Prologo

41 9 2
                                    

Maligayang karaawan po lolo." Masayang bati sa akin ng isang batang babae na hindi ko mataandaan ang pangalan, hindi rin ako sigurado kung kakilala ko ba siya.

May bitbit siyang isang lampara na bibihira na lang makita sa panahong ito.

"Salamat sa pag bati, hija." Mahina na ako at malabo na rin ang paningin ko pero malinaw ko pa ring naalala ang lahat ng nangyari sa nakaraan ko.

"Kumusta ka lolo, Ang tanda mo na wala ka bang balak na mag pahinga?"

"Anong taon na ba?"  Tanong ko pabalik sa kanya.

"2021 na lolo."

"Napaka haba na pala ng itinagal ko rito, pero bakit narito pa rin ako?" Tumingala ako sa langit at nakita kong ang maliwanag na kalangitan.

"Matagal na nga at mahaba na ang itinigil mo rito.  Ngayon  taon ang ika isang daan at limangpu't dalawang kaarawan mo. May nais ka bang hilingin?"

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tunay kong edad alam kong hindi ko ito sinasabi sa iba sa takot na baka isipin nilang hindi ako normal na tao.

"Huwag kang mag alala hindi kita hinusgahan. Humiling ka lamang sa mahiwagang lampara at lahat ng hilingin mo ibibigay niya."

Ang batang nasa harapan ko'y masyadong mapangarapin napaka lawak ng kanyang imahinasyon.

"Sige na humiling ka na para ikaw ay mapahinga na ng payapa."

Huminga ako ng malalim. Hindi ako naniniwala sa katuparan ng hiling ngunit may isang bagay sa puso ko na nais kong matupad, isang hiling na matagal ko ng hinahangad.

"Sa lamapara mo ihiling ang nilalaman ng pusong ganit." Muli niyang pag wika.

"Maari ba akong humiling?
Maari ko bang hilingin na muling maulit ang aming kasaysayan? Maari ko pa bang maitama ang mga maling nagawa ko?"

"Bakit hindi? Sige ihiling mo na"

"Nais ko lang naman na muling makita ang kinang ng kanyang mga mata, nais ko lang muling marinig ang kanyang tinig at masilayan ang munti niyang ngiti."

Maari bang mapagbigyan...

"Ang Natatangi kong Hiling"

AN

Binago ko napo ang buong kwento nito kaya inalis ko na muna ito. Sa mga susunod na araw maaring mabasa n'yo ang unang kabanata nito.

Natatangi Kong HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon