwi dahil malapit rin lang naman ang bahay namin. Tsaka gastos lang kung sasakay pa ako. Sayang ang sampung piso.

"Aba't mukhang magisa mo ngayon, Marta asan si Roela?" ngiting tanong sakin ni Aling Beth nang nadaan ko ang tindahan niya.

Ngumiti naman ako bago sumagot.

"Absent ho siya ngayon, tinulungan niya si Aling Yna sa bukid po."

Napatango naman ito. Bago umalis ay nagpaalam na muna ako sa kanya.
Sa gulang na labing isa ay nasubukan ko nang magtrabaho sa bukid. Sa tuwing sinasama ako ni Mama sa bukid ay tinutulungan ko siya kaya natututo nadin akong magsaka.

Mga Salazar ang may ari ng sinasakahan naming lupa. Masasabi kong napakabait nila lalo na yung babaeng Maputi at Maganda na dumadaan pa sa bukid kahit na mainit tila wala siyang kaarte arte sa katawan.

May Malaki ring Mansyon ilang metro malapit sa bahay, yun ang mansyon nila.
Matagal na naming gustong makapasok ni Roela doon. Gusto sana naming makita ang loob ng Mansyon o nang lugar na yon.

Ang tanging nakikita lang naman kasi namin ay ang itsura ng taas nang bahay at ang matayog na pader na humaharang para makita ang kabuuan ng loob ng paligid nang bahay.

Maging ang gate nila ay napakataas din!
Balita nga namin may malaki raw na aso sa loob sabi ng Pinsan ni Roela na nagtratrabaho sa mansyon. Kaya di na namin sinubukan pa ni Roela na pumuslit mahirap na. Ayoko pang mamatay!

Ilang hakbang pa ay narating ko na ang bahay namin. Tahimik ang lahat mukhang nasa bukid pa sila. Alas tres palang naman ng tanghali.
Maaga kasing natapos ang klase namin. Graduating nadin ako ng Grade 6. At Excited na akong umakyat sa Taas ng Stage habang isinusuot sakin ni Mama ang Medal ko.

Agad kong hinubad ang suot kong uniform at nagpalit. Pupunta muna akong bukid. Para naman makatulong ako. Baka makita korin doon si Roela.
Nang nakarating ako sa bukirin ay agad kong natanaw sila Mama sa Isang lilim ng puno. Tila nagpapahinga na sila.
Agad akong tumakbo palapit sa kanila.

"Marta!!" tawag sakin ni Roela ng nakita niya ako.

"Naexcuse na nga pala kita at May mga assignment pakokopyahin nalang kita mamaya." ngiting sabi ko.

"Abat! buti nalang at meron ka." natatawang sagot niya.

Napalingon naman ako kay Mama na nakangiting nakatingin sakin.

"Maaga po ata kayong natapos ngayon tutulong pa mandin sana ako."

"Oo nagpapahinga nalang kami anak, at tsaka di mo naman na ako kailangang tulungan pa. kaya ni mama to. Maglalaro ka lang sa putikan eh" natatawang sagot niya sakin. Napapadyak lang naman ako ng paa.

"Hay naku, sinabi mo pa Elena. Kahit tong si Roela ang putik halos umabot hanggang ulo. Di ko mawari kung naglalaro ba o ano."

"Nay naman!" sumbat na ni Roela na ikinatawa namin.

"Balita ko may magaganap daw na salo salo bukas sa Mansyon ng Salazar, nangangailangan sila ng mga serbidora." napukaw naman ang atensyon ko sa sinabi ni Mang Fred tatay siya ni Pablo kaklase at kababata din namin ni Roela.

"Aba talaga? kaya pala kanina ko pa napapansin ang mga magagarang sasakyan na napapadaan kanina. Mukhang nga anak at apo niya nga iyon."

"Mayayaman rin at mapuputi pa. laking abroad at maynila. Gwapo at Magaganda."

Nagkatinginan naman kami ni Roela. at may ngiti sa labi siyang lumapit sakin. matapos ay hinawakan ako sa braso.

"Marta rinig mo ba yon? Pagkakataon na natin para makatagpo ng prince charming at masilip ang palasyo."

Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Anong gagawin natin?"

"Magpaalam muna ako kay Nanay. Tapos magpaalam karin sa Mama mo. May pupuntahan tayo dali!" sabi nito at patakbong lumapit sa nanay niya. Ako naman ay nakangiting tumingin kay Mama.

"Ma, uuwi na po kami ni Roela." paalam ko.

"Osiya magiingat kayo."

"Opo, ma." sagot ko at agad akong linapitan ni Roela.

"Tara na, maliligo pa ako!"

Nang nakarating kami ay agad siyang umuwi sa bahay nila habang ako ay hinihintay siya sa tapat ng bahay nila sa Kalsada.

Mga Salazar siguro ung mga nakakotse kaninang napadaan ng pauwi ako ng bahay. Ginamit ko ang mga daliri ko sa pagsuklay ng hanggang bewang kong buhok. Hindi ito gaanong straight. medyo kulot sa baba.
Sabi ni Mama baka namana koraw ito sa Lola ko.

"Marta! Tara na!" Nakangiting bungad sakin ni Roela na bagong ligo pa. Agad kaming naglakad hanggang sa natanaw namin nang malapitan ang matayog na pader at mataas na gate agad kaming napatakbo ni Roela sa malawak na kagubatan sa harap ng mansyon at umupo sa malaking ugat ng isang puno.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko.

"Makikibalita lang tayo ano kaba, Marta. Malay mo!"

"Anong malay ko, ano?"

"Hay nako ahh basta!-- oh ayan may sasakyang paparating uli!" napalingon naman ako at totoo ngang meron.

Bumukas ang gate at naiwan itong bukas parin kaya kita namin ang malawak na loob ng paligid ng mansyon. May natatanaw pa akong parang fountain doon!

"Huwaw! ang ganda ng loob!" ngiting sambit ni roela.

Bumaba ang mga taong nasa loob ng sasakyan. Unang bumaba ang isang batang babae. Mukhang kaedaran lang namin yon. May maputi siyang kutis. Straight na buhok at Magandang mukha.

"Mukha siyang barbie doll ang ganda." sabi ko kay Roela.

"Maputi lang yan. Pero mas maganda ka. at mas maganda ako." sagot niya sa akin. Hindi ko naman naiwasang mapatawa ng medyo kalakasan.

"Hay nako roela!"

"Bakit nagsasabi naman ako ng totoo!" Natatawang ring sumbat niya sa akin.
Napabalik naman ako ng lingon. At halos atakihin ako sa puso ng sa muli kong paglingon ay nagtama ang mata ko sa isang lalaking nakatingin sa akin.
Kahit may kalayuan ay alam kong samin siya nakatingin. Mali. Sakin siya nakatingin.

Mayroon siyang blangkong expresyon sa Mukha. Makapal ang kilay at Matangos ang ilong niya. May kalakihan rin ang katawan niya hula ko ay nasa labing apat o lima na ang gulang niya. Maputi rin siya at medyo hawig niya ang babaeng sinabihan ko na mukhang barbie doll. Kung yon ay maganda siya naman ay gwapo.

"Marta!" agad naman akong napaiwas ng tingin at napalingon kay Roela.

"Yung niluto ko pa lang kanin sa bahay nakalimutan kong takpan! Patay ako kay nanay! baka kalikutin ng pusa yon! uwi na muna tayo!" inis na sambit niya sakin.
Muli akong napalingo sa Mansyon ng Salazar pasara na ang gate at wala narin ang lalaking doon.

"Tara na para maabutan pa natin." Yaya ko sa kanya at nagsimula na kami maglakad pauwi.

***

BETWEEN THE LINES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon