NKH 6

0 0 0
                                    

Maramaing salamat po sa LasPiñas Local Historian para sa pagbabahagi ng ilang mahalagang impormasyon.

† † † †



"Consuelo! "

"Dios ko pong mahabagin!"

Wala akong maintindihan sa nangyayari sa paligid ko. Tuluyan na akong nalunod sa kadiliman.

Hindi ko alam kung kaninong bahay ito o kung nasaang lugar ako. Nasa Sta Luisita pa ba ako? Isa ba ito sa mga kwarto na nasa itaas ng bahay ng Lola ni Ashley?

I don't know. Ang ganda ng kwarto halatang makaluma. Brown na kahoy ang dingding walang pintura. Kapiz ang bintang malaki nasa kanang bahagi ng hinihigaan ko. Maging ang higaan ko hindi ganoon kalambot. Pakiramdam ko nakahiga ako sa sapin na may bulak sa ilalim.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa kaliwa ang pintuang naka sara. Walang masyadong gamit dito sa kwarto maliban sa isang lamesa pabilog sa tabi ng higaan at dalawang upuan.

Abala ang sarili kong mga mata sa palilibot sa loob ng kwarto nang bumukas ang pinto. May sumilip na babae roon na mukhang nagulat pa ng makita ako.

" Señor, gising na po siya!" sigaw ng babae tuluyan na siyang lumabas. May kakaiba sa itsura niya na hindi ko mawari.

Hindi lumispas ang dalawang minuto, may lalake namang pumasok sa kwarto kung saan naroroon ako. Nakasuot siya ng white coat, white slacks, at whute shoes. Kulay cream naman ang neck tie niya. Maayos na nakasuklay ang kanyang buhok kung wala lang siyang stethoscope na nakasabit sa leeg iisipin ko talaga na pinsan niya si Agent x44.

Mula sa bulsa ng lalake may kinuha siyang maliit na flashlight. Pinabalik-balik niya iyon sa mata ko, tulad ng ginagawa ng mga duktor kapag chine-check nila ang kanilang pasyente.

" Kumusta ang iyong pakiramdam, Binibini?" malamig ang boses na tanong niya. Kahit nagtataka ako sa terms na ginamit niya-binibini- pinakiramdaman ko pa rin ang sarili ko. Wala naman akong nararamdam na kakaiba sa ktawan ko. Sa kanila lang meron. Ang weirdo kasi nila.

Tulad na lang nitong mga tao na nakapapasok pa lang sa pinto. Naka-suot siya ng barong tagalog. Mukha siyang mayor na dadalo sa isang mahalagang pagtitipon. May hawak pa siyang tungkod na na gawa sa kahoy at may suot suot na sumbrero na tulad ng kay Rizal. Ang babaeng kasama naman niya ay nakasuot ng pang- Maria Clara'ng damit.

Ano bang trip ng mga taong ito? December pa lang ah. Bakit naka-buwan ng wika na sila?

Pinilipi ko na lang huwag pansin ang tarasa nila. Hinarap ko ang lalake o duktor na nagtatanonh sa akin . " Wa-" naputol ang sasabihin ko nang maramdaman kong mahapdi ang lalamunan ko. Parang namamaga. Kahit wala naman akong nararamdamang sakit, pero ngayon mayroon na.

" Ano'ng lagay ng aking anak, Ginoong Bustamante?" tanong ng lalake na naka-barong tagalog. Teke sinong anak? Wala namang ibang pasyente rito maliban sa akin. Ako ba ang tinawag niyang anak?

" Wala na po kayong dapat ipag-alala, Señor. Ang inyong anak ay nawalan lamang ng boses dahi sa marami siyang nainom na tubig alat.

Ano'ng tubig alat? Sa pagkakatanda ko, nalunod ako sa ilog at hindi maalat ang tubig doon. Medyo manamis-namis pa nga.

"Babakit rin ang kanayng kakayahan sa pagsasalita kung mabibigyan siya ng sapat na panahon upang makapagpahinga." dagdag pa ni Ginoong Bustamante.

" Ayon sa unang duktor na sumuri sa kanya, maari daw na magkaroon ng problema sa memorya ang aking pamangkin." saad ng babaeng naka-Maria Clara'ng damit. Salitan ang kanyang tingin sa akin at kay Ginoong Bustamante.

Natatangi Kong HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon