NKH 8

0 0 0
                                    




Sabi nila, may ilang tao raw sa buong mundo ang magkakamukha. Maaaring magkaanak, puwede ring hindi. Pero puwede rin bang maging magkamukha ang hindi magkadugo na nabubuhay sa magkaibang panahon?

Kanina pa ako titig na titig sa portrait ni Consuelo Amore na nakasabit sa dingding sa may sala katabi ng family portrait nila. Hindi na ako natatakot na pakatitigan siya ngayon kahit pa may biglang sisigaw na, “ Huwag mo titigan baka mabuhay. ” Medyo bata pa ang itsura niya rito sa palagay ko'y nasa trese o kinse anyos pa lamang siya ng iguhit ang larawang ito. Nakasuot siya ng dilaw na baro't saya. Nakatayo sa gilid ng puno habang nakatanaw sa malayo. Sa ibaba bandang kaliwa makikita ang maliit na karakter ng baybay na ᜇ.

“ Da?” bulong ko

“ Maari din namang Ra,” sabay na umaangat ang dalawang balikat ko dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na naroroon na pala si Manang Seling, mayordoma sa Mansion ng Cerencio.

Da/Ra ang allophone na karakter sa Baybayin. Iisa ang itsura ngunit magkaibang bigkas. Katulad ng ᜇ Da/Ra, ako at si Consuelo ay may iisang mukha, ngunit magkaiba ng katauhan. Pinasadahan ko ng tingin ang malapad na dingding. Hindi lang portrait ni Consuelo ang naroroon mayroon din ang mga kapatid at mga magulang nila. Ngunit tanging ang larawan lang niya ang may Baybayin sa ilalim. Mukhang iyon ang lagda ng gumuhit sa larawan niya.

“ Sino po si Da o Ra?” kuryosong tanong ko.

“ Hindi ko rin alam, hija. Tanging ikaw lang ang nakakakilala sa kanya.” nilingon ko ang mayordoma. Hindi pa naman siya ganoon katanda at na palagay ko ay kaedaran lang siya ni Don Timoteo o mas bata pa. Nakatitig lang siya sa portrait ni Consuelo.

Si Consuelo lang ang nakakakilala sa kanya?

“ Noong hindi ka pinadadala sa Kumbento sa Cebu ay may nagpapadala na niyan dito,” panimula niya. Napansin niya siguro ang pananahimik ko. “ Marahil ay hindi mo na natatandaan dahil sa karamdaman mo. Ngunit noon labis kang nasisiyahan kapag may dumarating na pinta rito para sa iyo. Hindi namin siya kilala at ang lagi mo lamang na sinasagot kapag ikaw ay tinatanong tungkol sa kanya'y sinabi mo lamang na siya ay tagahanga mo.”

Marami pang larawan si Consuelo na ipininta. Ang iba ay nakatago sa kanyang silid, sa ilalim ng kama, sa likod ng aparador, sa likod ng pinto, at sa silid kung saan siya nagbibihis. Lahat iyon ay nakita ko kanina nang dalhin ako roon upang sandaling magpahinga. Kung titingnan ang mga larawan. Mukhang iginuhit iyon ng palihim. At sa halip na matakot si Consuelo sa tagahanga niya'y natutuwa pa siya. Kung ako iyon baka hindi na ako lumabas ng bahay. Nakakatok kaya ang gano'n. Ang creepy. Ibang iba talaga siya sa akin.

“ Hindi ka pa rin ba nakakaramdam ng gutom?”  malambing ba tanong ni Manang Seling sa akin. Kanina ng dumating kami buhay sa maghapon na biyahe ay siya ang unang sumalubong sa amin. Mangiyak-ngiyak pa siya ng makita ako. Paulit-ulit niya akong niyakag sa hapag para daw makakain na ako, pero sinabi ko na, “ako'y hindi pa nakakaramdam ng gutom.”

Pinasyal niya ako buong kabahayan kasama namin ni Pacifica. Mayroong anim na lwarto sa itaas. Tig iisang kuwarto ang mag-aama at isang opisina ng Don. Mayroon ding opisina at library dito sa ibaba, azotea, balkonahe, malawak na sala kung saan ginaganap ang mga pagtitipon. May mamagarbo ring haggafan paakyat sa itaas. Ang lutuan ay nasa ibaba rin maging ang palikuran palikuran. Ang bawat kuwarto ay silid na pwedeng gamitin liguan ngunit walang inidoro mag-aakyat lang ng arinola upang may magamit na ihian.

“ Ano po ba ang nakahain sa lamesa?” tanong ko ng hindi nililingon si Mamang Seling.

“ Aba! Kami'y nag-letchon ng isang buong baka. Paburito mo iyon kaya iyun ang ipanaluto ko,” parang bigla nga akong nagutom. Naiinmagine ang isang buong lechong baka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Natatangi Kong HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon