Tanguan lang aming naging sagutan ni Roela habang nagaayos na ako ng gamit ko pauwi, ayon kasi sa usapan namin ay mauuna siyang umuwi ngayong araw dahil may balak akong gawin sa Library ngayon.+
Alastres palang naman kasi ng Hapon mga bandang Alaskwatro nalang ako uuwi.
"Anong libro ang hinahanap mo, Marta?" Nakangiting tanong sakin ni Reynald habang nagtitingin ako ng mga libro. Kaklase ko siya at masasabi kong isa siya sa mga matatalino sa Klase.
"Ah magtatakenote lang sana ako sa Hekasi, di kasi ako nakapagsulat kanina at nung nakaraan." sumbat ko. Tumango naman siya at tinuro sakin ang mga aklat kung saan ko makikita yon.
Nasa dulo pala. Agad naman akong tumango at nagpasalamat bago siya tinalikuran. Nang nakarating ako roon at laking dismaya ko ng makitang nasa ikatuktok yon. Nako paano ko naman makukuha ang isang yon!
Kung pwede lang sanang humaba ang kamay ko na tila lastikman ay pwede ko yong maabot. Bakit ba kasi ang liit ko? aba! tama lang naman ang Height ko tsaka Grade 7 lang naman ako!
Tumingkayad naman ako para pilit abutin yon. Nang may naisip akong magandang ideya. Napatawa naman ako sa naisip ko at napatingin sa paligid mukhang wala namang mga estudyante sa paligid at nasa pinakadulo ako ng parte ng library. Maingat kong tinusok ang isang libro para mahulog yon sa kabila, hirap na hirap pa ako na wag gumawa ng ingay.
Nang nahulog na ang libro sa kabila ay siya ring pagkarinig ko ng isang daing. Footah! may tao ba doon? may nagbabasa bang tao kaninang nakaupo sa sahig hala! patay kang bata ka ngayon!
Agad naman akong napatakbo sa kabila at agad akong napaluhod ng makita ang isang estudyanteng lalaking sapo ang ulo na sa tingin ko ay siyang natamaan ng libro. Sa sobrang pagkataranta ko ay hinawakan ko pa ang ulo niyang nabagsakan.
"Hala! Jusko kuya sorry talaga! Akala ko kasi walang tao Hala tala---" napahinto naman ako pagsasalita nang mabilisan niyang hinawakan ang kamay ko ng kay higpit at bumaling siya sakin na tila libong nagtatakbuhang mga kabayo ang tumatakbo sa bilis ng tibok ng puso ko ang naramdaman ko. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang inis sa mga mata niya habang magkasalubong ang makapal niyang kilay na tila bagong gising lang siya.
"S-sorry po, Akala ko kasi walang ta--"
"Shut up." mariin niyang sabi habang hindi parin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napakatitigan ko rin kanyang mukha ang matangos niyang ilong ang makinis niyang mukha, talo pa ang babae sa kinis nito. Napalunok naman ako, anong gagawin niya sakin? Sasaktan niya ba ako? Babatuhin ng sangkatutak na libro?
"This is not a playground, Kid." kalmadong sambit niya habang may paskil na pag ngisi pa sa labi niya na nagpaawang sa aking labi.
Ano raw? Kid? Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa kanyang sinabi dahil totoo naman iyon bata pa ako.
"Dalaga na tayo Marta, Dalaga!" Tila umeecho naman sa isipan ko ang sinabi ni Roela. Ganon na ba ako kamukhang bata na pagkakamalan niyang iniisip kong playground ang library? Kahit nga Grade3 ay hindi iisiping playground ang library!
Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at kinuha ang librong nahulog sa gilid niya at mabilis siyang tinalikuran, hindi talaga siya pumapalyang bwisitin ako.
Dala dala ang nangyari sa library na hindi ko alam kung bakit ko pa yon iniisip ay natapos ko agad ang pagtatakenote. Nang ibinalik ko ang libro ay wala na siya roon. Aba mabuti nalang! Lumabas naman ako ng library upang makauwi na nang halos atakihin ako sa puso nang nakita kong muli ang Salazar na yon na nasa labas ng Grade 8 Classroom. Kasabay non ay ang paglabas din ng isang Magandang babae na agad niyang inakbayan.
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE LINES
RomanceThe higher you build walls around your heart, the harder you fall when someone tears them down. -- unknown