Tahimik lang akong sumusunod sa kanila habang hawak ko ang kamay ni Roela at pinaglalaruan yon. Hindi ko maiwasang tignan ang si Mandy na isang Grade 8 student mahinhin to kung ngumiti tila lumaklak ng gluta sa puti. Ay! ang sama ko naman sa part na yon. eh sa napakaputi ba naman niya kasi.+
Straight at mahaba din ang buhok niya. Tila kinain na siya ng maturity sa ganda ng pag aayos niya. Maging ako ay nagagandahan sa kanya.
"Yuhooo nakikita ko na ang ilog!" tuwang sabi ni Diego. Nagtawanan naman kami ni Roela at nagunahang tumakbo papunta doon. Pinagsawalang bahala ko na ang presensya ng dalawa naming bagong kasama.
Tinanggal naman Agad ni Diego ang kanyang T-shirt at bumungad samin ang katawan niya kaya natawa si Roela habang ako ay nagiwas ng tingin.
"Ays ba? Hoy Marteng!" tawag sakin ni Diego at dinilatan ko lang siya.
"Ayokong makakita ng katawan ng unggoy!" natatawa kong sabi na mas ikinatawa ni Roela.
"Akala mo naman!"inis pang sumbat sakin ni Diego. Nagtinginan naman kami ni Roela at Hinawakan ko naman ang laylayan ng suot kong bistida.
"Ay hoy! ano yan! maghuhubad ba kayo sa harap ko ha? Ahhh Marta! sinasabi ko na nga ba! oo na mas maganda na ang katawan mo sakin! hindi mo nakailangan pang ipakita!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Diego na hindi ko alam kung ikakatuwa oh insulto ko ba yon. Bwisit ang isang to!
Pasimple naman akong Napalingon sa likuran namin at sa paglingon kong yon ay nagkasalubong kami ng tingin ng Salazar na yon napa angat naman ako ng kilay at bumalik sa pagkakatingin sa ilog.
Nakita ko namang natanggal na ni Roela ang bistida niya nakasuot siya ng maikling short at Sando halata ko rin ang bra niyang suot yun ata yung sabay naming binili sa bayan nung nakaraan na siya ring suot ko ngayon.
Lumusong na sila sa ilog at rinig ko pa ang pagtawag nila sakin. Inabot ko naman ang zipper sa likod ng damit ko hindi ko pala to mahuhubad ng ganon nalang.
"Sandali lang!" sigaw ko pabalik at pilit na inaabot ang zipper sa likod.
"Let me help you." napatigil naman ako sa boses na yon hanggang sa unti unting bumaba ang zipper na nasa likod ko. Ni hindi ko nga ramdam ang bigat ng kamay niya roon. Nang natanggal yon at napalingon ako sa kanya at tinignan siya kasama niya si Ate Mandy na nakahawak pa sa kabilang kamay niya.
"Your such a sweet one talaga, baby." sabi pa nito.
"Salamat po Kuya." sumbat ko naman at tinalikuran sila. Ibinaba ko naman ang suot kong bistida at inilagay sa batong di ito mababasa tulad ng suot ni Roela ay nakasuot rin ako ng maikling short at Sando.
"Babae ka pala' Marteng." Natatawang sagot sakin ni Diego ng naglakad na ako papalapit sa kanila.
"Mukha ba akong lalaki ha! ha!" at winisikan ko siya ng tubig.
"Nakakainis ang puti parin ni Marta kahit na parehas naman kaming nababad sa initan ang daya!" inis na sabi ni Roela habang nakahiga pa isang bato doon. Natawa naman ako.
"Aba maganda naman ang kutis mo, morena!" pabalik kong sambit.
"Nako para walang away mas maganda ang kutis ko." natatawang sabat ni Diego. At sabay namin siyang winisikan ng tubig.

BINABASA MO ANG
BETWEEN THE LINES
RomansThe higher you build walls around your heart, the harder you fall when someone tears them down. -- unknown