CHAPTER 25

106 4 0
                                    

JAM'S POV

Pinagpatuloy nalang namin ni besh ang pagshoshopping kesa naman umuwi ako at magmukmok sa bahay.

Nah, not worth it. Bakit ko naman gagawin yun. Aaliwin ko na lang tong sarili ko sa pamimili para na rin medyo makalimot. Huh, makalimot? nubayan parang nagkahiwalay naman kami no. Baliw.

Pinatay ko muna cellphone ko para walang istorbo.

Nasa botique kami ngayon at namimili ng mga damit. Yiee ngayon lang ulit ako namili ng marami. Stress reliever talaga to eh.

"Ay sorry po"

"JAM is that you?" may nabanga kasi akong babae eh. Kyaahhh and it's Hope, one of our closest friends in college.

"waahh. Bebe Hope, ikaw nga. Gumanda ka pa lalo ha. Nasan na yung dalawa? Kamusta?" tanong ko kasi may kapatid pa to eh. Actually triplets sila.

Sina Hope, Freedom and Peace. Ang triplets na hindi magkakamukha. Kami ang magkakasama dati. Ang cool nga eh, famous kami dati dahil na din sa mga pangalan nila na parang may pinaglalaban,

Nagkahiwalay lang kaming apat nung kinailangan nilang mag-migrate sa Korea para sa kanilang family business doon. Half Koreans din kasi sila kaya ganun.

"oh yan na pala sila eh. Kyaah hi bebe Nath-nath. How are you?" niyakap niya si Besh ng makita eto.

"Gosh reunion na ba to mga bebes?" sabi ni Peace sabay tawanan kami.

"oh my, then it's a call for celebration? Bar tayo guys, sige na plith" si Freedom yan. As usual suki talaga sa mga bar yan. Party goer.

"Nah hindi pwede Free, may curfew kami ni JAM. Haha" si besh yan. Actually siya lang naman talaga ang may curfew, nandadamay lang. Dumating na kasi parents niya galing Paris.

"aish. Mga manang as ever. Explore din kayo minsan." si Free yan

"Loka ka. Manang ka diyan. Sa ganda naming to? Asa Free." ako yan

"oh basag ka Free no? Kain na nga lang tayo, treat mo Free. Marami ka namang pera eh." Si Hope

"yah right nasakin lang naman allowance nating tatlo no."

Ayun na ng nagtungo na kami sa starbucks.

Ang dami-dami naming napagkwentuhan. Niyayaya nga nila kaming dumalaw at mamasyal daw sa Korea one time eh.

ipapakilala daw nila kaming dalawa ni besh sa mga kaibigan nilang Korean pop superstar.

Sa una hindi talaga kami naniniwala ni Nath sa mga kwento nila. and to prove us wrong, tinawagan ni Free si Kang Minhyuk ng cnblue/ my ultimate super duper crush.

Kyahh, I don't know what to say. Nag-hi siya sa akin. kyaaaah. Grabe ang cute-cute lang kasi niya eh. Hindi ko na naintindihan yung iba niyang sinabi dahil Korean language na gamit niya. Ayun pagkatapos non, hindi na ako nakausap ng matino. :)

Dahil sa masayang kwentuhan namin, hindi na naming namalayan na gabi na pala.

I turned my phone on pagkalabas namin ng mall. as expected tadtad nga ng messages ang inbox ko at galing lahat kay Jonnathan. Hindi ko muna pinansin iyon, mamaya na lang.

Uuwi na ako and back to reality. Ang katotohanang may problema nga ako sa relationship namin. Haist.

Hinatid ko muna si besh sa kanila bago dumiretso sa bahay.

Yes sa bahay ako tutuloy ngayon. Ayoko ngang manatili sa condo. For sure nandon yung mokong na yun no.

"yaya, nandito na po ako. Pwede pakipasok ng mga pinamili ko?"

"upu ati. Ay nga pala ati mi bisita ka pu sa luub. Naku kaninang tanghali pa diyan yan ati eh."

"sino daw po ya?"

"Junatan daw pu ati. Inpernes ati, gwapu pu ati ha." ngumiti na lang ako. Bago lang kasing yaya si Lily kaya di pa niya kilala si Jonnathan. Tss

So this is it na nga ba? Pag-uusapan na talaga namin yung nangyari kanina? Gusto ko sanang takasan yun hanggang sa makakaya ko eh pero siya na ang lumalapit. tss. Nubayan.

Gusto ko din sanang mapag-isa ngayon para makapag-isip kahit saglit lang.

Sige na nga kakausapin ko na nga lang.

Eeeeeee, gusto ko nga kasing magpag-isa eh. Kulet

Hay bahala na nga lang..

==============================================

A/N: Sa wakas nakapag-update rin. Ilang beses ding nag-edit thru cp pero ayaw tanggapin ni watty.

Dito lang pala ako sa office makaka-edit eh. hahaha.

my FIANCE for real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon