> 15 <

47 9 0
                                    

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

"What the f*ck?! Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo?" gulat na sabi ni Daphnie.

Tumango ako. "Yeah. Horiell is still waiting for me to come back on States." tugon ko.

"So, paano si Vale? Paano kayo?" halata ang lungkot sa mukha ni Nixie nang tanungin niya ako.

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam. Iyon nga rin ang inaalala ko eh. Si Vale... hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat." bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko kagabi kaya hindi ko napigilang maluha na lang. Pero kaagad ko naman iyong pinunasan.

Siya nga pala, nandito si Nixie at Daphnie sa bahay namin. Wala sila Mommy at Daddy, lagi namang gano'n kaya sanay na ako. Nasa sala kami at nakaupo sa mahabang sofa habang naguusap-usap patungkol sa kagabi ko pang iniiyakan.

Ang biglaang pag-alis namin ng bansa papuntang United States at ang paninirahan namin doon.

"Ang hirap ng sitwasyon niyong dalawa, sa totoo lang. Pero kaya mo na 'yan. Matanda ka na, nasa tamang edad ka na para pumili ng desisyon na gusto mo. May pera ka na at may mga sarili ka ng pundar tulad ng sarili mong condo at kotse." ani Daphnie.

Nixie tapped my left shoulder kaya napatingin naman ako sa kanya. "Alam mo? Kung ayaw mong sumama sa kanila, eh 'di magsarili ka. O kaya naman, sa amin ka muna tumira. Sigurado naman akong papayag sila Tita. Basta ako ang bahala, tiwala lang." proud na sabi naman ni Niks saka ngumiti.

"Oo nga, good idea." sabi naman ni Daphnie saka din ako nginitiin.

"Eh hindi nga daw pwedeng maiwan ako. Baka i-cut ang allowances ko kapag hindi ako pumayag sa gusto nila." tugon ko sa kanila.

"Sige, I'll talk to your Mom about this. Babalitaan ko kayo kung mapapabago ko ang isip niyang huwag ka na lang isama, Thea." hindi pa din nawawala amg ngiti sa mga labi Nixie nang kausapin ako.

Tumayo na si Nixie at umalis. Sigurado akong tatawagan na niya agad sila Mommy para payagan ako. Kilala ko 'yan. Hindi 'yan babalik dito sa gawi namin ni Daphnie hangga't hindi niya napapapayag ang parents ko. Gagawa't gagawa ng paraan 'yan. Kaya mahal na mahal namin siya eh.

Pagka-alis ni Nixie, dumikit sa akin si Daphnie. Sigurado akong may kailangang malaman ito kaya ganito ito umasta. Kilala ko rin ang isang 'to eh.

"Anong kailangan mo?" agad kong tanong sa kanya.

"Kayo na ba ni Vale?" tanong niya na siyang ikinagulat ko.

"Baliw ka ba? O baka naman nakahitit ka na ng shabu. Hindi pa kami ni Vale. Manliligaw ko pa rin siya hanggang ngayon."

"Ano?! Hindi mo pa din siya sinasagot? Kahit patago man lang?" gulat niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi pa naman sa ngayon. Kailangan ko pa lang naman siya kilalaning mabuti bago ko siya sagutin."

Tama naman ako 'di ba? Kailangan ko pa siyang kilalanin bago ko siya sagutin.

"Tss, kung papatagalin mo pa iyang panliligaw na 'yan, baka mahuli pa ang lahat. Baka magsisi ka lang na hindi mo siya sinagot." nakangising saad ni Daphnie.

"Eh sa hindi pa nga ako handang magmahal ulit. Ano ba namang pinagsasasabi mo, Dap?! Siyempre, nadala na ako sa mga pinaggagagawa sa akin ni Horiell dati. Tsaka isama mo na rin yung mga ginawa rin ng mga ex-boyfriends ko. Kung mag-isip ka parang hindi ka nagkaroon ng ex-boyfriend ah."

"Sa tingin mo ba katulad lang ng mga ex-boyfriends mo si Vale? Bakit ba ganyan ka mag-isip? Bakit ba negative thinker ka? Hindi ba pwedeng tumingin ka naman sa good side?" alam kong naiinis na sa akin itong si Daphnie dahil kahit kalmado siyang tumutugon sa mga sinasabi ko, halata ang pagka-inis sa mga tanong niya mismo.

"Alam kong hindi sila katulad ni Vale. Siyempre, nag-iingat lang din naman ako para hindi ako masaktan ulit. Parang sa dahilan mo rin dati, yung panahon na ayaw mo pa at in denial ka pa na hindi mo mahal si Vian." depensa ko sa sarili ko.

"Thea, hindi tayo parehas ng sitwasyon noong hindi pa kami ni Vian! Bakit? Hindi naman ako ipinagkasundo ng mga magulang ko na ipakasal sa hindi ko gusto ah. Hindi katulad ng sitwasyon ko noon ang sayo ngayon, Thea. Kaya kung ako sayo, sagutin mo na si Vale bago pa mahuli ang lahat."

"Guys? Nagtatalo ba kayo?" napatingin kami sa bandang harapan namin nang marinig namin bigla ang tinig ni Nixie. Nakakunot ang noo niyang nakatitig sa aming dalawa ni Daphnie.

"H-ha? H-hindi, may pinag-uusapan lang." pagpapalusot ko sabay kamot sa batok ko tanda na nagsisinungaling ako.

"Sinungaling pa more! Narinig ko nga na pinag-uusapan niyo yung tungkol sa panliligaw sayo ni Vale. May narinig ako, huwag niyo akong gawing tanga. Magsisinungaling pa kayo, huling huli naman kayo." naiiritang sabi ni Nixie sabay upo sa pagitan namin ni Daphnie.

"Sinabi ko lang naman na kailangan na niyang sagutin si Vale kung mahal niya talaga yung tao. Kawawa nan kasi kapag nalaman niya yung totoo. Naaawa lang ako kay Vale." singit na ni Daphnie sa usapan.

Nixie chuckled. "Wow ha? Kay Vale may awa ka tapos kay Thea na bestfriend na'tin hindi ka naaawa. Tanong ko lang ha? Bestfriend ka ba talaga namin o hindi? Iba-iba kasi ang kinakampihan mo. Kung si Vale lang, kaya na niya 'yon. May tiwala ako sa kanya na kaya niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para sa bestfriend na'tin. Tsk! Kung hindi pa pala agad ako dumating, baka nagsabong na kayong dalawa." aniya.

Buti na lang talaga at dumating ka, Nixie. Baka kung ano pa kasi ang masabi ko kay Daphnie kung sakaling papatulan ko pa siya. Parang ako kasi yung sinisisi niya kung bakit ako nahihirapan ngayon magdesisyon kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.

Eh malay ko ba na magma-migrate pala kami sa States as soon as possible. Hindi ko naman alam na ipinagkasundo na pala ako ng mga magulang ko na ipakasal sa pesteng Horiell na 'yan. Wala naman akong kaalam-alam ah. Tsaka hindi niya kasi alam kung paano ko hinaharap ngayon itong sitwasyon ko.

Una, galit ako sa mga magulang ko. Pangalawa, nagtatampo ako kanila. Pangatlo, naiinis ako sa sarili ko nang dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman kontrolado ang sitwasyon. At ang pang-apat, galit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Vale! Kaya paano ako magiging okay ngayon, ha? Paano?!?

*****

*****

*****

Alam kong curious pa din kayo kung sino ba talaga si Horiell sa buhay ni Thea. Pero soon, makikilala niyo rin siya. Not in this chapter pero baka sa mga susunod na chapters. Kaya abang-abang lang po!

Huwag kayong bibitaw na malaman ang bawat detalye. Bahala kayo, baka may ma-missed kayo. Sayang naman, 'di ba? Haha!

Sorry kung medyo natagalan ang update. Medyo busy lang ako pero siyempre, hindi ko naman kakalimutang mag-update para sa inyo 'noh. 'Yon lang, thanks sa pagbabasa☺️.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon