Kabanata 2
"Martaaaaa!" napangiwi naman ako sa lakas ng boses ni Roela na nang gagaling sa labas ng bahay.
Jusko! Pangalawang araw na nang nagsimula ang klase pero ganyan parin siya't tila feeling niya ay first day of class parin.
"Oo nga eto na!" pabalik kong sigaw. "Ma! alis na po ako bye!" sigaw korin habang palabas ng bahay at halos di pa nasusuklay ang buhok.
Naabutan ko naman si Roela'ng ayos na ayos. Pansin ko rin ang kulay pula sa labi niya.
"Aba aba ano yan, gumagamit kana ng lipstick ngayon." bungad ko nang nagsimula na kaming maglakad. Ngumiti naman siyat hinarap ako.
"Liptint to! tsaka uso kaya, ginagamit to ng mga estudyante sa school ngayon! Nagpabili ako kay Nanay kahapon, subukan mo rin gumamit maganda!"
Chika niya sakin, napanguso naman ako at napailing iling, hindi ko naman na siguro kailangan nang ganon tsaka ayokong kung anong nilalagay sa labi ko.
"Hindi na, tsaka dapat ay di kapa nag gaganyan! Bata pa tayo."
bigla namang napatigil si Roela at narinig ko ang tawa niya.
"Anong bata ka dyan! Balita ko dinatnan kana nung huling buwan aba!" agad namang nanlaki ang mata ko. Jusko! Saan niya nalaman yon.
"Maka ano to! ikaw nga napakaaga mong dinatnan tsaka normal lang yon!" napahalakhak naman siya.
"Kaya hindi na tayo bata! Dalaga na tayo Marta! Dalaga na." napairap naman ako sa hangin.
" 'ke bata o dalaga mas magandang natural parin ang mukha at wag kung ano anong nilalagay!" sumbat ko at saktong may jeep na dumaan sa harap namin kaya't agad kaming pumasok sa loob ni Roela.
Nang nakarating na kami sa School ay agad kaming napatakbo ng makita naming nagkalat na ang mga estudyante sa harap papuntanv auditorium ngayong araw ata ang orientation para sa mga bagong studyanteng tulad namin ni Roela.
Agad naman kaming nakisabay ni Roela. "Buti nalang at nakaabot tayo rito." sumbat pa niya sakin.
Nang nakapasok kami sa loob ay kumpol kumpol at nagkalat na studyante ang naabutan namin. May pila pa at nakahandang mga upuan para sa mga estudyante, tsaka naabutan na naming may nagsasalita sa harap at binabati kami.
Umupo naman kami sa pinakadulo ng mapansin naming may mga bakante pa roon. Nang nakaupo na kami ay nag simula na kaming makinig habang si Roela at tila hindi makapakali sa inuupuan. Kaya nahampas ko siya sa hita.
"Ano bang hinahanap no ryan!" usal ko.
"Boy Hunting." at natawa naman siya. "Charot! si Diego kasi ang sabi niya ay dito rin siya magaaral malay mo baka makita natin dito!"
"Diego? As in si Diego na taga sa atin noon?"
Agaran naman siyang napatango.
"Oo siya nga!" sumbat niya at napangiti naman ako.
Aba makikita ko nanaman ang Unggoy nayon, dati siyang taga samin at kalaro namin ni Roela pero nang nagasawa uli ung Nanay niya na taga Bayan ay sumama narin siya.
BINABASA MO ANG
BETWEEN THE LINES
RomanceThe higher you build walls around your heart, the harder you fall when someone tears them down. -- unknown