> 9 <

45 11 0
                                    

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Nagising ako sa malakas na katok muna sa pinto ng hotel room kung saan ako natutulog. Punyeta kasi yung kumakatok na 'yon kaya ayan, nagising ako.

Ang sabi ko pa naman kagabi, gigising ako ng may magandang mood pero... WALA NA! Punyeta talaga!

"Ano ba?!? Bakit ka ba katok ng katok?!? Nakakarindi ah!" galit kong sigaw.

"Eh alam kasi naming tulog-mantika ka kaya nilakasan namin yung katok ni Harley! Ano na?! Gising na! Naghihintay yung dagat. Kawawa naman!" sigaw niya pabalik. Peste ka, Hurley!

Punyetang kambal 'to! Panira ng umaga! Argh! Aaarrgghhh!!!

"Oo na! Babangon na! Mga punyeta kayo! Mga baliw!" sigaw ko pabalik.

At ayon na nga ang umpisa ng unang umaga ko dito sa Boracay. Unang umaga, kabwisitan agad ang bungad. Bwisit naman!

Padabog akong umalis sa kama ko. Pumunta ako ng banyo para umihi at para makapaghilamos na rin at makapagsipilyo na rin bago lumabas ng hotel room.

Nang matapos na ako, lumabas na rin ako agad. Pero bago 'yon, kinuha ko muna ang phone at mini wallet ko saka tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Nang makalabas na ako, pumunta agad ako sa tabi ng dagat. Pinagmasdan ko ang mga bangkang umaandar sa ibabaw ng maalong dagat. Mahangin naman kahit tirik ang araw kaya ayos lang, hindi gaanong mainit.

"Hoy, Thea!" sigaw ng pamilyar na boses sa akin. Kaya napatingin ako sa bandang likuran ko kung nasaan ang sumigaw para tawagin ako.

Si Harley lang pala.

"Bakit?" tanong ko.

"Tumawag sa akin ang Mommy mo. Pinapauwi ka na. Hindi mo daw pwedeng maging reason na kailangan mo ng peace of mind na dahilan ng pagpunta mo dito sa Boracay. Kailangan mo daw pumasok sa school bukas." halata sa mukha ng pinsan ko ang disappointment.

Totoo naman kasing nakakapanghinayang dahil isa ito sa mga gusto kong gawin. Ang magkaroon ng peaceful mind sa pamamagitan ng pagta-travel sa iba't ibang lugar.

"Sabihin mo sa kanila, ayokong pumasok bukas. Hindi naman sila bumalik dito sa Pilipinas para pakialaman ako 'di ba? Bumalik sila for their business here at hindi nang dahil sa akin." walang emosyon kong tugon.

"Bakit, 'insan? Nag-away na naman ba kayo ng mga magulang mo?"

"Nope. I just miss them pero feeling ko, kinalimutan na nila ako. Pana'y na lang kasi work, work, work. Wala naman talaga silang pakialam sa akin at alam ko 'yon, dati pa."

He sighed. "Thea, kung wala silang pakialam sayo? Eh 'di sana hindi sila nagtatrabaho para hindi ka mahirapan 'pag dating ng araw. Para maginhawa ang buhay mo paglaki mo. Para hindi ka matulad sa iba na naghihirap..." aniya.

Parang may kumurot sa puso ko nang dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa akong concern sila sa future ko o magagalit dahil nang dahil sa trabaho, nawawalan na sila ng time sa akin.

"Ayaw ka nilang makaranas ng hirap, Thea. Kaya isinusubsob nila ang sarili nila sa trabaho para kapag naging successful ang lahat ng negosyo nila Tito, ng Dad mo, magkakaroon ka na ng maipagmamalaki na kompanya na ibibigay nila sayo, ng mga magulang mo, kapag dumating na ang panahon na kailangan na nilang lisanin ang mundo." pagpapatuloy ng pinsan ko.

Para akong bata ngayon na pinangangaralan ng isang mas nakakatandang tao. Para akong bata na gumawa ng kasalanan at kailangang pagsabihan para malaman ang tama ang mali.

"Just... leave. I don't think this is the perfect time and place to talk about this topic. Just leave it on my hand." walang emosyon kong sabi.

Pagkaalis mg pinsan ko, isa-isa ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sa katunayan, nagpapanggap lang akong malakas dahil ayaw kong makita ng iba ang kahinaan ko.

Ang kahinaan ko ay ang mismong pamilya ko.

Lumaki ako sa kandungan ng Yaya ko kaya hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Gano'n rin ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Hindi ko naramdaman 'yon nang dahil sa nagtatrabaho sila at palagi silang busy.

Noon, kaya ko pang tiisin lahat dahil lagi kong pinaniniwala ang sarili ko na magiging okay rin ang lahat, tiwala lang. Pero ngayon, hindi na. Malaki na ako at naiintindihan ko na ang mga nagaganap. Tanggap ko rin naman. Ang hindi ko lang gusto ay yung parang wala na talaga akong halaga sa kanila.

Sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang panahon para maayos ang lahat. Hindi pa ako handang tanggapin sila ulit sa buhay ko bilang mga magulang ko. Not now, not soon. I don't know when.

Imbis na isipin ang tungkol doon, itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa paligid ko. Napangiti ako sa mga nakita ko.

May mga bata na naglalaro ng sand castle malapit sa dagat habang kasama nila ang mga magulang nila.

At the same time, nakaramdam rin ako ng inggit. Kaya medyo nalungkot ako bigla. Ang sabi ko pa naman, magiging masaya ako dito, pero sa tuwing nakakakita ako ng tulad ng mga ganitong scenarios, nalulungkot na lang ako bigla.

Hindi ko na lang pinansin at tumingin na lang ulit ako sa bangkang dumadaan sa ibabaw ng tubig sa dagat. May mag-jowa pa nga na nakita na naghahalikan. Gusto kong masuka, hindi kasi ako mahilig sa laplapan.

Sorry naman sa mga natamaan. Tao lang ako. Ay mali, imaginary human lang pala ako. HAHAHAHAHA!

Napansin ko na medyo maalon ang dagat. Lumapit ako at hinayaang mabasa ang paa ko. Huwag kayong mag-alala, naka tsinelas ako.

Hinahayaan ko lang mabasa ang mga paa ko ng tubig ng dagat. Naramdaman kong warm lang ang temperatura ng tubig, magandang magbabad sa tubig.

So ayon, hanggang sa nangawit na nga akong nakatayo lang habang nagbababad sa tubig. Kaya umalis na ako doon at bumalik na lang sa hotel room ko. Painit na rin ng painit ang sikat ang temperatura ng araw na pataas na ngayon.

Nang makabalik ako sa hotel room ko, pinunansan ko ang mga paa saka isinara ang pinto. Ni-lock ko ito para kapag may papasok, hindi siya dire-diretso sa pagpasok.

Si Vale kasi gano'n. Kainis yung lalakeng 'yon. Pumapasok na lang sa kwarto ng may kwarto ng walang katok-katok. Kaya natuto akong i-lock na lang palagi ang pintuan ng kwarto ko sa bahay o sa kahit na anong kwarto na pinagtutulugan ko at kung saan ako nagi-stay.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon