MPMMHM 1

437 13 2
                                    

--

STEPHANIE CHUA

"At bakit ngayon ka lang Ms.Chua?" Bungad kaagad sakin ni Sir Marlou, ang baklang boss namin.

"Sorry sir."

Umagang-umaga umaalingawngaw nanaman yung boses.

kakapasok ko lang bunganga nanaman niya ang bubungad sakin. Ang sweet ng pag go-good morning niya noh? Ha ha ha. Note the sarcasm please. Tss.

"Sorry sorry! Tsss. Bilis umalis ka na sa harapan ko at pinapainit mo ang aking ulo. Jusmiyo! Aatakihin ako ng puso sainyo." Hina-highblood na sabi ni sir Marlou saakin at saamin.

Lagi naman siyang high blood. Kung maiitatanong niyo lang po.

"Atakihin na sana siya." Bulong naman ni Jared habang papaalis ang baklang boss namin.

"Ang hard mo naman Jared kay sir Marlou." Sabi naman ni Kim.

"Uy Steph! Okay ka lang? Pagpasensyahan mo na si sir Marlou hindi ata sinipot nung ka-date niya eh. Hahahahaha." Sulpot ni Anne sa tabi ko habang tumawa tawa na parang wala ng bukas.

Bruha talaga tong babaeng to.

"Mas hard ka naman kay Jared, Anne." Sabi ko nalang kay Anne.

Grabe talaga sila. Ang hard nila kay sir Marlou. Parang hindi nila boss.

"Sakto lang. Hihihi. Pero teka kung ganunin ka ni sir Marlou parang alipin ka lang dito. Tsk. Naku kapag nalaman lang talaga niya na ikaw ang anak ng may-ari ng Chua's Corporation tameme yun."

"Shhh. Wag ka ngang maingay baka may makarinig pa sayo." Pagpapatahimik ko kay Anne.

Baka may makarinig pa saamin at may makaalam pa. Patay na kung nagkataon.

Siya lang kasi ang may alam na ako ang anak ng may-ari ng Chua's Corporation.

Gusto ko kasing mamuhay ng simple at ayaw kong mamuhay ng marangya.

"Oo na po. Zipper ko na tong mouth ko." Sabi niya with matching hand gesture pa ah. Nasisiraan na talaga siya ng ulo.

"Pero alam mo parang may tinatagong insecure sayo yun. Di mo ba nahahalata? Kahit isa ka sa pinaka best photographer dito ginaganyan ka pa niya. Diba? Ganda mo kasi eh." -Anne

"Hindi natin alam baka naiistress lang kasi maraming trabaho or minemenopose na kasi patanda na siya. Hahahahha at tama na ang bola wala ako sa court para paglaruan okay?" Pagsagot ko naman sa mga sinabi ni Anne.

"Yung totoo sino ang hard satin? Tsaka maganda ka naman talaga eh. Simple yet gorgeous! Oh diba? Libre ka naman oh! Kahit dyan lang sa bonchon. Hahahaha."

Ay baliw! Akala ko totoo na. Papalibre lang pala.

"Ginagaya lang naman kita. You know we're best friends kaya dapat parehas tayo. Dibuuuh? Libre ba kamo? Sige pagkasweldo, libre kita basta libre mo din ako." Nakangisi kong sabi sakanya.

"Yaman yaman mo napaka kuripot mo *pout* Tara na nga at baka may magbuga pa ng apoy dito." Pag-aaya na ni Anne sakin.

Gaga talaga to.

Habang naglalakad kami patungo hell I mean patungo sa office namin. Biglang may sumisigaw na parang baliw. De joke lang. May sumisigaw lang naman ng oh-so-precious-name ko.

"Ms.Stephanie! Ms.Stephanie!" At dahil maganda ako. Hindi ko muna pinapansin. Bwahahaha.

"Ms.Stephanie Chuaaaaa!" At dahil masyado ng lantaran ang oh-so-precious name ko.

Hinarap ko na ang lalaking kanina pa sinisigaw ang oh-so-precious-name ko.

"Uhm yes?" Tanong ko nalang dito. He looks familiar. Parang nakita ko na siya, I think so?

Naka parang men in black siya eh. Ke-init na kasuotan. Nasa antartica lang ang pegg natin koya? Tsong nasa pilipinas ka!

"Haaaay thank you Lord!" Huh? Pinagsasabi nito? Nababaliw na ba siya?

"Excuse me?" Napataas niya talaga ng bongga yung isa kong kilay.

"Good morning young lady nandito po ako para sunduin kayo." Nakayukong sabi ng lalaking ito saakin.

At dahil matalas ang aking memorya agad ko siyang nakilala.

Isa siya sa butler nila papa or should I say isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng husto ng aming pamilya. Siya ay si Butler Steve? I think.

"Susunduin? Ako? Bakit? Anong meron?" Sunod sunod kong tanong kay Butler Steve.

"Pasensya na po young lady pero hindi ko po alam. Pinapatawag lang po kayo saakin ng inyong ama." Mahinahon at magalang na pananalita ang tono ng boses ni butler Steve.

Ano kayang meron at kailangan pa akong ipatawag nila papa?

"Okay sandali lang at magpapaalam ako sa aming alagang baklang dragon." Sabi ko nalang.

"Baklang dragon? Pfffft. Hahahaha." Tatawa-tawang sabi ni Anne sa gilid. Abnormal talaga!

"Tawa ka dyan Anne? Nasisiraan lang ang pegg?" Pagtataray ko sa aking matalik na kaibigan.

"Hahahahaa. Hindi ah. Sige bye na! Ihanda mo na ang sarili mo sa sasabihin ng baklang dragon." Sabi ni Anne habang umaalis ng tawa ng tawa.

Baliw talaga ever.

--

"Sir excuse me po. Pwede po ba akong mag-leave ngayon lang. May emergency po kasi sa mansy-- b-bahay." Syet muntik na kong madulas. Whoooo!

Nandito na ako sa office ng baklang dragon na to na muntik ng maging baklang dinosour.

"Are you kidding me Ms.Chua?"

"Do I look like I'm joking sir?"

Ooooops! Di ko napigilan yung bibig ko at nasagot ko ng pabara si sir. Nu ba yan! Masisante pa ko dito ng wala sa oras.

Tinignan ko na ulit si sir at mukha na siyang kamatis sa kilig I mean mukha na siyang kamatis sa INIS! Oh-oh ....

"MS.CHUA!"

"I'm so sorry sir. I'm just joking. Pero yung paglileave totoo po yun." Kinakabahan kong sabi.

Nakakatakot kasi. At baka magbuga to ng apoy. Ayoko pa namang mamatay kaagad. Marami pa kong pangarap at plano sa buhay. Magkakaanak pa ko. Eh? Anak agad? Diba pwedeng hanap muna ng lalake? Lalakeng magmamahal at mamahalin mo sa tanang ng buhay mo. How I wish ....

"Ughhh! Kakapasok mo pa lang ngayon, mag li-leave ka na. Pumasok ka pa! Hays. *inhale exhale* You can leave now." Naiinis na sabi ni sir Marlou at sabay hawak sakanyang ilong na para bang kinakalma niya ang sarili.

"Thank you sir." Naka-ngiti kong sabi at dere-deretso ng umalis. Baka magbago pa isip nun. Mahirap na, bipolar pa naman yun.

Habang nasa harap ako ng elevator at hinihintay lamunin ako.

Nakita kong ang daming nagkekwentuhan na officemates ko.

"Sis, dadating na daw mamaya yung *blah* *blah* *blah*" Usap-usapan nila.

Sino daw?

"Oo nga daw. For sure ang gwapo nun galing ba naman ng London."

"Kyaaaaaaah! Sana maging kaibigan natin yun noh? Tapos.... tapos.... maging karelasyon natin! We're so lucky na talaga kapag nangyari yun."

Tsk. Flirt everywhere. Napairap nalang ako sa mga inasal nila.

"Sis, nasa airport na daw yung *ting*" Biglang bumukas yung elevator at pumasok na ako.

Hindi ko nanaman narinig kung sino yung dadating.

Bumaba na ko at dumiretso sa parking lot. Naghihintay na siguro dun si butler Steve.

"Nandito na po tayo young lady." sabi ni butler Steve nung nakapasok na kami sa mansyon.

Tumango nalang ako at pinagbuksan niya na ako ng pinto at inalalayang bumaba ng sasakyan upang makapasok na sa loob ng mansyon.

Ano kaya ang kailangan nila papa?

Ms.Photographer meets Mr.Handsome ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon