JAM'S POV
Ano ba yan, anong petsa na pero heto ako at clueless pa rin sa 'JONNATHAN KO'. Eh paano ba naman nahihiya akong magpainvestigate sa PI ng mga Mercado eh. Baka mamaya asarin lang nila ako.
At ang susi ko na lang ay ang facebook na kung saan gabi-gabi na nga ata ako kung makapagresearch ng name niya eh pero ang result? WALA BOKYA pa din.
Kasi naman ang liit ng probability na mahanap ko siya doon. Anya nga ni besh mayroon lang akong 0.000001% na pag-aasa and I need to grab it. Malay ko, malay mo MALYSIA! Ay djkl ang korni ko na. Tama na JAM. Saway ko sa sarili ko.
Nga pala its already two weeks mula ng mameet ko siya sa hotel at excited na akong bumisita sa mga grandparents ko. Yiieee. Kaya 'NO JONNATHAN' muna ako. Pupunta kaming probinsya particularly sa La Union at syempre kung may La Union may beach. Super excited na talaga ako lalong-lalo na sa San Juan kung saan pwedeng magsurf.
Masaya ako kasi pinayagan na ako nila mama na i-try iyon. Eh kasi naman mula nung bata pa ako pinagbawal nila sakin ang magsurf dahil sa muntikan sa daw akong mawala noon.
Diba, anong pakialam ng pagkawala ko sa pagsusurf? Like duh, ni-report ba naman ako sa mga police eh bumili lang naman ako dati ng dirty ice cream sa tabi pero kung mag-alala at panic sila akala mo nawala na ako ng ilang araw. Kaloka kaya yun at sobarang nakakahiya. Sana lang wala nang makakilala sa akin doon.
"JAM anak tara na aalis na tayo!" sigaw ni mama mula sa baba.
"Opo ma pababa na po ako. Pakisabi kay manong Ely pakuha ng mga maleta ko ma." Sigaw ko din pabalik sa kanya.
"O sige bilisan mo na."
"Ilang maleta ba ang dala mo at kelangan mo pang magpatulong kay Ely anak?" tanong ni papa pagbaba ko sa sala.
"Tatlo lang naman po eh" ngumiti ako sabay kamot ng ulo (n_n)
"TATLO? And dami naman non anak eh tatlong araw lang naman tayo don eh" gulat na tanong ni mama pagbalik niya galing sa kusina.
"Kaya nga po ma, tatlong maleta para sa tatlong araw na bakasyon." !(*-*)! Tuwang tuwa kong sabi sa kanila.
"Hay bahala ka na nga" sukong sabi nila sa akin at nagtaas pa ng dalawang kamay tanda ng pagsuko nila. Oh diba nakakatuwa talaga sila ang supportive.
Sinuot ko na lang ang aking headset habang nasa biyahe kesa makinig sa aking magulang tungkol sa aming business. Wala talaga kasi akong interest kapag business na ang pinag-uusapan nila.
"Ahm anak, kilala mo ba yung tagapagmana ng mga Austin, yung nangungunang company sa Pilipinas?" tumango na lang ako kahit hindi ko siya kilala, inaantok na kasi ako eh "Siya kasi yung magiging abhsjkgsdsag mo, okay lang?" tumango na lang ulit ako kahit na hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ni papa. Bahala na nga. At ayun nga nakatulog na ako.
~~~~~~~~
Hayyy fresh air sa wakas *inhale, exhale* iba talaga ang hangin ng probinsya no. Yeah, we already arrived at my grandparents' house sa hacienda din nila. Dito muna kami magsstay ng tatlong araw, malaki naman tong bahay eh. Mansion na nga ata. Sa ikatlong araw pa ang kaarawan ni lola at sa beach namin iyon icecelebrate. Bukas naman gaganapin ang aming family reunion.
Sa buong maghapon, nagpahinga lang ako at mamasyal sa bukirin kasama ng aking limang pinsan. Kilala ko na sila Ana at Mafe na dito na lumaki sa probinsya at sina Angel, Hanna at Kyla naman ay ngayon ko lang nakilala. Galing din daw silang Manila kagaya ko.
Sina Ana at Mafe ang nagsilbing tour guide namin dito sa hacienda habang sila mama ay naiwan nalang sa mansion at nagpahinga. Palibsaha mga matandaers na eh. Hahaha *(^o^)* natawa na lang ako sa iniisip ko.
Sobrang nag-enjoy ako sa pag-gagala namin. Ang dami nga naming pictures eh at mamaya mag-a-upload na ako. May pictures kami sa bukid pati na rin sa bundok kung saan sumubok akong umakyat ng punong mangga na may tree-house sa taas. Sa may tree-house na lang kami nagkwentuhan ng kung anu-ano. Ang dami ko ngang nalaman tungkol sa kanila eh. Parang naging magbe-bestfriends na kami kahit ilang oras pa lang kaming magkakakilala.
Bumalik na kami bago pa lumubog yung araw. Mahirap na raw kung gagabihin kami sa daan eh. Naghapunan na kami at dumiretso sa kanya-kanya naming kwarto ang nagpahinga na.
~~~~~~
Kinabukasan, ginising ako ni mama ng sooobrang aga. Alas sinko pa lang ng umaga nang bulabugin niya ako sa kwarto ko eh. Iba talaga pag sa probinsya, ang aaga kung gumising. Bumaba na ako ng dining at kumain ng breakfast.
"Ate JAM gusto mong sumama sa amin mamaya sa mall? Bibili tayo ng mga lulutuin mamaya para sa reunion?" ani ni Ana
"Kaya nga JAM, kaming apat din pupunta. Bonding ulit tayo parang kahapon." Dugtong naman ni Kyla.
"O sige ba. Anong oras ba tayo gagayak?"
"Mamayang eight siguro ate, para fresh pa lahat ng mga bilihin." Sagot ni Mafe sa akin. Tumango-tango na lang ako para sumang-ayon sa kanila.
Nasa labas na kami ng hacienda at nag-aabang ng tricycle. Ewan ko ba sa mga to eh, may sasakyan naman pero gustong mag-tricycle.
"Excited na akong sumakay sa tricycle. First time ko kaya to." Sabi ni Kyla
"Ako nga din eh. Ano bang feeling Mafe?" tanong ni Hanna
"Parang wala lang naman, eh kasi naman parati kaming nasakay diyan kaya parang normal lang." sagot niya. "Ikaw ba JAM nakasakay ka naba?"
"Ah oo, one time nung dumalaw din kami dito. Ang exciting kaya lalo na kung nasakay ka sa likod ng tricycle o di kaya sa taas?" *(n_n)*
"Nagawa mo yun JAM? Hindi ba nakakatakot?" tanong naman ni Angel sa akin.
"Masaya siya, dapat matry niyo yun."
May dumating na ngang dalawang tricycle. Hindi daw kami pwedeng sumabit kasi baka mahuli sila ng police. Todo nguso naman yung tatlo kong pinsan dahil doon.
"Ano ba yan, bakit pa nila pinagbawal kasi." Maktol na sabi ni Angel sa amin pagkababa namin sa bayan na siya naming nagpatawa sa amin. Eh paano para siyang bata sa ginagawa niya.
"Hayaan mo na Gel. May next time pa naman siguro no." pag-aalo naman ni Mafe sa kanya.
"Gusto mo ng Ice cream Gel para tumahan ka na." pag-aasar naman ni Hanna sa kanya.
"Wag na no, pero pwede bang gummy bears na lang? Plith guyth!!!" with puppy eyes pa siya.
"OO NA LANG" sabay-sabay naming sabi sa kanya. Natawa na lang kami ulit at dumiretso na kami sa mall.
Naglibot muna kami sa mall bago nag-grocery. Ganyan kami eh dapat gala muna bago grocery. Marami pa nga kaming nabili mula sa iba't-ibang boutiques sa mall eh. Ang gaganda kasi ng mga benta nila.
~~~~~~~
Nang nasa may grocery store na kami, may napansin akong isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali...... "Jonnathan?" pero bakit siya narito? Anong ginagawa niya rito? Lalapitan ko kaya siya? Pero nakakahiya eh o kunwari hindi ko nalang siya nakita?
Ano ba yan, bakit hanggang dito ba naman siya pa rin ang nakikita ko? akala ko ba no Jonnathan muna ng three days? Bahala na nga lang.
============================================================================1
*SORRY FOR TYPOS AND WRONG GRAMMARS*
BINABASA MO ANG
my FIANCE for real?
General Fictionthe story that will let you believe in love at first sight