NKH 5

0 0 0
                                    


~•Kasalukuyan•~


" Maligayang pagbabalik sa Sta Luisita... "

Ano raw?

Pagbabalik?

Ako?

Nagmalik?

Wait first time ko pa lang nakaapak sa probinsya nilang ito. O baka naman nabibingi lang ako. I-co-correct ko sana ang Lola nila kaya lang bugla siyangnagiwas ng tingin at binalingan ang mga apo niyang daig pa ang sasabak sa giyera kung magtalo.

" Halika kayo. Sumunod kayo sa akin sa kusina. Gumawa ako ng espesyal na ensaymada." saad ng Lola nila. Nagulat pa ako ng bigla akong hawakan ng matanda sa braso. Magaan ang kamay niya at may kaonting init. Ngumiti sa akin ang matanda na para bang inaanyayahan niya ako't hindi ako maaring tumanggi.

" Ayown. Miryenda!" masiglang saad ni Bj. Nauna na siyangng maglakad patungo siguro sa kusina.

" Oy! Paraan sa amin 'yan," humabol naman sa kanyan si Ashley. Nasalikod lang kaming dalawa ng Lola nila na nakakapit pa rin sa braso ko.

" Hanggang ngayon ang damot mo pa rin." angil ni Bj.

" E' nandito ka lang naman. Sigurado akong laging kang nakakakain ng mga niluluto ni Lola." bwelta naman ni Ashley

" Ah. Basta kakain ako." si Bj, ulit.

" Ganyan silang mag-bonding mag-pinsan. Akala mo'y hindi magkasundo, pero hindi naman sila nakakatulog sa gabi hangga't hindi nila nakakausap sa telepono ang isa't isa." saad ng Lola nila habang nakangiti sila pinagmamasdan.

Ngayon ko lang nalaman na sobrang close pala ni Ashley sa pinsan niyang nakatira dito. Na kahit hindi siya umuuwi sa probinsya nila may contact pa rin siya sa kapamilya niya rito. Ang sweet. Nakakainggit.

Dinala kami ng mga paa namin sa isang napakagandang kusina. Kung kanina purong brown ang nangungunang kulay sa sala nila. Dito naman sa kusina nag-aagaw ang itim at puting kulay. Puti ang wall, puti rin ang tiles ng floor pati ang tiles sa sink, kitchen counter ay puti rin maging ang kisame hindi nakaligtas sa kulay puti. Ang lamesa nasa gitna naman ay itim. Itim din ang tatlong high buffet chair na nasa gilid nito ang building cabinet, ang bintana at dalawang pinto.

May binuksan na black wooden cabinet ang Lola nila. Nagulat pa ako ng makitang may liwanag na lumabas mula roon may kasama pang usok. Ano 'yun ref?

Nahahalata siguro ang pagkamangha sa itsura ko dahil sinagot ni Bj, ang tanong na nasa isip ko lang.

" Pina-customize ni tito William ang ref na iyan. Kaya nagmukhang building cabinet, pero ref talaga iyan." nakanganga akong tumatango sa sinabi niya. Tinutukoy niyang tito William ang Daddy ni Ashley.

Sumunod naman ay binuksan ng Lola nila ang isang may kaliitan na pintuan sa building cabinet pa rin. Hindi na ako nagulat ng makitang may microwave oven doon. Isinalang ng matanda ang hawak nilang plato sa loob ng microwave at makalipas ang ilang minuto ng tumunog ang ding sounds nilabas nila ulit iyon doon.

Para naman kaming mga batang paslit na nakaupo sa upuan sa kusina. Mukang kaming magkakapatid na nag aabang sa pagkaing ihahain sa amin ng aming ina.

Mainit pa ito ng ihain sa amin kaya't umuusok-usok pa. Malaki iyon halos kasing laki ng plato hinati sa tatlong bahagi at binigay sa amin na nakalatag sa isang medyo may kalakihang platito. Kinuha ko ang tinidor sa gilid ko at nang tikman ko ang espesyal na tinapay. Pakiramdam ko dinala ako noon sa malayong lugar. Mayapa, masaya at nakakaaliw na lugar. Nagtatalo ang alat ng keso, tamis ng asukal sa ibabaw ng malambot na tinapay. Ang keso na nasa ibabaw nito'y natutunaw sa loob ng dila.

Natatangi Kong HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon