NKH 2

1 0 0
                                    

               

               ~•Kasalukuyan•~

“ Sayang hindi naman nagpakita ‘yung sinasabi nilang gwapo na Lieutenant Colonel. Instalk ko naman sa Facebook  ‘yung dummy account na gumagamit ng mga pictures niya tapos hindi naman magpapakita!”

“Iyan pa rin pala ang concern mo, Tifie! Akala ko naman kaya lukot iyang mukha mo dahil nag-aalala ka rito kay Cassie!”

Gaya ng nakagawian sinasabayan na naman nila akong umuwi. May sundo at bantay naman sila, ngunit mas gusto raw nila na samahan akong maglakad pauwi.

Ang dahilan nila? Natatakot daw silang hanggang sa paglabas ko sa Campus sundan pa rin ako ng grupo nila Dexter. Kaya ang nangyayari ang mga bantay nila nakabuntot lang sa amin. Hindi kami nagsakay sa kotse ng kahit sino sa kanila. Nahihiya kasi ako  baka maiwan sa upuan ang amoy kong amoy araw dahil sa pawis. At bilang matigas ang ulo nilang dalawa, hindi na rin sila sumasakay sa kotse nila. Hindi raw sila sasakay kung hindi ako kasama.

“ Saan ka ba nagsuot, Cassie? Simula kanina ng lumabas sa canteen hindi ka na nagpakita. Mukhang hindi ka naman inabutan ni Dexter. Maayos naman ang uniform mo. Akala tuloy namin umuwi ka na.” maktol ni Ash. Isinandal niya pa ang kanyang ulo sa balikat ko.

“Oo nga, saan ka ba nagpunta?” segunda naman ni Tifie.

“Nagtago lang ako.” hindi ko na gustong dugtungan pa ang sinagot ko dahil alam ko naman na mas hahaba pa ang usapin kapag sinabi ko sa kanila na 'itinago ako ng isang weirdo'ng sundalo'.

“Saan ka nagtago?” hay naku naman. Wala talaga akong lusot sa mga kaibigan kong ito.

“ Sa school... sa.. faculty! Oo sa faculty. Ahh, inutusan kasi akong magbantay du'n.” pinalitan ako ng mata ni Tifie. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

“Sa faculty nga!”

“Bakit ka naman uutusang magbantay sa faculty area? Hindi ka naman guard, hindi ka rin bahagi ng OSA, hindi ka naman janitress at mas lalong assistant ng kahit sinong teacher.” dakdak niya pa.

“Ano ka ba Tifie? Syempre nasa auditorium lahat ng teacher kanina. Siguro alam nilang hindi naman manonood itong si Cassie kaya inutusan na lang magbantay du'n.” gusto kong halikan si Ash sa pagpapalusot na ginawa niya. Dahil sa sinabi niya mukhang kumbinsido na si Tifie at wala nang balak na magtanong pa.

Limang minuto ang nakalipas ng iwan ako ng aking mga kaibigan. Katulad ng dati mag-isa na naman ako sa aking maliit na bahay.

Nang mamatay si Tatay, naiwan na sa aking ang bahay naming ito dahil ako lang naman ang nag-iisang anak niya at taga-pagmana ng maiiwan niya. May taniman din noon ng palay, niyog, mangga, santol, papaya, rambutan, dalandan,  lasones  at pinya si Tatay. Iyon ang nagsilbing source of income namin nuon. Kahit seanosal lang ang kita sa mga prutas ay hindi naman kami nasasaid dahil may niyog at palayan pa kami... kaya lang, tulad ng ibang pamilyang Pilipino, hindi mawawala ang tanyag na agawan ng lupa. May mga pininsan at tiyuhin at tiyahin si Papa, na naghabol sa mga ari-arian na naiwan niya ng mamatay siya.

Ang katiwiran nila, malaki ang naging hirap nila kay Tatay kaya't may habil sila sa mga maiiwan nito. Sampung taon lang ako noon at wala pa akong kamuwang-muwang sa mundo kung kaya't wala rin akong naging laban sa kanila. Ang ending tanging maliit na bahay na may dalawang kwarto, maliit na kusina, sala, at dalawang banyo ang tanging naiwan sa akin. Mayroon din kaming mumunting taniman ng mga gulay sa likod at taniman naman ng mga bulaklak sa harap.

Hindi na nila nagawang angkinin ang bahay at lupa naming uto dahil si Nanay ko nag mamay-ari nito. Namatay ang nanay ko ng isinilang niya ako. At bago pa niya ako isilang ipinangalan niya sa akin ang lupa na ito.

Natatangi Kong HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon