--
Nandito na talaga ako.
Nanditong nandito na....
Nandito ako sa harap ng opisina ni papa dito sa mansyon.
*knock* *knock*
Kumatok muna ako bago ako nagsalita"Papa?"
"Come-in." Ngayon ko nalang ulit narinig ang boses ni papa. Nakakamiss.
Lagi nalang kasi silang busy sa work at laging wala dito sa pilipinas kaya hindi ko sila masyadong nakikita at nakakausap.
Kahit nga graduation ko nung last last month ng college di sila nakapunta.
Binuksan ko na yung pinto at pumasok.
"Pa, may sasabihin ka po ba?" Mahinahon kong tanong kay papa kahit sobra na akong kinakabahan dito.
"Meron." Maikli niyang tugon.
Hindi na muna ako nagsalita pa at hinihintay na muli siyang magsalita.
"Wala ka pa ring nobyo hanggang ngayon ija. Kaya naisipan kong ihanap ka ng lalaking iyong makakatuluyan."
Nagulat ako sa sinabi ni papa. Alam kong straight to the point siya magsalita pe-pero hindi ko inaasahan na iyon pa talaga ang kanyang sasabihin.
"P-po?" Nabingi lang ako kanina. Oo tama nabingi lang ako kanina. Mali lang yung pagkakarinig ko.
"You heard me right princess." Sabi ni papa sakin ng hindi nakatingin.
"A-ano po? B-bakit?" Nauutal kong tanong.
Hindi na muling sumagot si papa saakin.
"Bukas magkakaroon tayo ng dinner with them."
With them? Huh?
At dahil natulala ako ng hindi ko alam kung ilang segundo o minuto.
Umalis na pala sa harap ko si papa.
Naglakad na ko paalis ng opisinang iyon na parang walang buhay. Para akong zombie na naglalakad papunta sa kwarto ko dito sa mansyon.
Pagkapasok ko sa kwarto ko inilock ko na ito agad at bigla nalang kumawala ang mga luhang kanina ko pa gustong ilabas.
Bakit papa? Bakit niyo ko ipagkakasundo sa lalaking hindi ko naman mahal? Bakit?
Hindi ko namalayan na sa kakaiyak ko nakatulog na pala ako.
--
Nandito na ko sa Evan's Enterprises para magtrabaho na ulit.
Pero hanggang ngayon natutulala pa din ako kapag naaalala ko yung paguusap namin ni papa kahapon.
Masakit para saakin na kaya ka nalang ibenta or more than ipamigay ng sarili mong mga magulang.
Oo nga pala may dinner kami mamayang gabi with them daw. Sino kaya yung ipagkakasundo saakin?
Ang hirap naman maging mayaman kailangan ipinagkakasundo sa kapwa mayaman. Haaay buhay parang life.
"Steph! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Anne sakin. Natulala pala ako.
"Oo naman noh." Sagot ko ng naka-ngiti kahit sa totoo lang gusto ko ng umiyak ng umiyak.
"Anong oo ka dyan! Kanina pa ko dakdak ng dakdak dito pero halata namang hindi ka nakikinig sakin. May problema ka ba?"
"W-wala noh. Wala lang to. Ano nga pala ulit yung sinasabi mo? Makikinig na ulit ako. Promise, honesto!"
BINABASA MO ANG
Ms.Photographer meets Mr.Handsome Model
RomanceManiniwala ka ba na isang napaka-yaman at napaka-sikat na lalaki ay magkakaroon ng interes sa kanyang empleyado na isa lamang ordinaryong babae? Ay mali! Let me rephrase that. Isang napaka-sikat na photographer at anak din ng mayaman? Naguguluhan ba...