CHAPTER 16

168 7 0
                                    

JAM’S POV

Hay ano ba to, ang sama ng pasok ng lunes ko. Palagi nalang ba kami mag-aaway? Baka hindi kami meant to be eh. Kaasar naman eh.

"ahem, I smell something fishy! May hindi ka ba nakukwento sakin ha JAM?"

"huh? A-ah ayun ba? Pwede bang mamayang lunch break ko na lang ikukwento, magtrabaho muna tayo." walang gana kong sagot kay Nath, sorry besh gusto ko lang munang mapag-isa.

Hay lunch break na namin. Ang bilis ng oras, wala pa ata akong natatapos na trabaho eh. Tulala lang ako sa table ko. Kung palaging ganito ang magiging epekto ng pag-aaway namin aba'y dapat na ata akong makipagbati.

Nababaliw na ako dito eh, nakatingin lang ako sa cellphone ko at inaabangan kung may darating mang text o tawag mula kay Jonnathan pero wala eh. Nakakafrustrate na tuloy.

"besh, lunch na tayo. Baka malipasan ka ng gutom diyan eh, masama pa naman epekto sayo non."

"ah oo saglit lang aayusin ko lang gamit ko"

Nasa isang restaurant kami ni Nath para kumain. Sa tapat lang ito ng building namin. Dito kami palaging nakain ni Nath eh, simula pa nung unang araw ng trabaho sa agency namin. Kilalang-kilala na nga kami dito, kumbaga mga suki na kami.

"so you wanna spill it out?" basag ni Nath sa katahimikan namin. "Bout you and that guy outside the building this morning?" alam kong seryoso na siya niyan, kasi nag-e-english na siya eh.

Wala na akong nagawa kundi ikwento lahat-lahat sa kanya. I know that she's one of the most inquisive persons I know. Kung anong gusto niyang malaman, hindi ka niya tatantanan hanggang makuha niya lahat ng impormasyong kelangan niya.

"kyyaaaahh" pigil niyang tili para hindi kami maka-agaw ng atensyon sa restaurant. "grabe besh, nakakakilig naman pala ng love story niyo eh. How I wish I was there para mapanood ko din lahat ng mga efforts niya." andami na niyang palo sa akin. Grabe naniniwala na talaga ako sa sinasabi nila na dapat lumayo sa kaibigan mong kinikilig at lunatic dahil palo at hampas lang ang maidudulot neto sayo.

"Nath, tama na masakit na sa braso eh." hinimas-himas ko pa nga dahil parang namanhid na.

"grabe besh, siguro kung may fansclub lang kayo ako na ang magiging presidente non."

"Malabo na besh, tignan mo nga ke bago-bago palang namin nag-aaway na agad kami."

"Ano ka ba besh, part yan ng relasyon niyo. Malay mo may benefit din pala yang pag-aaway niyong yan. Tiwala lang besh, palamigin mo muna ulo niya." :)

"besh, alam mo ngayon ka lang nagkaroon ng sense kausap. Infairness" :)

"awww, ay grabe nakakahiya naman sayo no? Perpekto eh."

"haha, thank you bestfriend"

"saan?"

"pinagaan mo kaya feelings ko. Kahit pala ganyan ka, may tulong ka pala sa akin" :p

"ay grabe talaga. Napakasama mo, ay teka lang bago magkalimutan, wala ba akong pusulubong diyan?"

"ay oo pala, nakalimutan ko na tuloy ibigay sayo. Nasa table ko,  kunin mo nalang mamaya."

Nagpatuloy ako sa aking mga trabaho. I set aside my problems for a while para matapos ko lang tong mga requirements na dapat kong ipasa mamaya sa boss namin. Aish 5o'clock na pala, hindi ko man lang napansin. Kailangan ko ng ayusin tong mga gamit ko.

my FIANCE for real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon